Chapter 36 - Ultimate Nurse

Magsimula sa umpisa
                                    

Lalo na kay Kendall, dahil mayaman ito at heritero ng Shing-Wa buisness, gayun man kahit gusto nila bubugin si Kendall, di nila magawa. Walang sino man ang pumaloag dun, pwera na lang sa bola Kanina.

STELLA

Grabi naman, duguan daw sila pag umuuwi? Ano ba ginagawa ng mga to? Nakikipag tayaan sa tigre at leon?

"Paano naman nangyayari yan?" tanong ko.

"Dati kasi meron kaming...." merong? tumigil si Jacob at tinignan ako ng seryoso. "Gang." GANG?! Gangster ang mga mayaman at mga gwapong nilalang 'to??

"Wag ka matakot sa amin Stella, dati pa yun nag bago na kami. Tsaka good boy na kami ngayon. Well good boy na bad boy haha!" naka ngiting sabi ni Ginno.

"The breakers na kami ngayon, hindi na meymbro ng RED RUMMER." Dagdag ni Jacob.

Teka....Eh kung may gang nga sila dati...Ibig sabihin, si Kendall ba ang tinutukoy ng mga lalaki kaninang naguusap? Na maghihiganti ng sila dito? Na tatapusin nila si Kendall??

"Oi, bakit ganyan ang mukha mo? Nagbago ba ang tingin mo sa amin?"

"Ha? Hindi hindi" agad aking umiling, nakaraan naman nila yun eh. Kung may gang man sila eh bahala sila tsaka wala naman ako dun. "Ah Ginno...Jacob....may mga kalaban ba si Kendall?"

"Tsk. Madami kaming kalaban, ang mga gustong humuganti sa aming The Breakers. Pogi kami eh." nagawa pa ni Jacob mag pa pogi sign. Loko lang! "Eh yung...makipagaway okay din ba si Kendall dun?" paano kaya kung siya ang tinutukoy ng mga lalaki dun kanina? Kasi nga kakasabi lang niya madami ang gusto maghiganti kay Kendall.....ibig sabihin may plano mga yun...

"Okay? Psh. Pag mga assignment lutang yun, pero pag dating sa labanan, wala ng papalag pa sa lalaking yun. Kahit ilaban mo siya sa sampung tao. Kaya niya yun taposin sa loob ng isang minuto, kahit gamit niya isang kamay. Sa lahat ng mga sides ni Kendall, yun ang pinaka maangas sa lahat"

Sa sinabi ni Ginno parang namangha ako. Grabi ganon pala kalakas si Kendall pag dating sa awayan? Siguro nga sanay siya makipag bakbakan kasi madami ang gustong maghiganti sa kanya. Matindi din pala ang lalaking yun sa physikalan.

"Wala pang nakakatalo kay Kendall kailanman. May dugong kriminal yun oag dating sa bakbakan." Dagdag ni Jacob at napatawa kaming tatlo.

Parang nawala ang kaba ko sa nalaman ko. Ibig sabihin kung may plano man mga lalaking yun, kayang kaya sila ni Kendall.

"Teka ba't mo ba natanong yun? Tsaka pansin ko lang ah...Kanina ka pa tanong ng tanong tungkol sa kanya. Ayiieee" pagloloko ni Ginno at natawa sila ni Jacob.

"Na cucurious na ba ang puso mo sa kanya? Haha!" Waa! Mga baliw ng mga to kung ano ano sinasabi.

"AIGOO!! Ang kulit ng batang yun!" napatingin kami kay Lola Telda habang pababa ito sa hagdanan.

Naku! Siguro gising na si Kendall!

Bakit na excite ako?

"Grandma, oh kamusta na siya? May malay na ba?" tanong ni Ginno habang inaalayan si Lola Telda.  " Hay naku. Ang batang yun, Tigas parin ang ulo! Kaninang umaga lang sabi ko sakaanya wag siyang pumasok kasi mainit ang lagat niya. Eh tignan mo ngayun, umaapoy sa lagnat. Ayaw pa uminom ng gamit. Aigoo!" minasahi ni lola ang noo niya habang inaayos ang salamin.

Si Kendall daw.. May lagnat? Kanina ang lakas pa nito ah. Kaya siguro natamaan siya ng bola.

"Sige na grandma pahinga kana. Andito naman si Stella para alagain si Kendall"

The Ultimate Heartthrobs & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon