Forty Two: Race to Love

536 16 0
                                    

Forty Two: Race to Love

//

Icy's POV

PE class namin ngayon. Nasa field kaming lahat, mag-ra-runner daw kami. Shiz, namiss ko na ring tumakbo ng tumakbo ng tumakbo hanggang sa pagpawisan ako ng over. Feeling ko nga tumaba ako dahil palagi akong pinapakain ng marami ni Sine. Tapos ang dami pang chocolates, everynight 'yun, palagi akong may chocolates. Naloloka na nga ako baka magkaroon ako ng Diabetes eh. Well, naappreciate ko naman lahat ng EFFORTSSS niya. With S'es 'yan kasi ang dami talaga niyang EFFORTSSS na binibigay.

He is so gentleman to the point na pati pagbukas ng CR siya, tapos, nagbabantay siya sa labas para raw walang mag-lurk. Seryoso? Sino naman maglu-lurk? Tss. Paranoid. Sabi ko nga sa kanya, baka siya naglulurk? And his expression was so priceless. Sobrang namula siya to the point na magkakulay sila ng kamatis. Err... hindi ko nalang pinansin 'yun.

"Oh, Ice? Kaya mo bang tumakbo, 'di ba, may asthma ka?" tanong sakin ni sir habang nagi-stretching kami.

"Kaya ko."

"Sigurado ka?"

"Mmm..."

"OK."

"Sigurado ka ba talaga?" tanong ni Sine sa tabi ko.

"Line by twos, tapos kung sino katabi niyo siya 'yung kalaban niyo. Iikutin niyo 'tong oval, at kung sino ang manalo sa dalawa sa inyo, may prize." sabay pumito si Sir.

Nagline naman kami, tapos si Sine ang magiging kalaban ko.

"Kaya ko." sabi ko.

Pumito si Sir at nagsimula ng tumakbo sina Erroll at Akihiro. Mahaba ang tatakbuhin. Ang laki kaya ng field, tapos paikot ikot pa. Parang gustong gusto ko na tuloy tumakbo. Ilang minuto pa ang hinintay namin, tapos ang nanalo si Erroll.

Napatingin ako kay Sine nang nagsimula na naman 'yung nasa harapan.

"Sine..." hinila ko siya sa pinakalikuran, tapos dun kami pumuwesto.

"Teka, bakit?!"

Bumulong ako sa kanya. "Let's have a bet," sabi ko. Tumingin siya sakin ng sobrang pagtataka. Tumingin ako sa field, "if you win, sasagutin na kita ngayon MISMO. If I win, babalik na ako sa Beverly at ititigil ko na ang pagpapanggap ko."

Napangiti siya. "Sige ba. Eh alam ko naman na mananalo ako eh." Ang yabang mo, Sine, for your information, I will not become the QUEEN OF UG WORLD if I'm not fast in all deeds.

"Sigurado ka ba?"

"Mmm... Tsaka gagawin ko ang lahat para manalo," nagstretch stretch na rin siya. "Ice, may idadagdag ako. Kapag nanalo ako, let's kiss for twenty minutes," bigla akong napayuko at napahawak sa kamay ko sa sinabi niya. I always do this, my mannerism kapag nahihiya ako o sobrang kinikilig ako. "Yieee, kinikilig siya."

"Hindi!"

"Hahaha, that's the bet OK? Pero nagaalala ako baka atakiin ka ng asthma mo."

Tumingin ako sa kanya. "Joke ko 'yun noon. Wala naman akong asthma eh."

"Ahh... teka meron pa akong idadagdag."

"Ano 'yun?"

"Kapag nanalo ako... papaliguan mo ako, hahaha-arayy!" napahawak siya sa muscle niya sa braso nang sinuntok ko 'yun, malakas, namimilipit nga siya sa sakit eh. "Aray... paano mo nagawa 'yun... ahh..."

"Sorry..."

"Ikiss mo 'ko para mawala."

"Addict ka!"

"Sine, Ice? Bakla kayong dalawa?" tanong ni Joey.

"Oo bakla kami, pakialam mo?!" maangas na tanong ni Sine. Nasa harapan rin pala namin si Vince. Kaya naman ramdam ko 'yung tension na binibigay ni Sine. Woi Sine, 'wag kang magselos. Hindi ko naman talaga Ex si Vince eh.

Nagtakbo takbo pa 'yung ilan. Hanggang sa kami nalang ni Sine ang natira dito.

"OK ka lang talaga, Ice ha?" si Sir.

Ang kulit ng lahi nito. Parang gusto ko na siyang gilitan sa leeg. "Ok lang talaga ako, sir."

