Chapter Eighteen: Feelings Do Change

827 28 0
                                    


Chapter Eighteen: Feelings Do Change

//

"Paano kung sabihin kong oo, anong gagawin mo?"

Parang tumigil ang mundo nang sabihin niya 'yan. 'Yung feeling na hindi ka makahinga, tapos rinig na rinig mo yung pagtunog ng puso mo sa tenga.

"Ah-ahm----"

"Kung babae ka, magugustuhan kita. Tssk... Halika na nga!" Hinila niya ako patayo tsaka naglakad kami habang nakaakbay siya. Spell A-W-K-W-A-R-D. I also heard him sighed heavily. "Ice..." tawag niya.

Ang bango bango niya! Ahmp. "Ah-mm, a-ano?"

"Kailan mo nalamang bading ka?"

"Huh?"

"Kapag ba nagsisimula kang magkagusto sa kapwa mo lalaki, nababading ka na ba?" hindi ko alam bakit parang kinakabahan ako sa tanong niya. He knew that I am a guy that is girlish. Pero ang hindi niya alam babae talaga ako. 'Yun tanong niya parang may kahulugan. "'Di ba kayong bading nagwagwapuhan kayo sa mga lalaki e paano kung 'yung lalaki nagagandahan sa kapwa lalaki? Anong tawag sa kanya?"

"Huh?!"

"'Wag mo nalang sagutin. Uwi na nga tayo."

Kinakabahan ako sa sinabi niya!

Napahinga ako ng maluwag. Waaa! Icy, what was that feeling? Hindi. It shouldn't be Icy. Don't fall for him. Nagsabay kaming magtoothbrush tapos nahiga na kami sa mga kama namin. Hindi ako makatulog. Nakakabwisit! Parang ang hyper hyper ko ngayon na parang nasa cloud nine na feeling? I haven't feel this way back then... ngayon lang. 'Yung parang may lumilipad sa tiyan ko na nakakakiliti! My god! Nababaliw na ba ako!?

"Ice..."

'Yan na naman. Parang nagpaparamdam si Sine na may gusto siya sakin. I faked a sleep.

"Ice..."

Hindi ako sumagot at hindi gumalaw. Nakakainis. Ayoko na. Parang kinakabahan ako. Rinig na rinig ko 'yung puso kong tumitibok ng mabilis.

"Ice... g-good night," he whispered but I heared it. Mas kumabog ang puso ko sa sinabi niya. Grabe, totoo ba 'to o nananaginip ako? Si Sine, naggood night siya oh! Gard!

Kinabukasan wala na silang lahat. Naligo akong magisa at nagpalit. Pagpasok ko sa classroom, nakatingin silang lahat sakin.

"Alam ko na! Si Ice 'yung isali natin. Sure win na tayo diyan!" sigaw ni Vince. Nakatingin si Mrs. Catacutan sakin from head to feet tapos napangiti siya.

"Ano?!" tanong ko.

"Tama, siya... mananalo tayo! Yuhoo!"

"Go Ice, kaya mo 'yan!"

Nakakaloka na! Hindi ko maintindihan 'yung pinagsasasabi nila.

"Mister Fernandez, ikaw 'yung napili para maging representative ng section natin for the search."

"Search?"

"Contest, beauty contest. Since mukha ka namang babae, mananalo tayo. Next week na kasi 'yung Foundation Day ng school at tradition namin dito na magkaroon ng pageant ng boys na dadamitan ng pangbabae."

"What?! NO! AYOKO!" sigaw ko.

"Please, Ice... please, kailangan natin ng representative dahil kapag wala, magmumulta ng 15 thousand ang section natin. Tsaka magcocommunity service kayong lahat."

Tumingin ako kay Sine na nakatingin lang sakin. Eehhh! Naman eh. Tapos si Akihiro at Deniel nakathumbs up saking pareho. Ayoko na!

"Ice!"

Don't Test The Gangster In Me (Book 1): La Morte È Il Vostro KarmaWhere stories live. Discover now