19

22.5K 675 50
                                    

A/N: I enjoyed writing this so sana kayo din. This is a Long update. For me, pinaka the best ang chapter na to sakin sa lahat ng sinulat ko. ENJOY!




Sunod-sunod na nakakasilaw na liwanag at pag click ng camera ang sumalubong sa kanya pagpasok ng hotel. Para siyang isang artista na pinagkaguluhan ng pagkadami-daming photographer na kumukuha ng litrato sa kanya. Pilit siyang ngumiti bago ipinagpatuloy ang paglalakad. Bawat madaanan niya ay napapatingin sa kanya lalo na ang mga lalaki. Kung pwede lang pagsisipain ang mga ito ginawa niya na, kung makatingin sa kanya para bang isa siyang pagkain? Heh! mukha nila! Lalo na yung isang lalaki na nakita niya pa ang pagdila sa labi nito habang pinapasadahan siya ng tingin ang sarap bigyan ng uppercut.

Nakita niya ang table na kinaroroonan ng mom at dad niya, nandon din ang tito Derik at tita Katerina niya at isa pang babae at lalaki na halatang mag-asawa. Napadako ang tingin niya sa lalaking nakaupo. Nakatingin ito sa kanya, kung wala lang sila dito ay kanina niya pa ito pinagtawanan. Para kasi itong tanga na nakatingin sa kanya bahagya pang nakaawang ang labi nito.

Bago siya umupo ay hinawakan niya na muna ang baba nito.

"Dude, mukha kang tanga. Pakisara nga ng bibig mo baka pasukan ng langaw." sabi niya dito at itinikom ang bibig nito. Kinindatan niya pa ito bago siya umupo sa tabi nito. Narinig niya naman ang pagtawa ng tito Derik niya at nag thumbs up pa ito sa kanya kaya ay nginitian niya ito.

Tinignan niya si Angelo na ngayon ay nakasimangot dahil pinagtatawanan parin ito ng dad niya. Aba di niya kasalanan yun kung mukha siyang tanga kanina. Napadako ang tingin niya sa katabi nitong babae, pasimple siya nitong inirapan bago nito ipulupot ang kamay sa braso ni Angelo.

"You're so pretty Sofia." sabi sa kanya ng tita Katerina niya.

"Ang ganda mo talaga Sofia, kaya hindi na ako magtataka kung may matulala sa ganda mo diba Angelo?" natatawang binalingan nito si Angelo pero nag 'tss' lang ito.

"Nga pala anak. Siya ang tito Carl mo." pakilala sa kanya ng mom niya sa lalaking kasama nila sa table. "At ang asawa naman nito na si Zyla." nginitian naman siya nong Zyla.

"Ikaw na ba talaga yan baby girl? Lumaki kang maganda ah?" bakas sa boses nito ang saya. Napakunot noo siya kilala niya ba ito? Parang matagal na siya nitong kilala. Err–baka isa siguro to sa mga business partner ng mom at dad niya na hindi niya na maalala.

"Namiss kita baby girl. Kaso hindi na pala kita pwedeng tawaging baby girl malaki ka na eh. You grow as a beautiful lady."

Nginitian niya ito. "Ah, thanks po." nasabi niya nalang.

"Namimiss ko na ang tawag mo sakin na puppy.

Puppy? Tinawag nya na ba itong puppy noon? Ngayon pa lang niya ito nakita.

"Carl." ewan niya ba pero parang madiin ang pagkakasabi ng mommy niya o baka naman mali lang ang pagkaintindi niya.

Nakita niyang tinapik ng tito Derik niya ang balikat nito at may ibinulong. Napatingin naman ang tito Carl niya sa kanya at may bahid ng pagkagulat at pag-aalala sa mukha nito.

"Ah... nga pala soffy. Siya si Zyra ang anak namin ng tita Zyla mo." sabay turo nito sa babaeng katabi ni Angelo na kapit-tuko sa braso nito. Tinanguan niya lang ito pero hindi naman siya pinansin nito at nakatingin lang kay Angelo.

"Angelo, subuan mo naman ako please?"

Lihim siyang napaikot ng mata. Wala bang kamay ang babaeng ito at kailangan pa talagang magpasubo? Putulin niya kaya ang kamay nito?

Mojico Heiress 1: Get Her PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon