"Bahala ka!"

"Hehehe"

---

Sabi ni Jimim sabay na lang daw kami pumunta sa mall na sinasabi ni Jungkook. Sabi ko nga wag na. Pero nagpumilit siya. Sige bahala siya. Pag ako nag-antay na naman ng matagal sa bus stop. Iiwanan ko talaga yun.

Pagdating ko sa bus stop, gulat ako. Mas maaga siya kesa sakin. Nakaupo siya sa waiting shed sht habang naghihintay sakin. Ano? Alam mo na yung feeling kapag naghihintay ako? Ha! Kwits na tayo.

Bigla namang nagvibrate phone ko at tinignan ko ito.

Jimin: Gabiiii wer r uuuuu ditu na me

Jimin: Gabiiii hue

Jimin: Don't tell me tulog ka pa?

Natawa naman ako sa pandak na to. Maloko nga

Gabi: Sorry Jimin! Bigla akong di pinayagan ni mama! Sorryyyy!!! Basta wag kang magpaapekto pag naglalandian sila, okay?

Nagtago ako sa isang puno habang sinisilip si Jimin. Lmao! Tingin siya ng tingin sa gilid. Mukhang nag-aalala na.

Jimin: Eh?? Ui...hala okay sige 😢

Gabi: Sorry talaga!!

Jimin: Di mo ba ako niloloko?😕

Gabi: Mukha ba akong nagloloko? Sorry talaga!🙇

Jimin: Alam mong may trust issues na ako sa'yo eh. Jk.

Aba to ah. Di mo na ako pinapaniwalaan. Aber? Teka nga kailan ko ba siya niloko? Sira ulo to ah.

Gabi: Aba ka. Sige bahala ka mag-antay ka sa wala!

Jimin: Pero nag-promise ka...

Gabi: Eh...sorry talaga!

Jimin: Okay. Bahala ka nga.

Yun ang huli niyang text. Sinilip ko uli siya at wala na siya sa waiting shed. Hala siya. Sumakay na ba siya ng bus? Aba... papalibre pa naman ako ng pamasahe...

Gabi: Ui umalis ka na?

Gabi: Ui joke lang yun Jimin! Pinayagan ako!

Gabi: Jimin?

Sumagot naman siya after 1942384032480 texts.

Jimin: Edi wow.

Pero yun lang ang sagot. Hala galit ba to.

Gabi: Ui sorry sorry! Hahaha!

Jimin: Okay.

SHET GALIT BA TALAGA SIYA.

Gabi: Sht galit ka?

Jimin: Idk.

Okay galit nga. Agad agad akong sumakay ng bus at pumunt sa mall sht na sinasabi ni Jungkook.

Nang makarating ako, agad kong hinanap si Jimin at ang Taekook.

Gabi: Asan ka? Andito na ako.

Jimin: Okay.

Bastos to ah. Sabi ko asan na siya sagot sakin, okay?!! Anong klaseng sagot yan?

Nawalan na tuloy ako ng ganang replyan siya. San ko sila hahanapin dito? Ang laki po nito! Aba eh! Ano? Magmumukha akong tanga dito? O sige sige! Fine!

Naglakad lakad ako sa mall nang biglang magtext si Jimin...finally.

Jimin: Nasa Mcdo kami.

Agad naman akong pumuntang mcdo. Hinanap ko sila pero wala. "Asaan na yun?" Nagvibrate naman bigla phone ko at nakitang nagtext si Jimin.

Jimin: Ay lumipat kaming Jollibee.

Aba. Pumunta naman akong Jollibee at hinanap sila. Pero wala rin. ANO BA TO. GINAGANTIHAN BA AKO NI JIMIN DAHIL SA SIMPLENG JOKE KO KANINA?

Jimin: Pumunta kaming cinema. Punta ka na dito magsisimula na.

Ui sobrang bullsht. Nakakainis siya ah. Nabubuwiset ako. Masiyado ba akong harsh kanina? Okay sorry! Pero iba tong ginagawa niya. Di nakakatuwa.

Nag-alinlangan akong pumuntang sinehan, pero sayang naman kung uuwi na agad ako. Kaya sumunod na rin ako.

At last, naabutan ko sila nandoon. Nakaramdam ako ng awkward atmosphere sa pagitan ko at ni Jungkook at ko at ni Jimin. Mabuti na lang andito si Taehyung.

"Ui!! Gabi!!!! Buti nakarating ka!!!" Pagbati niya. "Hahaha oo naman!" Ngumiti ako sa kaniya---at medyo pilit paglingon ko kay Jungkook, lalo na kay Jimin. Di po ako masaya. Kahit cute cute niya ngayon kasi nakababa bangs niya at nakatank top na pinatungan niya ng denim polo at nakaripped jeans siya at naka cool na Vans. Di ako masaya. Hindi talaga.

"Tara! Pasok na tayo!" Aya ni Taehyung. Nabubuwiset ako sa mundo kaya si Taehyung lang halos kinakausap ko. More like pinapansin ko. "Ah, Taehyung, ano ba papanoorin natin?"

"Horror~~~! Aheehee tara!" Horror...Horror? Hahaha. Sige masaya to...sana.

--

Sa sinehan, bale si Taehyung at ako ang nasa gilid. Nasa gitna si Jungkook at Jimin. Hindi pa nagsisimula, nag-iingay na agad ang Taekook---more like landian. May plano rin sana akong mag landian kami ni Jimin, pero parang nakakawalang gana ugali niya. Alam mo yung nakaka-turn off yung pinakita niyang ugali kanina? Nakakabuwiset.

Wala kaming imikan ni Jimin. Ramdam kong galit siya sakin. Ako rin naman sa kaniya. Dapat talaga di na ako tumuloy eh. Niloloko ko lang naman siya... masiyado siyang oa! Di pa siya nasanay sakin!

Nagsimula ang movie, at hangga't maari, pinipigilan kong tumili o magpakita ng reaksyon na takot ako. Pasimple akong lumilingon sa iba o di kaya sa likod kapag may nanggugulat na. Isang beses, tumingin ako sa Taekook at aba! Sobrang landi! Magkayakap sila. Wtf?!!! Nananadya ba mga to o instinct lang talaga nilang magyakapan pagnagugulat?

Napatingin naman ako bigla kay Jimin at seryoso siyang nanonood. Hindi siya makagalaw. Ni hindi niyang magawang magselos. Natatakot ba to? Kawawa.

Pagharap ko sa screen ulit biglang bumulaga yung demonyong sht na hayup iba fck. Napatalon ako sa kinauupuan ko. Hindi dahil sa pagmumukha ng multo, pero dahil sa biglang humawak sa'kin.

"Ah!" Napahawak siya ng mahigpit sa kamay ko nang napasigaw siya.

HELP ME GIRLALOO | JiminWhere stories live. Discover now