12

23.8K 497 4
                                    

"Don't cry. Sayo nalang itong big shell na nakuha ko. Smile ka na." nakangiting sabi ng isang batang babae.

"You're not gwapo, you're cute for me." sagot ng batang babae na ikinasimangot ng kasama nitong batang lalaki.

"Mommy!  Daddy!Malakas na iyak ng batang babae.

"Would you please shut your mouth?! Stop crying will you?!" sigaw ng babae sa bata dahilan para mas lumakas ang iyak nito.

"Gusto ko ang mommy at daddy ko! Mommy! Daddy!"

"Tumahimik ka sabi!" sigaw niya ulit dito. 

"Bad ka! Balik mo na ako sa mommy ko! Susumbong kita sa daddy ko!"

"Ang sabi ko tumahimik ka!"

                  BEEEEEEEEEP!


Napabalikwas mula sa pagkakahiga si Sofia. Para siyang tumakbo ng mabilis dahil ang lakas ng tibok ng puso niya. Pawis na pawis din ang mukha niya lalo pa at nakalimutan niyang i-on ang AC sa kwarto niya. 

"Stupid nightmare." naiiling na sabi niya at pinahid ang pawis sa mukha.

Naalala niya ang kanyang panaginip ang tungkol sa batang babae pero hindi  niya makita ang mukha ng bata dahil. Pero iba ang pakiramdam niya, para kasing pamilyar ang nasa panaginip niya iyong tipong parang nangyare na ito. She mentally shook her head. Sumasakit lang ang ulo niya sa tuwing iniisip niya ito. Dumako ang tingin niya sa wall clock na nasa pader. 1 am palang ng madaling araw. Nandito siya sa bahay ng magulang niya. Dito kasi siya umuwi dahil namimiss niya ang mom at dad niya. Napatingin sa kanya ang alaga niyang aso na si Sas ng tumayo siya. Tumayo din ito mula sa pagkakahiga at lumapit sa kanya.

"Gusto mo ding kumain Sas? Tara midnight snack tayo?" Tumahol naman ang aso na para bang gusto din nito. Mas nauna pang lumabas ang aso niya kesa sa kanya ng buksan niya ang pinto. Tumama pa nga ang tagiliran niya sa doorknob ng pinto dahil sa pagdaan nito. Huminto ang aso at tumingin sa kanya,pinaningkitan niya ito ng tingin. Bumaba naman ang tingin nito sa kanya and made a pity look.

"Pasalamat ka love kita." Sabi niya at tumahol ito.  Lumapit ito sa kanya at tumalon-talon.

"Waaah! Sas, wag mo kong talunan!" sigaw niya at umiwas sa talon nito. Pero hindi parin ito tumigil kaya tumakbo nalang siya pababa at hinabol naman siya nito. Napaupo agad siya sa sofa sa sala ng talunan siya ng aso. Tawa siya ng tawa lalo na ng dilaan siya nito.

"Anak, bakit gising ka pa?"

Napatingin siya sa hagdan at nakita ang mom niyang si Janine.

"Nagugutom ka ba?" tanong nito.

"No mom. Nagising lang po kasi ako." sagot niya. Lumapit ito sa kanya at umupo katabi niya.

"Do you need anything?" tanong ng kanyang ina at kasabay noon ang paghaplos ng kamay nito sa buhok niya.

"Wala mom." patuloy parin sa paghaplos ang mama niya sa kanyang buhok.

"Mahaba na ang buhok mo anak. May plano ka bang ipagupit?"

"Why mom? Gusto niyo po ba?"

"Hindi anak, ayoko. You know what, simula ng ipinanganak kita buhok mo ang pinakagusto ko. I love your hair anak." sabi nito.  "You got your father's hair. Namimiss ko na ngang ayusan ang buhok mo." mahinang sabi nito.

Napahawak siya sa kanyang sintido ng may sumagi sa isip niya.

Nakita niya ang isang babae na tinitirintas ang buhok ng isang batang babae. Hindi niya makita ang mukha nito dahil malabo.

Mojico Heiress 1: Get Her PregnantWhere stories live. Discover now