28

27K 653 57
                                    

RATED SPG MGA DUDE. SENSYA NA NATAGALAN.






I'll be right here ready to hold you
Girl, you know you're perfect from
Your head down to your heels


Sinamaan niya ng tingin si Angelo na siyang kumakanta. Hawak nito ang gitara at feel na feel pa ang pagkanta.

"Oh, please. Stop singing that song."

Pero imbes na tumigil ay patuloy parin ito sa pagkanta. Napairap siya siya at umupo sa tabi nito. Nakita niya ang favorite niyang unan na may mukha ni Sasuke ang paborito niyang anime character. Halos makipag-agawan pa siya para lamg mabili ang unan dahil last stock na ito. Kulang na nga lang ay makipag basag-ulo pa siya doon sa lalaking may gusto rin sa unan pero in the end ay nakuha parin ito ng lalaki. Hindi nga siya matigil kakaiyak noon ni hindi nga siya mapatigil noon ni Angelo. Hanggang sa isang araw ay pumunta ito sa bahay nila dala ang binili nitong unan na galing pa sa Japan. Napangiti siya ng maalala iyon. Kaya pala ilang araw din nawala si Angelo dahil pumunta pa pala ito ng Japan. Labis-labis ang saya niya kaya pinaghahalikan niya ito sa pisngi.


And it's dark in a cold December, but I've got you to keep me warm
If you're broken I will mend ya and keep you sheltered from the storm that's raging on, now

Napatingin siya kay Angelo na patuloy parin na kumakanta. Umangat ang tingin nito at nagtama ang kanilang mata.

I'm out of touch, I'm out of love
I'll pick you up when you're getting down
And out of all these things I've done, I think I love you better now


Wala sa sariling napahawak siya sa dibdib habang titig na titig kay Angelo. Bakit bigla yatang bumilis ang puso niya?



I'm out of sight, I'm out of mind
I'll do it all for you in time
And out of all these things I've done, I think I love you better now, now



Mahina niyang sinuntok ang kanyang dibdib para pakalmahin ang puso niyang nagwawala. Patuloy parin sa pagkanta si Angelo. Nakita niya ang pagtingin ni Angelo sa labi niya.


And it's so hard to say it but I've been here before
Now I'll surrender up my heart and swap it for yours



Pinakiramdaman niya ang kanyang sarili. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya. Ano ba itong nangyayare sa kanya? Para yata siyang tumakbo ng mabilis dahil sa kabog ng dibdib niya.

"Sofia?" napapitlag siya at napatingin kay Angelo.

"H-huh?"

"Kanina ka pa tulala diyan.May masakit ba sayo bakit nakahawak ka sa dibdib mo?" nag-aalalang tanong nito sa kanya. Hindi niya sinagot ang tanong nito at tinitigan lamang ang gwapo nitong mukha.

Hinawakan ni Angelo ang baba niya at nagulat siya ng bigla siya nitong hinalikan. Ilang beses siyang napakurap at mas lalo na lamang bumilis ang tibok ng puso niya. Nagsimulang gumalaw ang labi nito kaya ipinikit niya ang kanyang mata at sinabayan ang paggalaw ng labi nito. Habang tumatagal ay mas lumalalim iyon.

Mojico Heiress 1: Get Her PregnantWhere stories live. Discover now