31

25.2K 559 33
                                    


Sarap na sarap siyang kumakain ng lansones nang may umupo sa harap niya. Halatang pagod na pagod ang itsura nito idagdag mo pa na pawisan ito in short mukha haggard na ito.
Kinuha nito ang tubig na nasa mesa at agad nitong ininom. Nang maubos nito ang isang baso ay sinalinan ulit nito ng tubig ang baso at ininom bago pabagsak na inilagay ito sa mesa.

Kukuha sana ito ng lansones nang malakas niyang paluin ang kamay nito at mabilis na kinuha ang bowl.

"Bumili ka." sabi niya.

"Grabe siya oh. Pahingi ako."

"No. Bumili ka."

Bumusangot ang mukha nito.

"Ang damot nito eh, ako naman ang bumili niyan ah?" giit pa nito.

Inirapan niya lang ito at sinawsaw ang lansones sa toyo bago niya ito sinubo. Nakangiwi naman ito habang pinapanood siya.

"Ewww... hindi ko talaga mainitindihan ang mga panlasa ninyong mga buntis."  nakangiwing sabi pa nito.

"Ang sarap kaya. Tikman mo."

"Yuck! Ayoko nga!" sabi nito at itinaas ang paa sa upuan.

"Wala ka ba talagang balak na umuwi sainyo?" tanong nito.

"Wala."

"Pinaghahanap ka parin ng magulang mo. Ganun din ni Angelo your lovey dovey lalabs mo."

"Hayaan mo siya."

"Juskoday! Di ka ba naaawa sa lalabs mo?!" napatigil tuloy siya sa pagsubo at napatingin kay Golde.

"4 months ka ng nagtatago. Hanggang kelan ka dito magtatago? Kapag lumaki na ang tiyan mo, hanggang sa manganak ka at lumaki ang bata?"

"Bakit? Paaalisin mo na ba ako dito?" tanong niya. "Nagbabayad naman ako ah?"

"That's not my point Sofia!"

Huminga siya ng malalim bago tiningnan sa mata si Golde.

"Gusto mo bang lumaki ng walang ama ang anak mo? Ang hirap-hirap kayang magpalaki ng bata na ikaw lang mag-isa. At higit sa lahat kawawa ang bata kasi lumalaki siya na walang ama." seryosong sabi pa nito.

"May pinanghuhugutan ka ba? Para ka namang single mother na may experience na kung makapagsalita ka. Wait. Baka naman single mother ka nga talaga?" sabi niya.

Napahilamos ito sa mukha. "MY GOD! Kung di ka lang buntis kanina pa kita pinaalis sa pamamahay ko!! Naloloka ako sayo!" inis nitong sabi.

"Pero seryosong tanong nga Sofia. May balak ka bang ipakilala kay Angelo ang anak mo o wala kang balak?"

Natigilan siya.

"E-ewan." sagot niya. "Alam mo naman ang dahilan diba?"

"Dahilan na ang mama ni Angelo ang kumidnap sayo noong bata ka pa, kung bakit ka na coma at nawalan ng ala-ala?" Nag crossed arms ito at pinaningkitan siya ng mata.
"Ang tagal na non Sofia. Kung ako tatanungin mo sana hindi nalang bumalik ang ala-ala mo. Okay naman kayo ni Angelo eh, isa pa hindi naman kasalanan ni Angelo ang nangyare sayo noon."

"Pero mama niya yu-

"Mama niya. Yes, tama ka. Mama niya ang gumawa non sayo hindi siya. Haaay Kaimbyerna kang buntis ka naloloka na ako sayo jusko!"   at ginulo-gulo pa nito ang buhok sa ulo.

"Advice ko lang sayo ah?  Hindi kasalanan ni Angelo ang nangyare sayo. Kaya wag mo siyang sisihin sa ginawa sayo ng mama niya dahil wala siyang kasalanan. Forgive & forget teh kahit mahirap. Ikaw lang naman mahihirapan sa ginagawa mo."

Mojico Heiress 1: Get Her PregnantWhere stories live. Discover now