Chapter Twenty Seven: Don't Test The Gangster In Me

725 28 2
                                    

Chapter Twenty Seven: Don't Test The Gangster In Me
~•~

Ice's POV

"Ice, good night," Iiihhh! Ano ba 'yan, kinikilig ako ng uber! Kanina pa kasi naggoo-good night si Sine sa baba.

"Oo na!"

"Good night!"

"Ang kulit!"

"Eh sabihan mo rin kasi ako ng good night, kay tamad mo naman kasi."

Ay, okey. "Okay good night!"

"'Yung may feelings naman ah."

"Good night with feelings!"

"Bwahaha!"

~•~

Paglabas ko ng CR, madadaanan mo 'yung kusina. Napaigtad ako dahil nandun si Sine na nakacoat na. Grabe ang pogi niya.

"Nagulat pa ako," sabi ko. Buti nalang nakapagpalit na ako ng maayos. Tss.

"Dahil sa kagwapuhan ko?"

"OO!" Ayy paksheet! "Hinde joke lang," 'yung ngiti niya kasi parang nangiinsulto pa eh. Naman! "Bakit hindi ka pa pumunta?"

"Hinihintay kita."

"Bakit?"

"Gusto ko kasama kang pumasok. Kaya ilagay mo na 'yang bathroom kit mo sa kwarto natin. 'Lika na!" kaya 'yun naman ang ginawa ko.

Binuhat niya 'yung bag ko kaya ayun, dala-dalawa 'yung sa kanya. "Sine, alam ba ng ibang kaklase natin?" tanong ko.

"Hindi pa pero sasabihin ko mamaya..."

"'Wag nalang please!"

"Ba't naman?"

"Nakakahiya eh."

"Bakit ka naman mahihiya?"

"'Wag nalang sige na. It's not that I don't like them to know but ayokong magisip sila ng masama o iba sakin, lalo na sayo."

"Sige na nga."

Pagpasok naming classroom, agad kong nakita si Vince kaya nginitian ko siya. Si Sine naman ang sama ng tingin sa kanya. Nagdiscuss na si maam. Mga second period nakaramdam ako na parang naiihi ako kaya nagexcuse ako at pumunta sa CR. Paglabas ko ng cubicle, nagulat ako nandun sa harapan ng pintuan ng cubicle ko si Erroll.

"Erroll..."

"Ice, payagan mo naman ako oh."

"Ang alin?"

"Manligaw sa 'yo?"

"Hala, bakit ba lahat nalang kayo ganyan sinasabi? Nababakla na ba kayong lahat?"

"Kasi nga, kahit magpanggap kang lalaki ka, makikita parin ng iba 'yung tunay na ikaw. At sa huli mong tanong, hindi ako bading."

"Anong---" Hinigit niya 'yung kamay ko at diniin sa pader.

"H'wag ka ng magmaang maangan, alam ko na'ng babae ka."

"Ano bang pinagsasabi sabi mo diyan Erroll?"

"'Yung napkin sa basurahan. Nakita kong tinapon mo. At 'yan!" sabi niya habang inaalis 'yung butones ng polo ko. Pagkatapos ay naexposed dun 'yung thick cloth na ginagamit ko para itago 'yung breast ko. "Ice, sino ka ba talaga? Anong kailangan mo?! Bakit mo ginagawa ito?"

Napatingin ako sa mukha niya, at napahawak ako sa necktie niya. Mabilis kong pinagpalit ang posisyon namin at ngayon naidiin ko na siya sa pader.

Tumingala at tumingin ako sa labi niya at unti unti kong nilapit ang sakin. Nang naglapat, naghalikan kami gaya ng ginawa namin ni Sine. Napapangiti ako habang naghahalikan kami. Naramdaman ko ang mga kamay ni Erroll sa likuran ko habang hinihimas himas ito. Nang naramdaman kong mas lumalim ang halik niya sakin at ang kamay niya'y dinidiin pa ang aking ulo sa mukha. Kasabay nun ang pagumbok ng nasa baba niya.

Don't Test The Gangster In Me (Book 1): La Morte È Il Vostro KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon