2

34.4K 842 81
                                    

Kaharap ngayon ni Angelo ang kanyang laptop. Nandito siya sa kanyang office at nag-iisip siya ng mga facilities na maaari niyang idagdag sa resort niya doon sa laguna. Simula ng maka graduate siya ng college ay napa sa kanya na ang resort ni Scarlett. His mom. Ayon narin sa abogado nito ay lahat ng ari-arian at pera nito sa bangko ay mapupunta sa anak nito. at iyon ay walang iba kundi siya.

Hindi man siya lumaki sa kanyang ina ay mahal niya parin ito, isa pa ay alam niyang mahalaga siya sa kanyang ina. Nabulag nga lamang ito dahil sa labis na pagmamahal. Hindi niya pa ginagalaw ang perang nandon sa bangko dahil hindi niya pa alam kung ano ang gagawin sa mga ito.

Kusang napaangat ang tingin niya ng marinig ang pagbukas ng pinto at nakita niya si Sofia.
Nagtaka siya ng bigla na lamang itong tumawa.

"Hahahahahahahaha! T-teka...hahaha lang dude Hahahahahahahaha!" maluha-luha na ito sa kakatawa at nakahawak na din ito sa tiyan niya.

"What's funny?" takang tanong niya rito. Anong nakakatawa?

Nanlaki agad ang kanyang mata ng maalala ang nangyari noong drag race that night that she felt it. Ito kaya ang dahilan kung bakit ito tumatawa ngayon?

Dahil kung oo.

F*ck! Nakakahiya yon!

"Why are you laughing?" kabadong tanong niya.

"Dude, ang ganda ng panaginip ko kaso nakakadiri na nakakatawa." at tumawa ulit ito.
"Grabe may kahalikan daw si dagul."

Dagul? Yung unano?

"Kahalikan mo daw siya dude!" at tumawa ulit ito.

The heck? Sinamaan niya ito ng tingin pero hindi parin ito tumigil.

"Ang benta non dude grabe! Nag french kiss daw kayo? Walastik!"

"Stop laughing Sofia Jane Mojico." malamig na sabi niya.

Kita niya ang pagngiwi nito ng banggitin niya ang buong pangalan nito.

"Grabe pikon agad?" umupo ito sa harap niya.

Mabuti naman at tumigil na ito sa kakatawa.

"May tanong ako sayo dude. Sagutin mo ng maayos ah?"

"Ano?" tanong niya ng hindi ito tinataponan mg tingin dahil nakatutok siya sa kanyang laptop.

"Anong nauna itlog o manok?"

Napatigil siya sa pagtipa at masama ulit itong tiningnan.

"Dude, seryoso ako. Ano talaga ang nauna itlog o manok? Kasi yung classmate ko nong high school tinanong niya ako pero hanggang ngayon ay hindi ko parin alam ang sagot." mahabang litanya nito.

Inilagay pa nito ang kamay sa baba niya na akala mo ay nag-iisip talaga siya.
Hindi niya nalang ito pinansin at tumingin ulit sa laptop.

"May ipinagtataka lang ako dude, alam mo yung feeling na lagi siyang nasa isip ko. Nakaka bother na eh. Kagabi ko pa siya iniisip."

Agad siyang napatingin kay Sofia. Batid niya kasi ang kaseryosohan sa boses nito at halata ding frustrated ito.

"Dude, kilala mo ba kung sino ang kumagat sa logo ng apple? Sa tingin mo bakit kaya hindi niya yun inubos?"

Napahilot siya sa kanyang sintido at napabuntong hininga. Keep calm Angelo.

"Ano ba kasing ginagawa mo dito?" mahinahon na tanong niya sa dalaga.

"Parang ayaw mong nandito ako ah?" nakangusong sabi niya.

Napatitig naman siya sa labi nitong natural ang pagkapula. Naaalala niya tuloy noong mga bata pa sila ng halikan niya ito sa pisngi.

Mojico Heiress 1: Get Her PregnantWhere stories live. Discover now