Forty Five: Thumping Hearts

514 18 0
                                    


Forty Five: Thumping Hearts

///

Gabi na nang makarating kami dito sa bahay nila. Gosh. Nakaharap ako ngayon dito sa lamesa, with them. His dad, his mom, and Tangent. Nakayuko ako malamang. I'm so shy! And I'm so kilig. Imagine, hindi pa nga officially kami eh, papakilala na niya ako sa parents niya. Ano 'to? Ikakasal lang?

"Nice meeting you, Queen Valencia." sabi nung daddy niyang kamukhang kamukha niya.

"Nice meeting you, Mr. Connemara."

"Masyado ka namang pormal, hija Tito Secant nalang."

"Taray, puro trigonometric function," bulong ko pero medyo napalakas! Narinig nilang lahat, nagtawanan sila. "Sorry..."

"Hija, magkaisip na magkaisip talaga tayo, ako nga pala si Bianca, tita nalang." sabi niya at nginitian ko rin siya. "'Yung lolo kasi nila Sine, hindi makamove on sa subject na Trigonometry nung college siya. Nabagsak niya eh, kaya in-master niya. Tapos pinangalan niya ang daddy ni Sine, tapos pati mga apo na niya. The sad thing was, he's now at heaven..."

'Yun pala 'yun.

"Saan ka nga pala magco-college, hija?" si Tito.

"Sa Beversonville po siguro or babalik akong Italya."

"What?" biglang pagsingit ni Sine. "No way, Ice, can you please just stay here?" sabi niya.

"Hindi pa nga sure, 'di ba? 'To talaga."

"By the way, who are your parents?" si tita Bianca naman.

"They're now dead tita," sabi ko.

"Sorry..."

"OK lang po."

"Ok, let's eat."

Kumain na kami. Hindi ako makakain ng OA, 'yung parang baboy. Ayoko nga, maturn off pa sila sakin eh. Pagkatapos naming kumain ay naglakad kami pataas gamit ang stairs ni Sine.

"Saan tayo pupunta?"

We stopped in front of the door, here at the left wing. "Dito... sa kwarto ko."

"No way! We can't do that!"

"Hahaha," he laughed while putting his hands to his abs. "Of course, we'll not do it yet, hindi pa kita akin eh."

Bigla akong naginit at namula sa sinabi niya.

"I just want you to see my room inside our house."

"Bakit?"

"Dahil gusto ko lang."

"Ang gulo mong kausap."

"Wala naman talaga kasi akong dahilan para pumasok tayo sa kwarto ko... it's on you if you want it now to happe- aww..." sinuntok ko 'yung braso niya. Napaaray naman siya sa sakit kasi nilakasan ko talaga. Para ngang nadurog ko 'yung buto niya. "Aray, paano mo nagawa 'yun, Ice?" sabi niya.

Habang iika ika ng kamay niya ay binubuksan niya 'yung pintuan. Kahit Queen na ang alam niyang girl's name ko, tinatawag parin niya akong Ice. Doon kasi siya sanay at dahil kay Ice, nagkita at nagkakilala kami.

We entered his room. Napakaaliwalas. Kulay blue, maayos at napakaeerie ng feeling.

"This is my room."

"What's special here, Sine?" umupo ako sa blue niyang kama. Tinabihan niya naman ako.

"Dito tayo maghohoney moo- wait joke lang!" pinigilan niya ang kamay ko na susuntukin na naman 'yung braso niya.

Don't Test The Gangster In Me (Book 1): La Morte È Il Vostro KarmaWhere stories live. Discover now