22

23.9K 944 41
                                    

"Amy, nasaan si Angelo?" tanong niya sa secrectary ni Angelo.


Naisipan niyang pumunta dito sa office ni Angelo dahil dalawang araw na siyang nabo-bored sa bahay  nila. Paanong hindi, eh siya lang naman ang nasa bahay maliban sa mga katulong nila, ni hindi niya nga makausap. Lalapit palang siya kusa ng lumalayo ang mga ito. 

Wala naman siyang nakakahawang sakit. Pambihira yan!
Eh, kung lagyan niya na naman kaya ng mga palaka at oud ang bag nila tingnan lang natin. Hmp!

Pero pagdating sa kapatid niyang si Jhyson parang mga kiti-kiti kung magsalita ang ilan kausap ang kapatid niya. Tapos sa kanya iniiiwasan sya? Aba matindi! Wala kasi ang mommy at daddy nila pumunta ng Barcelona, ang kapatid niya naman ayun, nandon sa bahay ng tito Devon niya, kaya siya lang mag-isa ang nasa bahay.

Di bale sanay naman siyang mag-isa at iniiwan.

"Kayo po pala ma'am Sofia. May meeting po ngayon si sir. Okay lang po bang maghintay na muna kayo sa loob?" tanong nito sa kanya.

"Okay lang. Sanay din naman akong maghintay." sabi niya at tinapik pa ang balikat nito bago siya nagsimulang maglakad papasok ng office ni Angelo.

Pumunta siya sa table ni Angelo at umupo sa swivel chair nito. Ayos ang lambot! Sinubukan niyang magpaikot-ikot habang nakaupo dito. Haaay! Sarap sa pakiramdam.

Feeling niya tuloy siya ang boss.

Ano kaya kong mag selfie siya? Dapat fierce look, pak na pak yun at siguradong mabenta. Astig non for sure! Tapos ang caption Feeling Boss o kaya Hot Lady Boss Be Like. Cool!

Hinubad niya ang pagkakatali ng kanyang buhok ginulo-gulo niya rin iyon para messy hair ang kalalabasan. Kinuha niya ang kanyang phone at nagsimulang mag selfie. Sinigurado niya rin na kita ang swivel chair at ang background niyang office.

"Shetness! Ang astig kong tingnan!" natutuwang sabi niya habang tinitignan ang mga kuha niya.

"Ito, pwede na tong ipost." Pinost niya agad ito sa kanyang facebook.

Habang hinihintay na mag post ay kita niyang may notifications sa friend request. Tinignan niya ito at nagulat siya na napakarami ng mga ito. Nag scroll lang siya hanggang sa nakita niyang nag send ng friend request sa kanya sina Mikka at Nikka kaya naman ay kinomfirm niya ito. Nag scroll ulit siya hanggang sa nakita niya ang pangalang 'Ace Morgan'

"Confirm o delete?" tanong niya sa sarili. "Wala namang masama kung pipindutin ko ang confirm."

Pinindot niya na ang confirm and viola! Facebook friend na sila.

Napatingin siya sa table ni Angelo at kita niya ang sandamakmak na folders doon. Kung ganito lang din ang babasahin at pipirmahan niya ay hindi nalang siya magttrabaho sa opisina. Doon nalang siya sa cake shop ng mommy niya kahit hindi siya marunong na mag bake idagdag mo na ang pagluluto. Aba di niya kasalanan kung hindi siya marunong, basta ang alam niya lang ay kumain. Yun na yun.

Nakita niyang may drawer sa table binuksan niya ito at kita niyang may picture frame doon. Napangiti siya ng makita ang picture ni Angelo nong bata pa kasama si tito Derik.

"E di wow! Ikaw na ang cute nong bata pa tayo." natatawang sabi niya habang tinitignan ang picture ni Angelo.

Tut. It was here notification tone. Sunod-sunod ang tunog nito kaya ay kinuha niya ang kanyang phone sa mesa. Madami ang nag likes at the same time ay nag comment.

Binasa niya ang kauna-unahang nag comment sa picture niya. Maverick Axel Najera. Ito ang anak ng kanyang Tita Lea, ang bestfriend ng mommy niya. Magkaedad lang ito ng kapatid niyang si Jhyson. Hindi niya na nga nakikita ang mga ito dahil nakatira na ito sa US.

Mojico Heiress 1: Get Her PregnantWhere stories live. Discover now