7

26.3K 580 24
                                    

Lukot na lukot ang mukha ni Sofia paano ba naman kasi kahapon ang ulan-ulan tapos ngayon ang init-init na. Wala pa naman siyang dalang payong kaya halos takbuhin niya na ang pagpunta sa 7-11 dahil sa sobrang init. Idagdag mo pa na kumakalam na ang kanyang tiyan. 

Its already 11:47 am at kagigising niya lang kanina ni wala pang laman ang tiyan niya. Pano ba naman kasi ay napagod siya... mali sila pala ni Angelo sa kanilang road trip at adventure na sobrang lupit. Kaya heto, tinanghali siya ng gising.

Well, pagod man siya kahapon o hindi ay lagi naman talaga siyang late kung gumising. Iyon nga lang ay nabadtrip siya dahil ni isang pagkain sa ref niya ay wala. Maraming pwedeng lutuin pero hindi siya marunong isa pa ay tinatamad na siya kaya nagpasya nalang siyang kumain sa labas. Dahil sa sobrang inis niya dahil sa init ay hindi niya na napansin na nasa harap na siya ng pinto ng 7-11 at sa kasamaang palad, nauntog siya sa pinto ng bumukas ito.


"Shet na malagkit!" sabay sapo niya sa kanyang noo.

Ang malas yata ng umaga niya letse.

"Okay ka lang miss?" tanong ng isang lalaki sa kanya na siyang dahilan kung bakit siya nauntog sa pinto dahil sa pagbukas nito.

Grabe, kalaking tao nito tapos di pa siya makita.


"Miss, I'm sorry hindi kita napansin." sabi nito at lumapit sa kanya. "Do you want me to bring you in hospital?"

Inalis niya ang suot niyang sumbrero dahil nagulo ito pati buhok niya ay nagulo din. Inayos niya na muna ito bago niya hinarap ang lalaki. Tinignan niya ang kabuoang itsura nito. Nakasuot ito ng jacket na may hood at natatakpan nito ang ulo niya, may shades din ito sa mata.

Mainit diba? Bakit itong lalaking nasa harap niya balot na balot?

Weird

Hindi niya nalang pinansin ang lalaki pero bago niya ito talikuran ay sinamaan niya muna ito ng tingin at saka pumasok ng 7-11.



Inilapag niya sa mesa ang binili niyang chocolate bar, cake at choco shake.  Nangangalahati pa lang siya sa pagkain  ng may bigla nalang umupo sa tabi niya. Napatingala siya at nakita ang lalaki kanina. Iginala niya ang tingin sa paligid at napansin niyang marami pa namang bakanteng upuan pero dito pa ito umupo sa table niya. Pinaningkitan niya ito ng tingin. 

"A-anong ginagawa mo dito?" maangas na tanong niya dito.

Hindi niya maiwasang isipin na baka holdaper ito o dugo-dugo gang, akyat bahay gang, riding in tandem, rapist o kaya drug lord. Naku wag lang siya nitong susubukan dahil makakatikim ito sa kanya ng flying kick, sharingan, tai jutsu, ninjutsu at gen jutsu ni sasuke.

Imbes na sumagot ay ngumiti lang ito at may inilahad ng tignan niya ito ay nakita niya sa kamay nito ang isang cold compress.

"Anong gagawin ko diyan?" takang tanong niya.

"May bukol ka sa noo mo. You should put this." sabi nito.

Napahawak siya sa noo niya at tama nga ito may bukol siya sa noo.  Pinaningkitan niya parin ng tingin ang lalaki kasalanan nito kung bakit may bukol siya sa noo. Tinignan niya lang ang hawak nitong cold compress.  Wala siyang balak kunin ito dahil wala unang-una sa lahat wala siyang tiwala sa lalaking nasa harap niya. Isa pa hindi niya makita ang mukha ng lalaki dahil narin sa suot nitongg shades at hood. Nawe-werduhan din siya dito dahil ang init-init tapos ganyan pa ang suot. Idadampi sana nito sa kanya ang cold compress ng umiwas siya at tumayo sa pagkakaupo. Napabuntong hininga ang lalaki at dahan-dahan nitong inalis ang suot na shades sa mata.

Nanlaki ang mata niya ng makita ang kulay blue nitong mata.

"Ace?"

"Yes ako nga." nakangiting sabi nito sa kanya.

Dali-dali naman siyang umupo at hinarap si Ace.

"Im really sorry. Dahil sakin nag ka bukol ka." mahinahong sabi nito.

"Ayos lang to dude, bukol lang to di naman lalabas ang kinain ko dito." maangas na sabi niya dito.

Ngumiti lang ito sa kanya at idinampi nito sa noo niya ang cold compress.

"Nga pala, para sayo." at iniabot nito sa kanya ang isang kahon ng toblerone.
"Apology ko lang dahil sa nangyare sa noo mo."

"Pano kung hindi ko kainin yan? Dahil di ako mahilig sa matatamis?"

"I know you'll eat it." nakangiting sabi nito.

"Pano ka nakakasiguro?" taas kilay na tanong niya.

"Kung di ka mahilig sa chocolate why did you buy chocolate bar, cake and shake?" nakangising sabi nito. "I know you are a chocolate lover. So eat it."

"Wow. Observant ka pala dude galing mo!" namamanghang sabi niya dito. Hindi niya maiwasang mapatingin sa mukha nito lalo na sa mata nito na icy blue. Nakakainggit gusto niya rin ng ganyang mata.

Patuloy parin ito sa pagdampi ng cold compress sa noo niya ng bigla na lamang may humawak sa braso niya at hinila siya patayo.

"ARAY!" daing niya. "Problema mo dude?!"

Sinamaan niya ng tingin ang humila sa kanya only to see Angelo with his piercing eyes.

Bat ang dark ng aura nito?

Galit ba to?

Isa din tong bestfriend niya na baliw basta na lamang nanghihila.

Pambihira!

Bat ba siya napapalibutan ng werdo at baliw?



°°°

EDITED

Actually nakakatamad mag edit hahaha! Pero kakayanin.

Mojico Heiress 1: Get Her PregnantUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum