29

26.8K 570 59
                                    

Long and sweet chapter for me. Wag pong malito sa POV. This is Sofia's POV. Enjoy!



Pikitmata kong kinuha ang cellphone ko na kanina pa tumutunog. Bakit ba kasi nakalimutan kong i-silent ang phone ko kagabi? Istorbo naman sa pagtulog oh!

"Kung sino ka mang hinayupak ka wag ka na ulit tumawag! Istorbo ka sa tulog ko!" bulyaw ko.

"Yeah right. Good morning too."

Napadilat tuloy ako. There's a hint of sarcasm in his voice.

"Oh, kailangan mo? At ang aga-aga nang-iistorbo ka ng tulog?" reklamo ko kay Angelo. Ang aga-aga ang laki niyang istorbo. 

"Fix yourself at may pupuntahan tayo." sabi nito mula sa kabilang linya.

"Anong may pupuntahan? Hoy mister! Para sabihin ko sayo hindi ako sasama. MAs gusto ko pang matulog buong araw."

Totoo naman talagang inaantok pa ako. Kailangan kong bumawi ng tulog dahil ilang gabi din akong pinuyat at pinagod ni Angelo. Hype na yun ang lakas ng energy! Buti na nga lang at nakakapaglakad pa ako ng maayos dahil kung hindi ay hindi na talaga siya makakaulit! Ang adik kasi ni Angelo! Letse!

"Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo kapag hindi ka sumama. Well, baka nga magustuhan mo pa." at narinig ko ang sexy nitong tawa. Parang tanga.

"Aber, ano naman yun?" tanong niya.

"ALL.DAY.MAKE.LOVE" napabangon tuloy ako sa sinabi niya. "Your choice my queen." at binaba na nito ang tawag.

Bumusangot ang mukha ko. Ayaw ko talagang sumama dahil inaantok pa ako! Pinapapili niya naman ako diba? Ano kaya kung piliin ko nalang yung panghuling sinabi ni Angelo? Inis kong ginulo ang buhok ko. At kelan ka pa naging malandi Sofia?






Isang bouquet ng bulaklak ang bumungad saakin ng buksan ko ang pinto. Muntik ko pa ngang makain dahil humihikab ako. 

"Sabihin mo lang sakin kung may balak kang ipakain saakin ang dala mong bulaklak. Willing naman akong kainin basta mauna ka." inis kong sabi rito. Pakamot-kamot lamang ito sa ulo niya at alanganing nakangiti sa'kin. Inirapan ko siya bago ko kinuha ang bulaklak.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" tanong ko.

"Mag d-date tayo."

"Magd-date tayo?" tanong ko.

"Oo."

"Wait lang. Hindi naman ako pumayag na makipag date sayo ah."

"I'm courting you kaya normal lang na yayain kitang mag date." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Nanliligaw ka pala? Bakit hindi ako nainform?"

Nakita ko ang paggulo sa buhok nito sign na naiinis na.

"Sumasakit ulo ko sayo babae. Tama na ang satsat, tara na." sabay hila nito saakin.

  Haha asar talo talaga!

Buong byahe ay tahimik lang kami. Hindi ko magawang buksan ang stereo sa kotse dahil tinatamad akong buksan ito. Hindi rin sinasagot ni Angelo ang tanong ko kung saan ba kami pupunta. 

I'm boooooored

Super boring. Ano kaya ang magandang gawin? Napatingin ako kay Angelo, napansin ko ang pagtatap ng mga daliri nito sa manibela, para bang hindi ito mapakali. Parang may light bub na umilaw sa taas ng ulo.

I'm so genius! 

"Dude" tawag ko. Tumingin naman ito saakin pero sandali lang iyon dahil ibinalik ulit nito ang tingin sa daan. Umayos ako ng upo bago nagsalita.

Mojico Heiress 1: Get Her PregnantOnde histórias criam vida. Descubra agora