10

24.3K 540 14
                                    

Time check 6:47 pm

Pauwi na si Angelo sa condo niya. Kagagaling lang niya sa kompanya at madami siyang inasikaso at pinirmahan. It was a tiring day for him. Ang gusto niya lang ngayon ay humiga sa kama at matulog.Pagbukas palang niya ng pinto ay narinig niya na agad ang tugtog mula sa loob. Pumunta siya sa sala at doon ay nakita niya si Sofia na sumasayaw.

Simula bata pa lamang sila ay mahilig ng itong sumayaw. Pero siya lamang at ang pamilya nito ang nakakaalam. Napakalambot ng katawan nito habang sumasabay sa tugtog. Wala itong pakialam kahit na pinagpapawisan na ito ang mahalaga ay sumasayaw sya.

Napapatitig sya sa likod ni Sofia. Nakatalikod kasi ito sa kanya kaya kitang-kita niya ang sexy nitong likod. Kahit na mahilig itong magsuot ng malalaking shirt ay may kurba ang katawan nito. Napadako din siya sa bandang pwetan nito. Sexy butt

Nakasuot lang kasi ito ng skinny jeans at sports bra. Kaya malaya niya itong nakikita. Kung ibang babae kailangan pa nilang mag gym para lang magkaroon ng kurba ang kanilang katawan si Sofia, sayaw lang ay okay na. Naramdaman siguro nito na may nanonood sa kanya kaya naman ay napaharap ito sa kanya.

"Dude, ikaw pala." nakangiting sabi nito sa kanya. "Sorry, at hindi kita nasabihan na pupunta ako dito."

"Okay lang" sagot niya dito.

Kinuha niya ang towel nito na nasa upuan at lumapit kay Sofia saka pinunasan ang pawis nito sa mukha.

"Thanks dude" ani nito.Naamoy niya sa bibig nito ang beer.

"Uminom ka ba?" tanong niya dito. Ngayon niya lang napansin ang namumungay na mata nito.

"Kunti lang naman dude." mahinahong sabi nito.

"Kumain ka na ba?"

"Nope."

Napahilamos nalang siya sa mukha niya.

"Uminom ka ng di pa kumakain?" galit na sabi niya dito. "Nakailang bote ka?"

"I-isa lang dude." Pinameywangan niya ito at mariing tinignan.

"Yung totoo." matigas na sabi niya.

"T-tatlo. I swear tatlong bote talaga cross my heart mamatay man yung pusa ng kapitbahay mo dito." mabilis na sabi nito at itinaas pa nito ang kanan niyang kamay. Bumuntong hininga siya.

"May dala na akong pagkain. Halika na. " ani niya dito saka nagtungo sa kusina.

Sumunod ito sa kanya. Inilapag niya sa mesa ang pagkaing inorder niya. Pagkatapos ay kumuha siya ng plato at kutsara para sa kanila. Nilagyan niya na ng kanin at ulam ang plato ni Sofia.

"Eat." pero nanatili parin itong naka pangalumbaba.

"Dude, feed me." nakangusong sabi nito.

"May kamay ka" sabi niya dito.

"Yeah, meron nga pero tinatamad ako. Subuan mo na ako dude." Wala na siyang nagawa kundi ang umupo sa tabi nito at subuan ito.





Lumabas na ng kwarto si Angelo matapos niyang maligo. Pumunta siya sa sala at doon naabutan si Sofia na nanonood. Suot nito ngayon ang kanyang T-shirt na pinahiram niya dito dahil pawis na pawis ito. Umupo siya sa tabi nito.

"Nga pala dude, sayo ba to?" ipinakita ni Sofia ang hawak nito. Nanlaki ang kanyang mata ng makita ito.

"S-saan mo nakuha yan?" tanong niya dito.

"Sa kwarto mo. Grabe di ko akalain na meron ka sa condo mo nito." pinagmasdan nito ang hawak na shell.

Napatitig siya kay Sofia. Kung alam lang nito na yang shell na iyan ay galing sa kanya.

"Seryoso? May shell ka talaga?" hindi makapaniwalang sabi nito.

Inagaw niya sa kamay nito ang shell. Alam niyang hindi na nito naaalala ang nangyare noon kung paano nito binigay sa kanya ang shell na ito. Mahigit ilang taon na ding nasa kanya ang shell na ito. Tinago niya ito at patuloy na iniingatan. Napakahalaga kasi nito para sa kanya. Dahil bigay ito ng babaeng mahalaga rin sa buhay niya.

Bigla humiga sa hita niya si Sofia. Hindi na siya umimik at hinayaan nalang ito.

"Alam mo, parang pamilyar sakin ang shell na yan. Parang nakita ko na yan. Kaso sumasakit ang ulo ko kapag iniisip ko kung saan." ani nito

Bigla siyang natigilan dahil sa sinabi nito ni Sofia.

"Naaalala mo ba ang shell?" tanong niya.

"Huh? Anong naaalala?"

"W-wala." sagot niya.

Napabuntong hininga na lamang siya. Sana bumalik na ang alala ni Sofia.

Pero may parte sa kanya na sinasabing wag ng bumalik ang alaala nito dahil kapag nangyare iyon ay may posibilidad na maalala nito ang nangyareng pangingidnap sa kanya ng mama niya mismo at ayaw niyang mangyare Iyon. Baka ma trauma ito or worst.....

"Haaaay... Di na talaga ako iinom ng beer pambihira pinapasakit ang ulo ko." sabi nito at humikab.

"Dude, inaantok na ko. Buhatin mo nalang ako ah? Goodnight!"

Nakita niyang ipinikit na nito ang mata. Inalis niya ang pagkakatali ng buhok nito at hinaplos ang buhok nito.

°°

Nagising si Angelo dahil sa sunod-sunod na pagtunog ng doorbell ng condo niya. Tinignan niya na muna si Sofia na mahimbing paring natutulog at nakayakap sa kanya. Mabuti nalang at hindi sila nahulog sa sofa na hinigaan nila. Hindi na niya ito nabuhat upang dalhin sa kwarto niya dahil parang tuko ito kung yumakap sa kanya. Isa pa ay napakahimbing ng tulog nito.

Dahan-dahan niyang inalis ang nakayakap nitong kamay sa kanya at tumayo. Inayos niya din ang posisyon nito at kinumutan. Naglakad na siya palapit sa pinto. Sino naman kaya ang bibisita sa kanya? 8 am palang ng umaga. Pagbukas palang niya ng pinto ay nagulat siya ng may yumakap sa kanya sabay pudpod ng halik sa kanyang pisngi.

"Good morning kuya!!!!" masayang bati sa kanya ni Erika ang kanyang kapatid.

"Hi son" bati naman sa kanya ng kanyang dad na si Derik na akbay ang mom Katrina niya.

"Mom? Dad? I thought...." takang tanong niya.

"Na next month pa ang balik namin?" pagpapatuloy ng mom niya sa sasabihin niya.
"We miss you anak kaya umuwi na kami dito and we want to help you sa kompanya."

"Hanggang kelan kayo dito?" tanong niya.

"One or two months. Teka, bakit yata hindi ka masaya na makita kami. May tinatago ka ba?" takang tanong sa kanya ng ama.

"No, it's not that. Its just---"

"Dude, anong meron? Sino ang mga yan?"

Lahat sila ay napatingin kay Sofia na humihikab pa.

"Oh god" bulalas ng mom niya.

Kita niyang pinasadahan nito ng tingin si Sofia sabay tingin sa kanya. Oh crap! She's wearing his shirt. Malamang iba ang iisipin nito.

Kita niyang napa crossed arms ang dad niya samantalang nanlalaki ang mata ng mom niya, si Erika naman ay kita niya ang laglag panga nito.

"I-its not what you think." he said stammering. Halos mag rumble ang puso niya dahil sa kaba.

"ANGELO ARCILLA!" napapikit nalang siya ng tawagin ng kanyang ama ang buo niyang pangalan.

Crap talaga! Mahaba habang interrogation to panigurado.



**

EDITED

NO TO PLAGIARISM

Mojico Heiress 1: Get Her PregnantWhere stories live. Discover now