18

23K 499 9
                                    

Kagabi pa gumugulo sa isip niya ang nakita niya kagabi. Hindi siya pwedeng magkamali siya ang batang yun pero bakit naman siya nasa ospital? Naaksidente ba talaga siya non? Kaya wala siyang maalala o baka naman imahinasyon niya lamang ang nakita kagabi?

Ang naaalala niya lang noong bata pa siya ay naospital siya at dahil iyon ay na dengue siya. Iyon lang ang naalala niyang nasa ospital siya, the rest ay wala na. So, imposible talagang naaksidente siya o kaya naman ay nabagok ang ulo niya.

Takte yan! Sumasakit lang ang ulo niya.

Nakarinig siya ng mahinang katok.

"Sofia?" it's her mother voice. "Can I come in?"

"Yes mom" sagot niya.

Pumasok ito at umupo sa gilid ng kama niya.

"Sweetie, may pupuntahan kaming business party sa isa sa mga kaibigan namin." saad nito na ikinanoot niya ng noo. Hindi naman kasi nagk-kwento o nagpapaalam ang mga ito sa kanya kapag may pupuntahang business event or party unless nalang kung--- Nanlaki ang mata niya.

"Oh no! Don't tell me?" nakita niya ang pagngiti ng mama niya.

"Yes sweetie, you're coming with us."

"But mom! Si Jhyson nalang ang isama niyo wag na ako."

"Hindi pwede si Jhyson anak, 16 palang siya. Don't worry sweetie, for sure mag eenjoy ka." nakangiting sabi ng mama niya.

Kung sa iba ay masaya at exciting ang pumunta ng business event, para sa kanya ay disaster iyon! It only means one thing--- Say hello to dress, gown, heels and make ups! Argh! It's totally a disaster.





Magkasama sila ng mom niya na pumunta ng isang boutique. Pagpasok palang ay sinalubong na sila ng babae na nagta-trabaho doon..

"Janine" nakangiting bati nito at nakipag beso-beso sa mom niya.

"You look great Rebecca." ani ng mom niya.

"Thanks Janine. Ikaw din." Bumaling ang tingin nito sa kanya. "Siya na ba si Sofia?"

"Yes, Rebecca. Sofia, this is Rebecca one of my classmate in college."

Lumapit siya dito at beneso ito.

"Hello po ma'am." bati niya.

"Call me tita Rebecca."

"Okay po tita."

"Dito tayo pipili ng susuotin mo para sa party mamaya." sabi ng mom niya.

Pareho silang napalingon sa pinto ng bumukas ito.

"Hi mom!" bati ng isang babae at humalik sa pisngi ni tita Rebecca. Pamilyar ang mukha ng babae sa kanya pero hindi niya lang maalala kung saan niya ito nakita.

"Nga pala, Janine remember? si Mikka isa sa kambal ko. Mikka, siya ang isa sa mga ninang mo. Ang ninang Janine mo at ito naman ang anak niya si Sofia."

"Hi po ninang Janine." bati nito.

"Ikaw na pala yan Mikka ang laki mo na. Nasaan ang kakambal mong si Nikka?" tanong ng mom niya dito.

"May ginagawa po siya ninang." sagot nito. Tumingin ito sa kanya at nginitian siya nito.
"Hi po ate! Nagkita na naman po tayo. Ako po yung hiniraman niyo ng suklay noon."

Napatango siya. Kaya pala pamilyar ito sa kanya.

"Mom, ako nalang po ang mag-aayos sa kanya. Okay lang po ba ninang?" tanong nito.

Mojico Heiress 1: Get Her Pregnantحيث تعيش القصص. اكتشف الآن