20

22.7K 629 53
                                    

A/N: This is Angelo's reaction.



Waring isang panaginip parin para kay Angelo ang ginawang pag bid sa kanya ni Sofia. Totoo ba talagang binid siya nito? Alam niyang lahat ay nagulat lalo na siya. Sino ba namang hindi magugulat sa ginawa nito. Imagine 2 million? Sa pagkakaalam niya kasi ay kuripot ito pero nagawa nitong magwaldas ng pera na ganun kalaki.

Napangiti siya ng maalala ang sinabi nito kanina His mine daw?

Tapos ay taas-noo itong naglakad papunta sa kanya. Hindi niya alam kung anong itsura niya habang nakatitig siya kay Sofia, wala siyang ibang makita kundi ito lang. Bumalik lang siya sa ulirat ng hawakan nito ang kamay niya at hinila siya pababa ng stage. Nakita niya pa ang pag-abot nito ng isang maliit na papel sa emcee bago sila bumaba ng stage.

Hanggang ngayon ay tulala parin siya habang hawak parin ni Sofia ang kamay niya at nagpapatangay siya dito. Kusa na naman siyang napangiti ng makita ang magkahawak kamay nilang dalawa. Kakaiba ang nararamdaman niyang kasiyahan ngayon. Hindi man kapani-paniwala at baduy mang pakinggan ay para siyang nasa alapaap.

Nakita niya ang pagbukas-sara ng bibig nito alam niyang nagsasalita ito pero wala siyang marinig. Nakatitig lamang siya sa maganda nitong mukha. Tulad ng isang maamong anghel.

PAAAK!


"Aray!" daing niya habang sapo ang sinapak nitong mukha niya. Binabawi niya na ang sinabi niya na mukha itong maamong anghel.

"Ayan, napansin mo din ako." saad nito.

"Bat mo ko sinampal?" grabe, para yatang namanhid ang pisngi niya dahil sa ginawa nito. Ang sakit!

"Kanina pa kita tinatanong kung nasaan ang kotse mo pero hindi ka nagsasalita nakatulala ka lang. Hello?! Gusto ko ng umuwi pero doon na muna ako sa condo mo matutulog."

"Doon ka matutulog?" tanong niya.

"Oo. Kaya nasaan na ang kotse mo ng makaalis na tayo dito."

Ngayon niya lang napansin na nasa labas na pala sila ng hotel sa mismong parking lot. Ganun ba siya kadistract para hindi niya napansin na nandito sila?

"Paano ang party?" tanong niya.

"Hayaan mo na ang party na yun. Isa pa bored na bored na ako don." nakasimangot nitong sabi. "Wag kang mag-alala, alam na nina dad kaya tara na."

"Nandon ang kotse ko, tara." yaya niya  at hinawakan ang kamay nito.



Nakita niyang sumampa agad sa sofa si Sofia ng makarating sila ng condo niya. Napaiwas siya ng tingin dahil nakita niya ang likod ng maputi nitong biyas at legs dahil nakadapa ito sa sofa.

"Bumangon ka nga diyan." utos niya pero hindi siya nito pinansin.

"At last I'm finally home!" sigaw nito. "Im free!" Napailing na lamang siya at umupo sa isa pang upuan doon.

Tumihaya ito ng higa, dahil medyo nakalobo ang suot nitong dress ay nakita niya ang suot nitong boyleg. Iniwas niya ang tingin dito.

"Dude, hubarin mo nga ang suot kong heels. Ang sakit na ng paa ko." sabi nito kaya naman ay inabot niya ang paa nito at hinubad ang suot nitong heels. Minasahe niya rin ito dahil namumula ito.

"Thanks dude" sabi nito at umupo. "Pahiram pala ako ng shirt mo ah?" Tumango siya.

Tumalikod ito sa kanya. "Nga pala, can you unzip it?" tanong nito dahilan para mapatanga siya.

Mojico Heiress 1: Get Her PregnantWhere stories live. Discover now