Fifty: Message and Goodbyes

Start from the beginning
                                    

The only thing I can do is... Icy paused.

"Umalis ka na. Hindi kita pasasalamatan sa mga impormasyong binigay mo dahil hanggang ngayon ay hindi parin ako naniniwala." Ibinaba niya ang kanyang baril.

"Learn to believe in me just this once."

"Sa susunod na makita kita, sisiguraduhin kong papatayin na kita."

"Don't worry, hindi mo na makikita si Frea Vien..." tumalikod na si Frea at nagsimula nang maglakad.

Nang nasa harap na siya nila Sine ay nagulat ang lahat dahil tumigil ito roon.

"Mr. Jacksonville, sorry for ruining the night... and please say this to Miss Beverly... sorry for ruining their school and yours..."

Isang flash bomb ang kanyang nilabas dahilan para umusok ng marami. Panandaliang nabulag ang lahat at ang sumunod na kanilang nakita ay nasa taas na si Frea, habang nakabitin sa tali ng isang chopper.

Nawala ang mga usok.

Hindi makapagsalita ang lahat sa halo halong emosyon na nararamdaman nila. Lumapit si Sine kay Icy.

"Huwag kang lumapit..." ani Icy.

"P-pwede m...mo bang a-alisin yang maskara mo?" naiiyak na saad ni Sine.

Isang pagsabog ang narinig ng lahat mula sa Dormitory ng Jacksonville ngunit hindi iyon ang nagpawala ng emosyong ibinibigay ngayon ng dalawa.

Unti unting inalis ni Icy ang kanyang maskara, unti unti rin ang pagsikip ng puso ni Sine... Alam na niya, gusto lang niyang kumpirmahin ang lahat. Gusto lang niyang makita gamit ang dalawang mga mata niya na si Ice ay si Icy.

At nang tuluyang inalis ni Ice ang maskara ay pumatak ang kanyang luha. Pinunasan niya ito gamit ang kanyang mga kamay.

"Oo Sine... ako si Icy."

Lalapit sana siya ngunit itinutok ni Icy ang kanyang baril sa kanya.

"Huwag kang lalapit, ipuputok ko sayo to!" Humikbi siya sa iyak.

Isang hakbang pa ang ginawa ni Sine nang kinalabit ni Icy ang gatilyo, natamaan ang isang pang braso ni Sine.

"Parang awa mo na Sine, wag kang lumapit!!!" aniya habang patuloy parin sa pagiyak.

Ngunit lumapit parin si Sine. Dalawang metro nalang ang layo ng dalawa.

"Iputok mo, Ice..." nakapikit na saad niya, habang sunod sunod ang pagtulo ng kanyang luha. Nakatutok ang baril sa kanyang dibdib.

"Sine..." suminghap siya ng hangin at mahigpit na hinawakan ang baril. Hanggang sa ibinato niya sa baba iyon at umiyak. "Gusto mong malaman ang lahat 'di ba?" Malakas na tinapik ni Icy ang dibdib ni Sine ng paulit ulit. Napapaatras naman si Sine sa kanyang ginagawa.  "Ako ang pumatay kay Diamond! Ito... itong singsing na ito na ang alam mo kay Diamond, akin ito! Naiwan ko sa crime scene kung saan ko siya pinatay!" saad niya habang pinapakita ang singsing na nasa kamay niya.

"Ang sakit... ang sakit sakit lang..."

"Binalak ko ring patayin ang pamilya nila Deniel, Sine. Ano pa bang gusto niyong malaman? Ang pagpapasabog sa Jacksonville?! Ano pa?! Kung gaano ako kasama?!!!"

Kahit masakit ang braso ni Sine ay nagawa niyang mayakap si Ice. Pinilit na kumawala ni Ice ngunit mahigpit ang pagkakayakap nito. Isang napakasakit na iyak ang ibinigay ni Sine habang nakayakap kay Ice na halos humagulgol na sa sakit ng nararamdaman.

"Bitawan mo ako Sine, bitawan mo ako..."

"Ice, I love you..."

"H...hindi k-kita m-mahal..."

Don't Test The Gangster In Me (Book 1): La Morte È Il Vostro KarmaWhere stories live. Discover now