30

21.7K 561 46
                                    



Naging maayos at masaya ang hinanda niyang date kay Sofia. Hindi man ito tulad ng date na kinakailangan pa na sa isang restaurant mangyare at magsusuot pa sila ng formal na kasuotan. Alam niya kasing hindi mahilig sa mga ganun si Sofia kaya ganito ang naisip niya. Mabuti nalang at mukhang nagustuhan nito at pareho pa silang nag enjoy.

Para sa kanya ay ito na yata ang pinakamasaya at pinakamagandang nangyare sa buong buhay niya, ang makasama ang pinakamamahal niyang si Sofia.

Hinahaplos niya ang buhok nito. Hindi niya maiwasang tingnan ang maganda at maamo nitong mukha. Iyon nga lang kapag gising ay parang dragon. Nakaunan ito sa braso niya at nakayakap sa kanya. Mahimbing itong natutulog at bahagya pang nakaawang ang labi, para tuloy gusto niyang halikan ang labi nito. Gumalaw ito, maya-maya pa ay nakita niyang dumilat ito.

"Good morning my lovely queen." bati niya.

"Angelo"

"Yes?"

"Gusto kong kumain ng sunny side up egg."

"Sige magluluto ako." akmang babangon siya ng hawakan nito ang braso niya.

"No... Gusto kong si Gilbert ang magluto non. Tawagan mo siya Angelo."

"Ano?! Bakit siya pa ang gusto mong magluto kung nandito naman ako?" reklamo niya.

Bumangon ito at sinamaan siya ng tingin. "Ayaw ko nga. Gusto ko si Gilbert ang magluto."

"Hindi ako papayag na kumain ka ng itlog na luto ni Gilbert!"

"DI WAG! Tsk lumayas ka nga sa harap ko. Naaalibadbaran ako sa pagmumukha mo!" sabay tulak nito sa kanya. 

Napakamot tuloy siya sa ulo niya. "Sungit." bulong niya.

"May sinasabi ka?" taas kilay na tanong nito sa kanya. Agad naman siyang umiling, mahirap na baka masapak pa siya.

"Magluluto lang ako." sabi niya dito pero hindi naman siya nito pinansin.  Napailing nalang siya saka lumabas ng kwarto.




Katatapos niya lang maghugas nang makarinig siya ng kalabog mula sa loob ng kwarto. Mabilis siyang tumakbo papasok sa kwarto at doon ay nakita niya ang tahimik na umiiyak na si Sofia.

"Sofia, anong nangyare sayo? Bakit ka umiiyak?" sinubukan niyang hawakan ito pero lumalayo lang ito sa kanya.

Hindi niya alam kung bakit ito umiiyak, kahit lumalayo ito sa kanya ay hinawakan niya ito at mahigpit na niyakap. Di rin nagtagal ay yumakap din ito pabalik sa kanya.

"S-si l-lolo....w-wala na si l-lolo..." at  humagulhol ito ng iyak. Nagulat siya sa sinabi nito kaya mas hinigpitan niya ang pagkakayakap dito.







Hindi pa sila lumalabas ng kotse at nanatili lang sa loob. Sinilip niya sa labas. Maraming tao ang nasa loob ng bahay na nakikiramay sa pamilya Mojico. Tiningnan niya si Sofia tulad kanina ay wala parin itong imik tumigil narin ito sa kaiiyak pero halata parin sa mga mata nito ang lungkot at sakit.

"Pumasok na tayo sa loob." mahinahong sabi niya.

Lumabas na siya ng kotse at binuksan ang pinto sa tabi ni Sofia. Hinawakan niya ang kamay nito at inalalayan itong bumaba. Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ni Sofia nang magsimula na silang maglakad papasok sa loob ng malaking bahay.

Kompleto ang buong pamilya Mojico. Kita niyang tahimik na umiiyak ang mga tita ni Sofia. Bumaling ang tingin niya sa lola Veronica ni Sofia, nakaupo ito sa wheelchair at hinahaplos ang kabaong ng asawa. Nilibot niya ang tingin at nakita si tito Stone na yakap ang umiiyak na si tita Janine nakita naman sila nito.

"S-sofia anak..."

Bigla nalang bumitaw sa kanya si Sofia at mabilis na tumakbo palapit sa mga ito. Para namang nahabag ang loob niya ng makitaito na umiiyak habang nakayakap sa magulang.

