25

26.4K 667 64
                                    

Warning:  may mga bad words po dito. Pasintabi po sa mga hindi palamura.

And about sa last chapter 24 Im sorry if may hindi nagustuhan ang scene na iyon. But still iyon talaga ang mismong nasa kwento at hindi ko na iyon mauulit pa and bitin talaga siya dahil ayoko siyang pahabain. Yun lang. Ty!









Abot langit ang pagkadismaya niya at pag-aalala ng magising siyang wala na sa tabi niya si Sofia. Sinubukan niya itong tawagan pero hindi nito sinasagot ang mga tawag niya kahit sa text niya ay hindi ito nagrereply. Kaya naman ay pinuntahan niya ito sa condo pero wala iyon don.

"Ay sir, hindi pa po umuuwi dito si ma'am Sofia." Ito ang sabi ng katulong nina Sofia ng puntahan niya ito sa mismong bahay nito.

Inis na ginulo niya ang kanyang buhok at napahampas sa manibela ng kanyang kotse. Nasaan ka na ba kasi Sofia? Tatlong araw. Tatlong araw niya na itong hindi nakikita at nakakausap.

Bakit ba kasi ito umalis? Natakot ba ito dahil sa nangyare sa kanila?

Sht! Ang gago niya talaga! Lasing ito nong may mangyare sa kanila samantalang siya ay nasa tamang huwisyo. Ano na lamang ang iisipin nito? Na tinulad niya ito sa mga babae niya na sinamantala niya iyon? Kailangan niyang makausap ito at magpaliwanag.

Aaminin niya. Natukso lang siya pero ginusto niya yun sa katunayan nga ay ngayon lang siya nakaramdam ng saya taliwas sa mga babaeng nakasiping niya na. Pakiramdam niya ang nangyare sa kanila ni Sofia ay isa sa pinaka espesyal na nangyare sa buong buhay niya. Naiparamdam niya kung gaano niya kamahal si Sofia. Hindi niya alam kung kelan at paano basta nagising na lamang siya isang umaga na mahal niya na ito.

Isa pang ikinakatakot niya ay ang umamin dito. Tngna! Oo na torpe na siya. Pero hindi niya naman masisisi, ang sarili niya dito dahil baka umiwas ito sa kanya at hindi niya hahayaang masira ang pagkakaibigan nila dahil lamang doon kaya naman sa loob ng maraming taon ay nakuntento na lamang siya na mag bestfriend sila.

Sinubukan niya namang pigilan ang nararamdaman niya para dito, naghanap siya ng ibang babae para ibaling ang nararamdaman niya dito. Pero sinong niloko niya? Marami na siyang nakasamang babae pero heto at mas lalo lamang siyang nahulog sa kanyang bestfriend.

Ang lakas niya sa ibang babae pero kay Sofia tumitiklop agad siya? Natatameme. Wala eh. Ganyan talaga. Kapag ayaw mong mawala ang taong importante sayo hindi ka gagawa ng anumang bagay na ikakasira ng pagkakaibigan niyo.

Pero anak ng sampung kambing! Ngayon pang may nangyare sa kanila ni Sofia. Baka... baka ito na ang dahilan ng pagkasira ng pagkakaibigan nila. Sht happened talaga! Gustong-gusto niya na itong makausap pero tatlong araw niya na itong hindi nakikita ni hindi nga din alam ni Jhyson kung nasaan ang kapatid nito.

"Sofia, please magpakita ka na. Mababaliw na ako kakahanap sayo."










"ANO?! MAY NANGYARE NA SAINYO NI SOFIA?!!!" sigaw ni Rico.

"Sige pagsigawan mo pa. Gusto mo ipa broadcast mo pa. Tangna!" inis at pigil niyang sabi dito. Salamat nalang at soundproof itong opisina niya kundi dinig hanggang sa labas ang boses nito.

"Sorry medyo nagulat lang ako sa sinabi mo. Pero.... totoo may nangyare nga talaga sainyo?"

"Bingi ka ba? Kasasabi ko lang diba?"

"P*t*ngna! Seneryoso mo talaga yung sinabi ko sayo? It was just a joke."

"T*ngna mo rin! Natukso lang ako at hindi ko na napigilan ang sarili ko isa pa... mahal ko siya." pag-amin niya dito.

Mojico Heiress 1: Get Her PregnantWhere stories live. Discover now