17

22.4K 487 12
                                    

Kanina pa sila tahimik ni Sofia sa loob ng kotse ni hindi nga siya nito pinansin ng makapasok siya ng kotse hanggang sa paandarin niya na ito. Nanatili lang itong nakatingin sa labas ng bintana.

"Sofia, may problema ba?"

"Meron." sagot nito.

"Then tell me kung anong problema mo."

"Yang gwapo mong mukha! Letse!"

Napaamang siya sa sinabi nito. Ano namang problema nito sa ka gwapuhan niya? Naniningkit ang mata nitong tumingin sa kanya.

"Bat ba kasi ang gwapo mo?!" sigaw nito sabay irap nito sa kanya. "Ayan tuloy, palagi ka nalang nilalapitan ng masasamang espirito!"

"Huh?"

"Alam mo na ngang nilalandi ka ng mga masasamang espirito nagpapalandi ka naman, tuwang-tuwa ka pa. Sinasabi ko sayo dude pag ikaw nagkaroon ng AIDS ako ang unang mag-aasikaso ng libingan mo."

"Teka nga muna." pigil niya dito. "Anong masamang espirito ang pinagsasabi mo? Isa pa, paano napunta sa AIDS at libingan ang usapan na to?" takang tanong niya.

Iginilid niya na muna ang kanyang kotse bago niya tinignan si Sofia. Nag crossed arms ito at tinaasan siya ng kilay.

"Ang ayoko sa lahat yung may humahawak sa kamay mo o kaya yayakap sayo. Ako lang ang pwedeng gumawa niyan sayo naiintindhan mo?"

Natigilan siya sa sinabi nito. Para kasing nagloloading parin sa isip niya ang sinabi nito.

"Nagseselos ka ba?" parang may sariling isip ang bibig niya at ito ang nasabi niya.  Napahigpit ang kapit niya sa manibela habang hinihintay ang sagot nito.

Sana oo ang sagot nito.

"Oo, nagseselos ako."

Sh*t! Gusto niyang tumalon at sumigaw dahil sa sinabi nito. Totoo ba talaga to? Hindi ba talaga siya nananaginip? Shetness talaga!

"Kasi bestfriend kita dude."

Napa awang ang labi niya. Tama ba ang narinig niya?

"P-pakiulit nga nang sinabi mo." sabi niya.

"Ang sabi ko nagseselos ako kasi bestfriend kita."

Gusto niya tuloy batukan ang sarili niya. Shete talaga yan. Yun na eh! Akala niya talaga—Argh! Okay na sana kaso may bestfriend pang dinagdag.

D*mn! Ito pala yung sinasabi nila na masakit umasa.


°°

Minamaneho ng dad Stone niya ang kotse magkakasama silang pamilya na pumunta sa bahay ng lolo Ricardo at lola Veronica niya. Pinapapunta kasi sila ng mga ito.

Pagpasok palang niya ng bahay ay napansin niya na, na parang may kakaiba. Na para bang ang bigat-bigat ng atmosphere sa paligid.

Ano bang nangyayare?

Nakita niya ang tita Kylie at tita Angel niya na nag-uusap parang malungkot ang dalawa. Nandon din sina Princess, Prince at Duke, nakita niya rin ang asawa ng tita Angel niya na si tito Lexel katabi nito sa upuan ang anak nitong sina Alex at si Lendyl na buhat nito. Nagbeso at nagbatian naman ang mom at dad niya dito. 

"Nasaan si Devon?" rinig niyang tanong ng dad Stone niya.

"Nasa taas kausap si dad." sagot ng tita Angel niya. "Puntahan niyo na sila, kanina pa kayo hinahanap nina papa at mama."

"Halika na sa taas anak." yaya sa kanya ng mom janine niya at sabay silang umakyat.

Huminto sila sila sa isang kulay puting pinto at binuksan ito ng dad niya. Doon ay tumambad sa kanya ang isang lalaking nakahiga sa kama, napakaputla nito at marami ng nakatusok na karayom sa kamay nito at ang buhok din nito ay puti narin. 

Mojico Heiress 1: Get Her PregnantWhere stories live. Discover now