Umupo siya sa bakanteng upuan tumingin siya sa tabi niya at nakita si Princess. Kung noon ay wala siyang makitang emosyon sa mata nito ngayon ay nakikita niya sa mata nito ang lungkot. Tinapik-tapik niya ang balikat nito, tumingin naman ito sa kanya at binigyan niya ito ng isang ngiti.





Binalot ng lungkot at iyakan ang buong lugar. Pati ang langit ay nakikidalamhati din sa kanila dahil umuulan. Ngayong araw ang libing ng lolo ni Sofia at marami ang nakiramay. Nakita niyang hawak ng tita Kylie ni Sofia ang wheelchair na inuupuan ng Lola Veronica nito. Tahimik itong umiiyak habang pinapanood ang unti-unting pagbaba sa libingan ng asawa nito.

Lumipat ang tingin niya kay Sofia. Tulala lang ito habang nakatingin sa kawalan. Gusto niyang lapitan ito at yakapin upang kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam nito. Pero ito na mismo ang nagsabi sa kanya na wag muna siyang lalapitan na naintindihan niya naman.

Lumipas ang oras ay unti-unti ng nagsisialisan ang taong nakiramay... Hanggang sa sila nalang dalawa ni Sofia ang maiwan. Dahan-dahan siyang lumapit dito at hinawakan ng mahigpit ang kamay nito.

"Ihahatid na kita." tiningnan lang siya nito pero sumunod din ito sa kanya.



"Gusto mo bang samahan kita na muna kita dito?" tanong niya kay Sofia nang ihatid niya ito sa mismong condo nito. Hindi kasi ito pumayag na umuwi sa mismong bahay nila at ginusto nitong sa condo mismo umuwi. Sa totoo lang ay ayaw niyang iwan itong mag-isa. Gusto niyang samahan ito.

"G-gusto ko na muna mapag-isa."

"Kung iyan ang gusto mo." saad niya. "Tawagan mo nalang ako kapag may kailangan ka."

Hindi man lang ito umimik. Malalim siyang bumuntong hininga. Tumayo siya at hinalikan ang noo nito bago siya lumabas.





Limang araw na ang lumipas simula nang mailibing ang lolo Ricardo ni Sofia, ay naging mailap na ito sa kanya. Kapag pumupunta siya sa condo nito ay palagi lang itong nakakulong sa kwarto ni hindi nga siya nito pinapansin. Kapag kinakausap niya ay tango o iling lang ang sagot nito sa kanya. Ang ikinakabahala niya ay hindi ito kumakain ng maayos. Sinubukan niya na alokin itong lumabas pero umiling lang ito. Kahit nga sina tito Stone ay hindi nito makausap ng maayos ang anak nila. Kaya ibinilin nalang ito sa kanya.

Sa sumunod pang mga araw ay palaging ganito parin ang nangyayare. Hindi siya nito pinapansin lalo na kapag kinakausap niya ito.


Hanggang sa isang araw ay pinuntahan niya ito sa condo nito. Tinawag niya ito pero walang sumagot kaya pinuntahan niya ito sa kwarto pero wala ito doon. Ang ikinabahala niya ay bukas ang kabinet nito at wala na ang ibang mga damit nito.

May kung anong kaba siyang naramdaman. Sinubukan niyang hanapin ulit ito sa buong condo pero hindi niya ito nakita. Kaya naman ay tinawagan niya ang kapatid nito na si Jhyson para itanong kung nasa kanila ba si Sofia pero wala ito sa kanila. Sinubukan niyang tawagan ang cellphone nito pero naka unattended ito. Doon na siya nakaramdam ng takot at kaba. Plano niya na sanang lumabas sa kwarto ni Sofia nang may mahagip ang mata niya.

Dahan-dahan niyang pinulot ang bagay na nasa sahig at halos manginig ang kamay niya nang makita kung ano ito. Ramdam niya ang malakas na pagkabog ng dibdib niya. Para siyang na blangko at pinanghinaan pero mas nangibabaw parin ang naramdaman niyang tuwa, kaba, pagkasabik at takot.

Dahil ang hawak lang naman niya ay isang Pregnancy Kit....





na may dalawang linya.







Positive.




**

EDITED  6-28-19

Mojico Heiress 1: Get Her PregnantWhere stories live. Discover now