26

26.7K 741 90
                                    

"I want to see that kuya Angelo nga-Ay abs!"

Pareho silang napatingin sa pinto ng bumukas ito at kita nila ang isang babae na kahawig nong Mikka. Nanlalaki ang mata nito at sapo pa ang bibig. Nakita niya pa sa kamay nito ang susi na ginamit nito para mabuksan ang pinto.

"Ah...hehe sige tuloy niyo lang yan." sabi nito at nag peace sign pa sabay sara ng pinto.


"Bwiset ka talaga! Ang sarap mong sapakin!" sigaw sa kanya ni Sofia at pinaghahampas siya ng unan.

"Aray ko! H-hoy Sofia tumigil ka na! Aray! Nakakarami ka na!" pagpipigil niya dito.

"Heh! Letse ka! Ano na lang ang iisipin non? May pahubad-hubad ka pa kasing nalalaman. Para namang ang ganda ng katawan mo." sabi pa nito.

"Anong ibig mong sabihin? Na ang pangit ng katawan ko?" tanong niya.

"Ikaw ang nagsabi niyan hindi ako." sabi nito at umalis sa kama.

"Para sabihin ko sayo ako ang may pinakamagandang katawan sa lahat. Complete package pa! May abs ako muscles-

"Ilang electric fan ba ang nalunok mo at sobrang hangin mo?" nakapameywang na tanong nito sa kanya.

"Nakakasakit ka ng damdamin. Alam mo yun?" madramang sabi niya at humawak pa siya sa dibdib niya.

"Drama mo gag*." kinuha nito ang polo niya at binato sa kanya. "Suotin mo na nga yan."

"Bakit? Nadidistract ka ba sa abs ko?" nakangising tanong niya.

Humarap ito sa kanya at tinaasan siya ng kilay. "Susuotin mo yan o hindi tayo mag-uusap?"

"Ito na nga susuotin na, di ka na mabiro." Agad niya namang sinuot ang polo niya.

"Sumunod ka sakin." sabi nito at lumabas na ng kwarto kaya nagmadali siyang lumabas para sundan ito.

Nauunang maglakad sa kanya si Sofia kaya naman ay binilisan niya ang paglalakad para maabutan ito at makasabay sa pagbaba nito sa hagdan. Pagbaba nila ay nakita niya si Mikka kasama ang isang babae na kahawig nito na siyang pumasok sa kwarto kanina.

"Err... a-ang bilis niyo namang matapos." sabi nong kahawig ni Mikka.

"Kung ano man ang iniisip niyo. Nagkakamali kayo. Anyway, punta lang kami sa likod, doon na kami mag-uusap na dalawa." sabi ni Sofia sa dalawa at nagsimula na ulit na maglakad kaya ay sinundan niya ulit ito hanggang sa makarating sila sa likod ng bahay.

"Umupo ka diyan." turo nito sa isang upuan. Umupo na din si sofia na kaharap niya lang.

"Wala talaga akong balak na makipag-usap sayo. Pero dahil nandito ka na, wala na din akong magagawa kundi ang makipag-usap sayo." sabi nito sa kanya. "Now talk."

"Yung tungkol sa nangyare saatin-" hindi niya na naipagpatuloy ang sasabihin ng bigla itong tumayo.

"Binabawi ko na ang sinabi ko. Ayoko ng makipag-usap sayo." akmang aalis na sana ito ng hawakan niya ang braso nito.

"Hindi sa lahat ng oras ay maiiwasan mo at matatakasan ang tungkol sa nangyare sa atin." mahinahong sabi niya dito. "Pag-usapan natin tong dalawa."

Nakahinga siya ng maayos ng umupo ulit ito.

"Kung ano man ang nangyare satin Angelo, kalimutan mo na yun. Lasing ako non at wala ako sa tamang huwisyo. It's my fault kaya yun ang nangyare." mahinang sabi nito sa kanya.

"Hindi ko yun pwedeng kalimutan nalang basta-basta Sofia. May kasalanan din ako. Tama ka lasing ka at ako ang nasa tamang huwisyo. Oo nadala ako pero hindi ko pinagsisisihan ang nangyare at handa akong panagutan anuman ang nangyare saatin."

Mojico Heiress 1: Get Her PregnantWhere stories live. Discover now