"OK, position."

Tumungin ako kay Sine tsaka sinabing, "Good luck." nang nakangiti.

"Ready..."

"Anong good luck? Good luck sa 'yo."

"Set...GO!"

Pagsabi ni Sir ng ganun, mas pinauna ko siya, napalingon siya sakin tapos napangiti.

"Ice, nag-GO na ako." sabi ni Sir.

Nang natantya ko nang naka ilang feet na siya, tsaka ako humarurot ng pagtakbo. Rinig na rinig ko pa 'yung cheers ng ilang kaklase ko sa pangalan namin ni Sine. Mas pinaharurot ko ang pagtakbo. Hanep. Ang bilis rin pala ng isang ito... pero sorry not soryy, I am faster than him. As a Queen, kailangan mong mabilis ka sa lahat ng bagay. Katulad ng pagtakbo. Kaya nga ito eh, ilang inches nalang ang pagitan namin. Napatingin naman siya sakin nang nasa tapat na niya ako sinasabayan siya.

"Ha-hanep ka..."

"Sabi sa 'yo eh..."

Pagkatapos nun ay inunahan ko na siya, at nagtakbo takbo pa ng mabilis, parang si The Flash.

Hanggang sa nakaabot ako sa kinaroroonan muli ni Sir at mga kaklase ko. Ilang segundo pa ay nandito na rin si Sine. Pareho kaming hingal ng hingal habang hawak hawak pa namin ang mga tuhod namin. Tagaktak ako ng pawis ganun din siya. Ang hot niyang tingnan kapag pinagpapawisan. Nakakafall tuloy na naman.

"I can't believe that you are that fast, Ice." sabi ni Sir. "Naabutan mo pa si Sine, hanep ka."

Napatuwid ako ng tayo.

"Dahil diyan, kung gusto mo isasali kita sa Track and Field team."

"No thanks, sir." sabi ko sa pambabaeng boses ko na.

"Teka? Bakit? Ayaw mo? Mas tataas ang grades mo kapag sumali ka dun isa pa mas tataas ang tsansang manalo tayo sa susunod na Olympics tournament. "

"Dahil babalik na ako ng Italya this week, and I will not continue my studies here anymore."

"Ahhh..." sabi nilang lahat tsaka grinoup hug nila ako. Pero itong si Sine, ako lang naman ang hinahug. Tss. I somehow kind of miss them all. Mas maganda talaga maging friends ang mga lalaki, minsa kasi walang plastikan tsaka walang drama. Totoo lang. Kaya lang ang hirap maattached sa kanila. Napangiti nalang ako sa kanilang lahat at sisiguraduhin kong maaalala ko lahat ng mukha nila kahit saan ako magpunta.

~•~

"Seryoso, Ice?" tanong ni Hiro dito sa dorm namin.

"Hindi. Ang totoo niyan sinabi ko lang 'yun para hindi na nila tanungin o hanapin ako kapag nawala ako. Babalik na ako ng Beverly. Para makahabol pa sa mga tests na hindi ko na make."

"Mamimiss ka ni Sine, hahahaha!" tawa ni Akihiro.

"Mamimiss din kita," sabi naman ni Erroll.

"Huwag nga kayo, magkikita kita pa rin naman tayo eh. Malapit lang naman 'yung Bev dito oh. Tsaka gagraduate na tayo, sa college sa Beversonville na tayo magaaaral."

"Iba pa rin kapag andito ka. Tss." sabi ni Deniel.

"Hindi nga po pwede. Hehe. Basta gusto ko lang magpasalamat. Kasi naging mabait kayo sakin. And sana huwag niyong ipagkalat ang TOTOONG AKO. Please?"

"Makakaasa ka, Ice." sabi ni Erroll na tangka akong yayakapin ngunit hinila ako ni Sine, tapos niyakap niya ako.

"Te-ka-"

"Uyyy..."

"Pwede ba kaming magusap saglit?" tanong niya tapos nagsilabasan silang lahat. "Pwedeng sa rooftop tayo, Ice?" pumunta naman kami roon. Maghahapon na rin at 'yung sunsent kitang kita na naman dito. Nagkulay orange tuloy ang paligid.

Palagi kong nakikita ang ganitong scene dito, at ang gaan sa pakiramdam katulad kapag kasama ko siya, ang ganda ganda sa pakiramdam. Feeling ko wala na akong gustong hilingin.

~•~

Don't Test The Gangster In Me (Book 1): La Morte È Il Vostro KarmaWhere stories live. Discover now