15

23.5K 596 42
                                    

Note: Some scenes is not suitable for young readers.


Nandito siya ngayon sa condo ni Angelo at bilang parusa ay ginawa niya nga itong slave. Aba dapat lang noh? Subukan niya lang talagang magreklamo.

"Ano, tapos ka na bang magluto?" tanong niya kay Angelo ng pumunta siya ng kusina.

"Malapit na to." sagot nito sa kanya.

"Naman oh, gutom na ko." naiinis na sabi niya. "Bilisan mo ang kilos mo dahil ikaw ang kakainin ko!"

"ARAY! SH-T!"

"Oy, okay ka lang dude?" Lumapit siya dito at hinawakan ang kamay ni Angelo na napaso.

"Bat ba kasi ganun ang sinabi mo?" sabi nito.

"Huh?"

"W-wala. Umupo ka na diyan at maghahain na ako."

Umupo siya at hinintay na makahain si Angelo. Pagkatapos ay umupo narin ito sa tabi niya.

"Kain na." sabi nito pero hindi siya gumalaw.  "Akala ko ba gutom ka na?"

"Gutom nga. But I want you to feed me." magsasalita sana ito pero pinigilan niya ito. "Wag kang magreklamo kundi uupakan kita!" banta niya dito.

Kita niyang napakamot ito sa batok bago ito sumandok ng kanin at ulam.

"Ahh..." agad niyang ibinuka ang kanyang bibig at sinubo sa kanya ni Angelo ang pagkaing nasa kutsara.

"Pano pala kayo nagkaroon ng video non?" tanong nito.

"Hinack lang naman ni insan yung cctv niyo. Ang astig ng insan ko noh?" sabi niya dito. "Nga pala dito na ako matutulog ah? Tinatamad na akong umuwi."

Napansin niyang nakatingin ito sa leeg niya.

"You wear it." sabi nito na para bang hindi makapaniwala.

Hinawakan niya ang kwintas na nasa leeg niya. "Syempre galing sayo eh. Char char lang yung nangyare kahapon kahit na hindi ako nagsusuot ng kwintas, basta galing sayo susuotin ko."

Nakita niyang napangiti ito. "Pero hindi parin tayo bati. Kala mo huh?"

"Bakit? Ano bang ginawa ko?"

"Malaki ang kasalanan mo noh? Kaya gagawin mo lahat ng iuutos ko sayo."

"As far as I know wala akong kasalanang nagawa sayo."

"Meron! Binigay mo sa secretary mo yung pinaghirapan kong lutuin na adobo na para sayo!" naniningkit ang mata niya ng sabihin niya ito.

Nakita niya ang hindi makapaniwalang ekspresyon ni Angelo.

"N-nagluto ka para sakin?" tanong nito.

"Oo!"

"Kaya ba may sugat ka sa kamay mo dahil nagluto ka?"

Tumango siya. "Grabe binuhos ko lahat ng effort ko don tapos mauuwi lang pala sa wala. Kaya slave kita simula ngayong gabi hanggang bukas. Kaya slave, feed me now!" utos niya dito at kaagad naman siya nitong sinubuan.

Nakita ni Angelo si Sofia na nasa veranda kaya ay pinuntahan niya ito.Nakasimangot ito habang nagpapaypay. Paano ba naman kasi ay nag brownout at sobrang init. Tumabi siya dito at humiga ito sa hita niya.

"Argh! Paypayan mo nga ako dude." utos nito sa kanya sabay bigay ng pamaypay sa kanya.  "Ang yaman-yaman mo dude pero hindi ka makabili ng generator?" reklamo nito.

"Malay ko bang mag b-brownout dito." sagot niya pero hindi ito sumagot at tinignan lang siya nito.

Napansin niyang napatitig ito sa kanya. Bumangon ito at nabigla siya sa ginawa nito dahil pinahid nito ang pawis sa noo niya gamit ang kamay nito.

Mojico Heiress 1: Get Her PregnantWhere stories live. Discover now