16❤ Territorial

24.4K 550 21
                                    

Maagang nagising si Angelo o mas tamang sabihin hindi  talaga siya nakatulog ng maayos dahil  nangyare kagabi. Aaminin niya natukso siya, idagdag mo pa na walang anumang suot si Sofia kaya hindi niya na namalayan na nagawa niya ang bagay na iyon.

Ilang beses niyang pinilig ang kanyang ulo para mawala sa isip niya iyon. Pero sino bang niloko niya? Hanggang ngayon ay parang isang TV o sirang CD na paulit-ulit na nag rereplay sa isip niya ang nangyare kagabi. Ramdam niya parin ang malambot na labi ni Sofia sa labi niya at naririnig niya parin ang ungol nito na para bang isang napakagandang awitin iyon.

Nasapo niya ang kanyang mukha. Ano nalang ang sasabihin ni Sofia sa kanya? Bakit ba kasi nagawa niya ang bagay pa iyon? Ipinikit niya ang kanyang mata para kahit papaano ay marelax siya.

Nagpasya siyang lumabas na ng kwarto kahit na 5 am palang ng umaga. Hindi narin siya makatulog kaya mabuti pang lumabas nalang at magluto ng agahan nila. Pumunta siya ng kusina at laking gulat niya na makita si Sofia doon na umiinom ng gatas at sa harap nito ay isang bowl ng cereals dahil narin sa nakita niyang box ng cereal sa tabi nito.

"Sofia?" mahinang tawag niya dito.

Tumingin ito sa kanya. Hindi niya alam kung ano bang sasabihin dito. Magsosorry ba siya sa nangyare kagabi? Magpapaliwanag?

"Morning dude!" nakangiting bati nito.

Bigla siyang nagtaka sa kilos nito. Bakit parang maayos ang lagay nito, na para bang wala man lang nangyare kagabi? Ano yun, nakalimutan na ba nito ang nangyare?

Pinanood niya itong maganang kumain. Bakit ba ganito ang kilos nito? Hindi ba ito magagalit sa kanya? Bubulyawan siya? Sasaktan? Ito kasi ang inaasahan niya. Pero bakit ganito? Bakit ganyan ang kilos niya?

Huminga siya ng malalim.

"Sofia, yung nangyare kagabi—"

"Dude, gusto mo?" alok nito sa kanya habang hawak nito ang bowl ng cereals.

"Magpapaliwanag ak—"

"Teka, ikukuha kita ng lalagyan." Tumayo ito at kumuha ng bowl at kutsara.

Sinundan niya ito ng tingin. Gusto niyang humingi ng tawad at pag-usapan nila iyon pero mukhang umiiwas ito kaya hindi na muna siya magtatanong.

Ito na ang naglagay ng cereals at gatas sa bowl at binigay sa kanya. Tahimik lang silang kumakain, gusto niyang magsalita pero wala siyang masabi. Ipinagpatuloy nalang niya ang pagkain.



"Soffy, sure ka ba talaga?"

Pinaningkitan naman ng mata ni Sofia si Rico. Hindi niya na kasi mabilang kung ilang ulit na ang pagtatanong nito sa kanya idagdag mo pa na naiinis ito dahil sa pagtawag nito sa kanya ng Soffy. Gusto niya na tuloy itong suntukin.

Sumakay agad siya sa isang sikat at latest na sports car. Pinaglaruan niya ang makina nito at napangiti siya ng marinig ang ingay nito.

Astig!

Napatingin siya sa kaliwa at nakita ang isang lalaki na nasa loob ng sasakyan. Mukhang ito ang kalaban niya. Kinindatan siya nito at nginisihan.

"Hi babe!" nakangising sabi nito. "You know what? Mabuti pang umuwi ka na. You're just a plain girl." at may mapaglarong ngiti sa labi nito.

Napataas sya ng kilay. Yabang!

Lihim siyang napangisi ng may maisip na kapilyuhan. Pakakainin niya ng alikabok ang mayabang na to.

Mojico Heiress 1: Get Her PregnantWhere stories live. Discover now