Forty Eight: "I am a criminal."

511 16 0
                                    

Forty Eight: "I am a criminal.”

//

Ice’s POV

Napatingin ako sa nagsalita, yung MC ng event ngayon, yung babaeng nakasuot ng long black gown at maningning na kato mask.

Yung boses niya... parang narinig ko na kung saan.

Pagkatapos ng cotillion ay pumwesto kami sa komportableng espasyo. Nakatayo kami nila Britney, Sine, Akihiro at Erroll sa table na nabalutan ng pulang tela. Kasalukuyan ko ngayong iniinom ang aking cocktail wine, habang nakikinig sa welcome message ng isang faculty.

“Asan nga pala si Deniel?” bigla kong tanong.

“Ayun siya oh, kausap si Skie Annika.” turo ni Britney sa kanila mula sa hindi kalayuan. Kahit nakasuot sila ng mask ay kilalang kilala ko sila.

Tumingin ako roon, parang iba yung usapan nila. Napakaseryoso. Tumingin ako sa paligid... parang may nakamasid? Parang... may mali!

Iba na 'to. Kinukutuban ako.

“Wala ba kayong napapansin?” tanong ko, out of curiosity.

“Wala naman. Ano naman 'yun, Ice?” tanong ni Sine.

“Bukod sa weird na kahigpitan ngayon ng mga bodyguards sa entrance?” tumingin ako sa nagsalita, si Erroll.

Tama. Yung mga guard. Kinapkapan muna kami bago makapasok dito sa setting ng event, which is sa Amphi ng Jacksonville.

“Sa tingin niyo, bakit naman sila biglang naging mahigpit?!” I asked again even if I do know the answer.

“Para safe...” sagot ni Akihiro.

“Bakit naman hindi magiging safe 'tong party?” Unless, ayaw nilang may makapuslit ng deadly weapons—na maaaring gamitin for self defense, if ever may mangyaring masama— oh my God.

Bigla kong inubos yung cocktail ko, tsaka pabagsak na ibinaba sa table ang glass wine.

“Ice...” si Sine, “bakit?”

“Wala. Magsi-CR lang ako.”

Sino kang putounge yna kang gugulo ngayon?!!!

***


Sine’s POV

Nagmamadaling umalis si Ice. Hindi ko maintindihan din minsan ang ugali niya. Minsan napakacheerful, minsan napakasunget, minsan cold, minsan galit.

“Anyare dun?!” tanong ni Akihiro.

“Para ngang may male,” ani naman ni Britney.

“Huh?!”

Biglang lumapit si Deniel sa table namin. “Boy, asan si Ice?!” tanong niya kaagad.

“Pumuntang CR. Bakit mo siya hinahanap?” tanong ni Erroll.

Anong nangyayare? Naguguluhan ako.

“Kailangan ko siyang makausap, ngayon na.”

“Bakit nga?! Ano ba yun?!”

“Mamaya ko na ieexplain...” saad niya habang umiiling na umaalis.

Bigla akong nakaramdam ng kakaiba. Bakit... feeling ko, may tinatago sakin si Ice?

Don't Test The Gangster In Me (Book 1): La Morte È Il Vostro KarmaWhere stories live. Discover now