11

25.6K 616 26
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



Mataman siyang tinitignan ng kanyang ama. Nandito sila ngayon sa kwarto niya habang naiwan naman sa labas ang tatlong babae.

"Dad, I know what you are thinking,  but I'm telling you it is not." seryosong sabi niya.

"Alam ko lahat ng mga pinag gagawa mo Angelo. Ilang babae na ba ang napaiyak mo?"

"Dad naman" reklamo niya.

"May nangyare ba sainyo ni Sofia?"

"Wala!" mabilis niyang sabi. Pinaningkitan siya nito ng tingin.

"Don't do anything Angelo, na alam mong ikakasira mo. Wag mong gagalawin si Sofia, dahil sigurado ako wala kang takas sa mga Mojico lalo na kay Stone." seryosong sabi nito sa kanya.

"Alam ko po yun dad. Isa pa, bestfriend ko si Sofia." Nakita niya ang pag-angat ng labi nito.

"Bestfriend. You're right bestfriend kayong dalawa. Kaya wag mo siyang gagalawin kung gusto mo pang mabuhay ng matagal."

"Tinatakot mo ba ako dad?"

"No son, pinapaalalahanan lang kita. Isang heiress ang bestfriend mo at isa siya sa mga mahahalagang gems ng Mojico." tinapik nito ang balikat niya.

"But if I were you, habang maaga pa gawin mo na ang lahat. I know she's special, I can see it in your eyes. You are my son Angelo."

"Of course dad I'm your son." giit niya dito.

"Ang ibig ko lang namang sabihin anak, wala sa pamilya natin yang ginagawa mo. You know what I mean." ito lamang ang sinabi nito at nauna ng lumabas ng kwarto.

Napahilamos siya sa kanyang mukha. Tama ang dad niya, habang maaga pa dapat gawin niya na ang nararapat.


"Ate Sofia, can I go sa bahay niyo ? Pretty please? I want to see mom Janine kasi. Gusto ko ulit matikman yung supah delicious niyang cookies."

Paglabas palang niya ng kwarto ay nakita niyang kinukulit ni Erika si Sofia. Lumapit siya dito at binuhat si Erika.

"Argh! Kuya put me down!" reklamo ni Erika.

"Dati naman gustong-gusto mo na binubuhat kita?"

"Dati yun. But duh! I'm 12 years old na and I'm already a big girl!" nakangusong sabi nito

"You are not a big girl, for me ikaw parin ang baby sister ko." natatawa niyang sabi dito.

"Isa kuya! Put me down na kasiiiii!"

Agad niya naman itong binaba at tumakbo ito papunta sa kusina

"Daddy si kuya oh!!!" rinig niyang sumbong nito.

Binaling niya ang tingin kay Sofia na nakatitig sa kanya.

"Bagay pala sayo ang maging isang ama." sabi nito.

Mojico Heiress 1: Get Her PregnantWhere stories live. Discover now