Epilogue

31K 538 45
                                    

"Kinakabahan ka ba tol? Chill ka lang para ka namang kakainin ng buhay." natatawang sabi sa kanya ni Rico.

"Mas lalo kang kabahan tol di ka na daw sisiputin ni Sofia." dagdag naman ni Gilbert sa kanya at parehong tumawa ang dalawa.

Sinamaan niya ng tingin ang dalawa. Kung hindi lang siya kinakabahan malamang nabatukan niya na ang dalawa. Hindi siya mapakali para siyang maiihi na ewan. Marami siyang naiisip na what if's at lahat iyon ay puro negative.

Paano kung hindi ito dumating? Umatras? Na hindi pa pala ito handa?

Pero lahat nang iyon ay nawala ng pumailanlang ang musika sa loob ng simbahan.


Sa pagpatak ng bawat oras ay ikaw
Ang iniisip-isip ko
Hindi ko mahinto pintig ng puso


Kasabay noon ang paglalakad ng mga batang babae at naghagis ng kulay asul na petals ng mga rosas sa red carpet. Sunod ding naglakad ay si Duke na siyang ring bearer.

Sumunod na naglakad ay ang mga abay sa kasal. Naunang naglakad ang kapatid niyang si Erika at ang partner nito na si Maverick na halatang nagkakailangan.

Sunod ay sina Prince at Mika na todo ngiti at mukhang magkasundo agad ang dalawa. Sina Jhyson at Nika naman ay parehong naglalakad iyon nga lang ay hindi magkahawak ang dalawa at kasunod nila ay sina Alex at Princess.

Sunod-sunod ng naglakad ang magkakapareha lalo na sina Gilbert at Zyla at sina Golde na todo kapit kay Ace.

May tumapik sa balikat niya.

"Tol, buti nalang at hindi ka tinakbuhan ng bride mo." natatawang bulong sa kanya ni Rico.

Pinagsisisihan niya na tuloy na ito pa ang ginawa niyang Bestman. Sana si Ace nalang ang bestman niya at least hindi sila non magpapansinan.

"Congrats son." sabi sa kanya ng ama niyang si Derik.

"Thanks dad." sagot niya.

Napatingin siya sa pinto ng simbahan ng bumukas ito. Dumako ang tingin niya sa babaeng nakatayo doon. Angat na angat ang ganda nito lalo na sa suot na wedding gown. Nagtama ang tingin nilang dalawa. Nakangiti ito sa kanya pero hindi parin nakatakas sa paningin niya ang pagtulo ng luha nito dahil sa labis na katuwaan. Gustong-gusto niyang lapitan ito pero pinigilan niya lang ang kanyang sarili.

Niyakap ito nina tita Janine at tito Stone bago ang mga ito nagsimulang maglakad.

Bumaba ang tingin niya sa malaki na nitong tiyan. 6 months na nitong pinagbubuntis ang kanilang anak. Ayaw na nitong patagalin pa ang kanilang kasal kaya kahit malaki na ang tiyan nito ang kaagad din silang nagpakasal.

Pero hindi iyon naging madali dahil marami pa silang pinagdaanan. Mali, siya lang pala. Marami siyang hirap na pinagdaanan mula sa ama nito. Nakatanggap pa nga siya ng dalawang suntok mula dito ng malamang buntis na si Sofia nang hinihingi niya ang permiso nito para sila ikasal.

Ginawa siyang Personal assistant, secretary, bodyguard, driver, janitor at delivery boy ng ama nito. Hindi lang iyon. Mahigit 3 weeks niya ding hindi nakita si sofia dahil iyon ang isa pang parusa sa kanya at talagang torture iyon sa kanya ni hindi sila pwedeng mag text o magtawagan.

Mabuti nalang at kinaya niya iyon at pumayag na nga si Tito Stone na magpakasal sila ng anak nito na si Sofia.

At heto nga nasa harap niya na ang babaeng pinakamamahal niya.

"Alagaan mo ang anak ko Angelo. Subukan mo lang na paiyakin siya ipapa salvage kita tandaan mo yan." Banta pa sa kanya ng ama nito.

"Stone! / Dad!" magkasabay pang sigaw ng mag-ina.

Mojico Heiress 1: Get Her PregnantDove le storie prendono vita. Scoprilo ora