21

23.7K 642 26
                                    

Kinabig niya agad si Sofia at hinalikan ito. Alam niyang nagulat ito pero kaagad din naman itong nakabawi at tumugon din sa halik niya.

Sheyt! Hindi siya magsasawang halikan ang malambot nitong labi. Bumaba ang halik niya sa leeg nito, pinatagal niya ang halik doon dahilan para marinig ang ungol nito.


"Angelo..."


Pinag-igihan niya pa ang paghalik dito. Maingat ngunit agresibo at puno ng pananabik ang halik na ginawad niya dito.


"Angelo.."


Bumalik ang halik niya sa labi. Hindi siya magsasawa na halikan ang mapupula at nakakaadik na labi ni Sofia.


"Angelo"


Hinawakan niya pa ang batok nito upang mas palalimin at diinan ang halik dito.


Mababaliw yata siya sa sensasyong nararamdaman niya.


"ANGELO!!!!!!"


BLAAAAG!

"F*ck! Aray!"

Napahawak siya sa kanyang likod. Sheyt! Anong nangyare?

"Mabuti naman at gising ka na."

Inangat niya ang kanyang tingin sa taas ng kama at nakita niya doon ang nakaupong si Sofia. Naka crossed arms at taas-kilay itong nakatingin sa kanya.


"Ang hirap mong gisingin."


Nilibot niya ang kanyang paningin, nasa loob siya ng kwarto niya pero nasa baba siya ng sahig.


"Tinulak mo ba ako kaya ako nahulog?" tanong niya dito.


"Ay hindi. Niyakap kita dude kaya ka nahulog." sarkastikong sabi nito.


Napasandal siya sa gilid ng kama niya at napasapo sa mukha. Yung halikan nila ni Sofia...  ay isa lamang panaginip. Dahil ang totoo ay walang naganap na halikan kagabi.


Flashback


"Can I kiss you Angelo?"

Para siyang tumakbo ng walang tigil dahil sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya dahil sa tanong nito. Hindi niya alam kung anong dahilan ng pagkabog ng dibdib niya dahil ba sa kaba? o dahil excited siya? Gusto niyang magsalita pero hindi niya magawa.

Mojico Heiress 1: Get Her PregnantWhere stories live. Discover now