Chapter Sixteen: He Who Knows

929 39 1
                                    


Chapter Sixteen: He Who Knows

THIRD PERSON’s POV

//

MADILIM at maingay ang malawak na silid sa underground city kung saan naroroon ang lahat ng imbitadong gang leaders. Kanina pa naghihintay ang iba dahil magaalas otso na ay wala paring nangyari. Lingid sa kaalaman nila ay nagmall pa si Icy. Wala lang, trip lang niya. Ang sabi niya, "reyna ako, so dapat hintayin nila ako?"

After nang nangyari kanina ay dumerecho siya sa mall. Nagshopping siya ng dress kung saan, hanggang tuhod at kita ang balakang niya. Fit na fit rin ito sa katawan niya at lumalabas ang alindog. Nagsuot siya ng wig at dumerecho sa sinehan para manood ng thriller.

"Sasaksakin 'yan sa tagiliran."

"We?"

"Oo tapos 'yung end niya e mamamatay 'yung lalaki."

"Nanonood kayo o nagdidiscussan?" masungit na banat niya sa tabi niya. Paano ba naman e kwinekwento na ng isang girl 'yung movie.

Umismid nalang 'yung dalawang girl. Nagring ang phone ni Icy at si Britney ang tumatawag.

"Queen, nasaan ka na? Ikaw nalang 'yung wala tsaka halatang bored na 'yung mga nainvite."

"Nagmall kasi ako tsaka nanood ng sine."

"Siraulo ka talaga Queen, bilisan mo na halos tatlong oras na silang naghihintay."

Tumayo na siya at lumabas ng sinehan. Sa daan palang ay napapalingon ang mga tao. Ang ganda kasi niya. Sumakay siya sa kotse niyang bitak bitak 'yung front shield at pinaharurot niya ng mabilis. Ayun, hinabol na naman siya ng police pero nagawa niya silang iligaw. Nakadating siya sa Underground City labing anim na minuto ang nakalipas. Naglakad siya sa likod at pagpasok sa isang room, nabutan niya si Britney na hawak hawak 'yung Crystal White na Kato mask niya.

"Queen..." saad niya habang inaabot ang kato mask. Agad niyang isinuot 'yun.

"Pakiabot 'yung lipstick," utos niya.

Kinuha naman ni Britney 'yung lipstick at ibinigay sa kanya. Kinapalan ni Icy ang paglalagay ng lipstick sa lips niya. Napangiti siya pagkatapos.

"Namiss ko 'yang pustura mong ganyan Queen."

Ngumiti muli siya, "Ihanda 'yung stage, magsasalita na ako."

~•~

"Puta, e ang tagal naman nung Icy na 'yun!" singhal ni Sine in impatience. Sa katunayan, ayaw niya ng naghihintay. At ayaw niya sa taong pinaghihintay siya.

"'Wag kang maingay, boy! May makarinig sa 'yo baka kung anong gawin sa 'tin," sabi ni Akihiro.

Napatingin ang lahat sa stage nang may bigla bigla nalang na naglakad na babaeng may magandang damit at nakasuot ng Crystal na kato mask.

Ang ingay ay naging isang nakakabinging katahimikan. Napatingin si Icy sa karamihan, nakita niya si Sine at nginitian ito. Bigla namang kinabahan si Sine sa hindi maipaliwanag na kadahilanan.

"Ang tahimik ah," sabi niya at nasundan ng nakakatayong balahibong halakhak. Inilabas niya ang dalawang baril mula sa kanyang likuran.

Don't Test The Gangster In Me (Book 1): La Morte È Il Vostro KarmaWo Geschichten leben. Entdecke jetzt