Rage 29. Picture

En başından başla
                                    

“Henna bakit?”

“Anong bakit?”

“Bakit mo ako nagustuhan?”

Shocks! Ayan nanaman yung tanong na yan. Binaba ko muna ang towel sa Sink bago ko sinagot ang kanina nya pang tinatanong paulit ulit.

“Hindi ko rin alam kung paano ako nagkagusto sayo basta ang alam ko lang gusto kita dahil mabuti kang tao at hindi mo ako papabayaan”

“Pero Henna---“

Pinutol ko na ang sasabihin nya Dahil alam ko na nandito lang sya sa tabi ko para protektahan ako and that’s all wala ng ibang dahilan.

“Alam ko Chan kaya wag kang mag alala crush lang naman kita e hindi mo na kailangan pang isipin ang nararamdaman ko sayo” hindi ko alam pero naiiyak na ako dahil tanggap ko naman na Kaibigan lang ang turing nya saken e.

“Hmm.. sige lalabas na ako” bubuksan ko na sana ang pinto ng bigla nalang nYa akong hinila kaya napaharap ako sa kanya.

“Narealized ko noong nahuhulog ako sa bangin… napaisip ako na ano kaya ang feeling ng magmahal? Pero saktong nalaman ko din sa time na yun na gusto mo ako napagdesisyon kong… bakit hindi ko subukan?”

Nagulat ako ng nilapit nya ang mukha nya sa mukha ko at tsaka sya ngumiti.

Ang gwapo nya kainis…

“Ano sa tingin mo?”

“A-ahm… hmmm…uh” wala akong masagot dahil ang lapit nya. Ang lakas pa ng tibok ng puso ko.

OMG! Palapit ng palapit ang labi nya sa labi ko kaya unti unti akong napapikit.

Knock* Knock*

Muntikan na akong Atakihin sa puso dahil sa biglang kumatok. Sayang! Mahahalikan ko na sana ulit sya.

Nakita kong umiling sya at mukhang nadisappoint din sya at binuksan ang pinto.

Pagkalabas namin sa banyo gulat ang makikita sa expression ng mukha ngayon ni Vinxx na medyo nakanganga pa.

"O-oy... A-anong ginagawa nyo sa banyo?!"

Namula naman ako sa sinabi nya, hindi kame nagkiss dahil hindi natuloy disturbo sya kaya walang nangyare!

"WalaNg! Nangyare!" Sigaw ko kaya narealized kong wrong move ang ginawa ko dahil nagtataka silang nakatingin saken.

"Ah! She's right wag kang greenminded Vinxx baka masuntok ulit kita" awkward na sabi na din ni Chan.

Nagkatinginan kame pero ako na ang unang nag iwas ng tingin. Pulang pula na siguro ang mukha ko ngayon.

"Sus! Indenial pa kayong dalawa halata namang may balak kayong gawin sa banyo... alam nyo na"

"Fuck! Humanda ka saken Vinxx!!"

Natawa nalang ako ng tumakbo na si Vinxx palabas habang nakapeace sign.

Sion's POV.

“Rex?!” nilapitan ko sya at tinulungang tumayo. Pinasakay ko agad sya sa kotse.

“Sion paano mo ako nahanap” inis akong napalingon sa kanya.

“Ano bang nangyare sayo ha?! Bakit bigla ka nalang naglaho na parang bula!”

Napatingin sya sa daan ng ilang minuto at  ilang saglit lang napayuko sya habang sabunot ang buhok.

“Alam kong alam mo ang nangyare kay Shaira Kim right?” tanong nya kaya inis ko syang tinignan.

“Alam kong may relasyon kayo kaya ito na ang pagkakataon kong makausap ka tungkol sa kanya”

“Wait… mas mabuti kung sa ligtas na lugar tayo mag usap hindi ako mapakali e” napansin ko namang hanggang ngayon nanginginig parin sya.

Dinala ko nalang sya sa bahay ko para mas makausap ko sya ng Maayos. Pinakain ko muna sya at sinabi kong maligo sya dahil ang baho nya hindi ako makahinga ng maayos. You know naman malinis akong tao.

◆  ◆  ◆

“Thank you dahil pinatuloy mo ako sa bahay mo”

“Psh! Wala ng maraming satsat! Tell me everything”

Tumango tango sya at humugot muna nang lakas ng loob.

“Yung time na tinawagan Kita nalaman ko na kung sino ang lalaking pinapahanap mo sa picture”

“Pero napansin nyang sinusundan ko sya kaya nagmadali akong lumayo sa kanya pero nahabol nya ako…sa bahay ko…sinundan nya pala ako ng hindi ko napapansin.. lumaban ako hindi ko… aakalain na malakas sya kaya natalo nya ako sa laban”

Kaya pala nung time na pumunta ako sa apartment nya sobrang kalat.

“Papatayin na sana nya ako nung time ding yun pero nakatakas ulit ako…”

“Tinawagan kita at sinabing hindi na ako makakapunta sa usapan nating lugar kaya sinabi ko na sayo ang tungkol sa file case”

“Wait! About doon… bakit mo sinabi saken ang tungkol doon?”

“Yung picture…noong nakita ko ang isa sa kasama nyo sa picture may naalala akong case ko noon at napamilyar ko ang itsura nya kaya ko sinabi sayo iyo dahil akala ko hindi na ako mabubuhay pa”

“Tsk! Dapat samen ka nalang humingi ng tulong dahil ako din naman may kasalanan sa naging sitwasyon mo ngayon”

“Y-yung time din na yun pinuntahan ko si shaira at alam kong papunta sya sa condo mo kaya sinundan ko sya… sinabi ko sa kanyang sumama na saken pero ayaw nya kaya pinipilit ko sya… pero nagmatigas Parin sya kaya wala na akong nagawa at hinayaan nalang sya…. Pero sana hindi ko sya iniwan dahil yun na pala ang huling pagkikita namin”

Tumigil na sya sa pagk-kwento at pinunasan ang luha nya. Kahit ako natahimik din dahil kung sana pinagbuksan ko sya ng pinto noon at hindi sya tinakasan edi sana buhay pa sya. Naalala ko ang kapatid nyang naiwan sa Paris, pinangako ko pala sa kanya na gagawin ko ang lahat mahanap lang ang taong pumatay sa ate nya.

“Akala ko ikaw ang pumatay sa kanya”

“What?! Bakit ko naman gagawin yun?! Mahal ko parin sya kaya hindi ko sya magagawang patayin! Im not insane to do that” Depensa nya.

May naalala ako noong time na pumunta ako sa apartment nya.

“Rex… tungkol sa picture na binigay ko sayo…ikaw ba ang nagsulat sa likod nung picture?!”

Napaangat sya ng tingin sa akin at dahan dahan na umiling.

“Kung hindi ikaw…sino?”

To  be continued…



















Rage of Death (On going) Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin