Thirty Three: Kidnapped for Ransom

614 24 0
                                    

Thirty Three: Kidnapped for Ransom

///

Sicily, Italy
[Cemetery]

~

"Hi Mom, Dad, Kuya..." she said while putting those flowers there. Kakarating lang niya ngayon. It's December 25, at pasko. "Merry Christmas," she whispers as if she wants to cry while her voice started to crack. "Miss na miss ko na kayo." she sat down on the ground,” Muntik na akong makapatay ng mga taong hindi naman dapat patayin. And guess what, I already entered that Mafia who killed you."

Tumingin siya sa kanyang paligid at unti unting tumulo ang kanyang luhang kanina pa niya pinipigilan.

"I remembered those happy moments when we were still together. Ang saya hindi ba? 'Yung sabay sabay tayong kumakain. Sabay sabay tayong nageexchange gift, 'yung umuuwi kayo dito sa Italy from Philippines just to meet me," she wiped her tears. "Sorry for the tears. Alam kong ayaw niyong umiiyak ako. Yes, matatag ako. But hindi naman dahilan ng pagiyak ang pagiging mahina 'di ba? Miss na miss ko lang talaga kayo."

~•~

[MANILA, PHILIPPINES]

Tangent started to collect corpse of Hawks members. He hired some serial and professional killers just to have what he want. Tatlong araw nalang imimeet niyang muli si Icy. Nakakalimang ulo na siya, eight to go. He's on his way home using his car. Gabi ng mga panahong iyon. Pagkapasok niya sa bahay nila ay agad niyang nakita ang patay na katawan ng ilan sa mga katulong. He suddenly felt nervous kaya agad agad niyang idinial ang number ni Sine.

"Kuya andito ako ngayon sa bahay!"

"Makinig ka, Tan! Umalis ka na diyan! Bilisan m-"

"Hmmp..."

Biglang nagdilim ang kanyang paningin nang may pumalo sa ulo ni Tangent.

"Tan... Tan? Hello? Tangent!"

"Message from Vien Mafia. The young Connemara is in our hands now."

"NO!"

"How to get him back? Prepare 100 billion dollars, and meet the Mafia Boss or else--- this guy will be dead."

Ibinato ng isang lalaki ang cellphone ni Tangent sa pader. Agad niya itong binuhat at nilakad papunta sa isang itim na van. Naghysterical narin ang pamilya Connemara sa nangyari. They were having their exchange gift bago nangyari ang lahat. Natunugan nilang pupunta ang Vien Mafia sa bahay ng Connemara.

~flashback~

Sine received a message saying that...

MESSAGE from Unknown: CONNEMARAS, I'm warning you that you should now run away from your house. The Vien Mafia is on their way to assassinate your FAMILY.

"Mom, dad!" sigaw niya, at agad lumapit sa mga magulang niya.

Agad silang nakaramdaman ng van na tumigil sa bahay nila. Bigla silang tumakbo sa secret way sa bahay nila at tumakbo. Connemara's are not part of MAFIA. Sina Sine at Tangent lang naman ang mga gangster sa pamilya. But they had known as one of those business tycoons in the Philippines. Ang nasa isip naman ng Vien, kailangan nilang patayin ang mga ito, dahil nangangamba silang baka maubos ang kanilang investment sa world market dahil nagsisimulang lumaganap ang pera ng mga Connemaras. They chose to run away dahil hindi kaya ni Sine ang mga ito. A gangster compared to Mafias? That's not fair.

Hindi kaya ni Sine labanan ang mga ito. Yes, he's the gang leader of BDS that had known in the Metro Manila pero kumpara sa mga Mafia, ang pinakamalakas na Mafia sa buong bansa at buong mundo, he was just a piece of their dirt!

But he is wondering... sino ang nagsend ng message sa kanya?

~end of flashback~

SAMANTALA, papalakad pauwi si Icy, umaga dito sa Italy kumpara sa Pilipinas. Mula siya sa sementeryo nang may tumawag sa kanya.

"Queen," si Britney.

"Ano 'yun?"

"I already did what you said. Nareceive nila 'yung notice pero, may problema."

"Ano 'yun?"

"'Yung kapatid ni Sine, nakuha ng VIEN."

"WHAT?!"

"Yes. Nakuha siya ng VIEN at humihingi sila ng danyos na sa tingin ko hindi makakaya ng Connemaras based from the conversation I'm reading at this moment. It's 100 billion dollars!"

"Ipagbook mo ako ngayon ng flight papunta sa Pilipinas. Tawagan mo si Vince at sunduin ako as soon as nakarating ako sa NAIA!"

~•~

AS SOON as nakarating nga siya sa Pilipinas, sinundo siya ni Vince.

Nasa koche sila ngayon ni Vince habang nagdadrive ito. Ice dialled Sine's number.

"Ice..."

"Bakit ka umiiyak?"

"I need you right now."

"Saan ka ba ngayon? Ha? Sabihin mo?"

"Nasa dorm ako."

"Hintayin mo 'ko diyan," ibinaba niya ang cellphone. "Vince sa Jacksonville. Bilisan mo."

As she entered the dorm, agad siyang pumaloob.

"Ice," tawag ni Erroll. Nandito ang BDS, para damayan si Sine na nasa loob ng kwarto nila. They'd decided to be here at pati narin ang family (na nagtatago sa ibang bansa ngayon) para masecure sila. Their parents was co-investors of Connemaras so napagdesisyunan muna nilang magtago, dahil baka mangayari rin sa kanila ang nangyari sa mga Connemara.

Dito piniling magpunta ng anim dahil hindi maaaring galawin ng Vien ang paaralan, this was on their rules. No academic facilities shall be doomed for dirty operations.

"Anong nangyari? Si Sine?"

"Hindi mo na kailangang alamin, Ice. Basta kailangan ka ni Sine ngayon."

Pumasok si Ice sa loob ng kwarto at nakita niya si Sine na nakadapa.

"Sine..."

Biglang napaangat ng mukha si Sine at nakita niya ang mukha ni Ice. Kita sa mata niya na pulang pula ito. Agad na niyakap ni Ice si Sine.

"Ice... hindi ko na alam ang gagawin ko. Ayoko nang may mawala muli sakin... ayoko ng mamatayan." sabi ni Sine habang pinipigilan ang iyak niya. Although alam na ni Ice ang dahilan pero kailangan niyang magplay safe. Sa isip niya wala na sana ngayon sila kung hindi niya ginawa ang bagay na 'yun, NOON at iba pa 'yung ngayon.

"Matulog ka muna, Sine... maaayos rin ang lahat."

Humiga silang dalawa at nagyakapan. "Dito ka lang, ah?"

"Oo, matulog ka muna pagkatapos bukas hanapin natin ang kapatid mo."

"Paanong..."

"Matulog ka na." Shhh, ang tanga ni Ice! Buti nalang hindi pinansin 'yun ni Sine dahil naipikit na niya ang mga mata nito. Ngayon niya lang naramdaman 'yung init ng katawan ni Sine. Hinawakan niya ang noo nito at naramdaman niyang sobrang init. May lagnat ito.

May pumasok sa isip niya. Naramdaman niya na rin ang naramdaman ni Sine. At hindi siya papayag na may gagawin ulit ang Vien laban sa kanya. Kahit hindi niya aminin, nasasaktan siya sa nakikita niya ngayon para kay Sine. It reminds her what happened at that time. At ang huling dahilan...

Ito ay dahil...

Mahal na niya ang lalaking nasa tabi niya at ayaw na ayaw niyang makita ito sa ganitong sitwasyon.

Don't Test The Gangster In Me (Book 1): La Morte È Il Vostro KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon