Chapter Thirty Six (Aldrin's Birthday!)

Start from the beginning
                                    

“E pero, pwede bang si Michelle. Michelle right?”

“Opo.” First time ko lang narinig magsalita to, mahiyain ata.

“Si Michelle na lang ang katabi ko.”

“Tyrone. Sige na naman, tabihan mo na to si Aya. Ang KJ eh.” Sabi ni Alexis kay Tyrone. Hahaha! Desperadong bata!

“Sige na Aya, tabi na tayo. Hayaan mo na sila baka mamatay si Alexis pag di niya nakatabi tong kapatid ko.” Sabi ni Tyrone. Yieeeeeee!

“O-oh sige na nga.” Sabi ni Aya.

“Yeey!” tuwa ni kuya oh. Hahaha!

Pagsakay naming, nasa dulo sina Aya, wala silang katabi. Ilang sandali, narinig naming tumatawa si Alexis.

“Bakit ka ba tawa ng tawa jan? Ha?!” nakakairita lang yung tawa niya.

“Guys, tignan niyo to.” Loko loko talaga tong si Alexis. Pinicturan ba naman si Aya at Tyrone, nakasandal yung ulo ni Aya sa balikat ni Tyrone. Yieee! Ang sweeeeeeet.

“Pano mo napicturan eh gising naman si Tyrone?” bulong ni Carla.

“Ako pa. Hahaha! Si Alexis ata to.”

“K dot. Hahaha! Baliw ka talaga!” sabi naman ni Jen.

“Uy, Michelle. Quiet ka lang sa kuya mo ah.”

“Oo naman. Bagay nga sila eh, ang sweet. Hahaha! Magagamit natin iyang photo na yan. Hahaha!”

Pareho silang mag-isip. Hahaha! Bagay sila. Nararamdaman ko. Haha!

Pagkadating naming, parang walang nangyari. Hindi kasi alam nila Aya na nakuhanan sila ng picture.

“Punta tayo sa tabi ng dagat!” haha, pasensiya excited ako eh.

“Bakit?” Nonsense talaga to si Daniel. Joke. Hahaha!

“Iinumin ko yung tubig sa dagat, gusto mo? Share tayo.” Nagtawanan lang sila. Parang ako tuloy yung napahiya.

“Oh sige Jmy, punta tayo. Sino gusto sumama?” buti pa si Carla. :P

“Ako!” sabay sabay silang lahat. Maliban lang kay Aya at Tyrone.

“Aya, magpahinga ka pala muna. Pagod ka eh. Ikaw Tyrone, ayaw mo talagang sumama?”

“Wag na. Kayo na lang, ang sakit ng balikat ko eh. Di ko alam kung bakit.”

Tumingin ako kay Alexis at Michelle, pinipigil nila yung tawa nila. Hahaha! Nahahawa tuloy ako.

“Oh sige pala, basta kung may kailangan lang kayo magsabi lang kayo sa maid.” Nice one! Among amo ang dating ah.

Aya’s POV

Umalis na sila papunta sa tabi ng dagat. Naiwan kami ni Tyrone sa loob ng rest house nila Aldrin. Ang sosyal talaga pag mayaman oh. Ang gandaaa. Pero ang sakit ng leeg ko. Badtrip! Hindi ko masyadong maigalaw. Ang awkward pa dito dahil kaming dalawa lang tapos hindi pa kami nag-uusap.

“Ehem. Ehem. Ahmm, thank you nga pala kanina dahil binuhat mo yung mga dala ko.” Nakakailang naman kasi kung hindi kami mag-usap. Baka kung ano pang isipin nito.

“Wala yun.” Ang boring naman kausap nito!

“Pwede magtanong?”

Mr. Suplado(finished)Where stories live. Discover now