3

31.8K 750 11
                                    

Pagpasok palang ni Angelo ay naamoy niya na ang mabangong cookies na umaalingasaw sa buong kabahayan. Binati siya ng ilang katulong na madaanan niya ng papunta siya sa kusina.

"Babe naman, pingi ako ng cookies."

"Hindi nga yan para sayo, para yan kay Sofia."

"Naman babe oh. Di ba pwedeng kahit isa lang? Madami naman yan di yan mauubos ni Sofia."

Hindi maiwasang mapangiti ni Angelo ng makita ang nakasimangot na si tito Stone at ang nakapameywang na si Tita Janine.

"Ihahampas ko to sayo." banta ni tita Janine na may hawak na sandok. "Wag ka diyang kukuha."

Napabaling ang tingin nito sa kanya.

"Oh, nandito ka na pala Angelo." bati nito sa kanya.

"Hi tita and tito." bati niya sa dalawa. Tinanguan lang siya ng kanyang tito Stone at bumalik ulit ang tingin nito sa asawa.

"Si Sofia po?" tanong niya.

"Ayun tulog pa. Mabuti pa gisingin mo na, naku ang hirap pa namang gisingin ng batang yun." naiiling na sabi nito.

"Sige po. Aakyat na ako."

Tumalikod na siya sa dalawa pero nakita niya pa ang isang batang lalaki na nasa edad na anim.

"Hi there little boy." bati niya dito at saka ginulo ang buhok. Kita niyang sumimangot ang cute nitong mukha.

"Not my hair!" reklamo nito at lumayo sa kanya. Natawa siya sa reaksiyon nito lalo na at pumunta ito kina tito Stone.

"Tita can I have some?" dinig niya pang tanong ng bata.

"Sure." kita niya pang binigyan nito ang bata.

"Bakit si Duke binigyan mo? Ako hindi?" reklamo ni tito Stone.

"Oh, shut up Stone hindi ka na bata." madiing sabi nito.

"Hindi na din bata si Sofia. Pwede na nga siyang mag-asawa eh."

"Bata pa si Sofia at hindi pa siya pwedeng mag asawa!" sabay hampas ng hawak nitong kahoy na sandok sa ulo ni tito.

"Aray! Ang sadista mo talaga babae." nakasimangot na sabi ni tito.

"Where's your ate Princess and kuya Prince?" tanong ni tita kay Duke.

"Sleep pa po sila." ito ang narinig niya pang sagot ng bata bago siya umalis ng kusina.

Paakyat na siya ng hagdan ng makita niya si Jhyson ang kapatid ni Sofia na pababa na ng hagdan at kasama nito si Prince. Parehong humihikab at pupungas-pungas ang mga ito. Mukhang nandito ang mga anak ng tito Devon ni Sofia.

"Pupuntahan niyo po si ate?" tanong sa kanya ni Jhyson.

"Oo."

"Ah, geh ingat ka po." sabi nito at saka pinagpatuloy ang pagbaba.  Nagtaka siya sa sinabi nito pero hindi niya nalang pinansin pa ang sinabi nito at umakyat na.

Tinatahak niya ang mahabang pasilyo papunta sa kwarto ni Sofia. Bumaling ang tingin niya sa isang kwarto ng bumukas ang pinto nito at lumabas ang isang dalaga. Nakatingin ito sa kanya kaya kitang-kita niya ang kulay hazel nitong mata. Blangko ang mata nitong nakatingin sa kanya kaya agad siyang napaiwas dito. Kahit kelan ay kinikilabutan siya kapag tinitignan ang babae. Mukha kasi itong mataray at laging seryoso di katulad ng kambal nito laging masayahin. Napaisip tuloy siya kung bakit 'Princess' pa ang naging pangalan nito.

Huminto siya sa isang kulay puting pinto na may nakadikit na poster ni Sasuke sa Naruto. Hindi na siya kumatok at binuksan ang pinto. Tumambad sa kanya ang madilim na kwarto dahil natatakpan ng makakapal na kurtina ang bintana nito kaya hindi makapasok ang sinag ng araw.

Mojico Heiress 1: Get Her PregnantWhere stories live. Discover now