Chapter XI

64 2 0
                                    

Naging maayos muli ang turingan ng dalawang magkapatid. Bagama't, may ilangan, at least ngayon wala na sila sa stage nang isnaban. Ang saya-saya ko, pakiramdam ko, ako ang naging daan, upang muli silang magkaayos.

Isang gabi, matapos kong ibababa ang cellphone ko, buhat sa pag-uusap namin ni Lester. Nakita ko ang napakaraming text mula kay Jasper at Erick.

"Sis, kanina pa ako text nang text, bakit hindi ka nagre-reply?" isa sa mga text ni Jasper.

Hindi ko alam kung aaminin ko ba ang totoo, na kausap ko ang kuya niya, kaya hindi ko napansin ang mga messages niya.

"Anne, I'm calling you, pero parang may kausap ka yata sa phone. Can you text me if free ka na for my call?" isa sa mga text ni Erick.

Naguluhan ako. Ano ba ang sasabihin ko sa dalawang 'to?

Minabuti ko na lang na hindi sila parehong replayan.

Isang Sabado, nagyaya si Lester, upang kumain sa labas. Unang stage sa panliligaw niya. Dinala niya ako sa isang sikat na restaurant. Pagbaba ko sa kotse niya, nakita ko si Erick sa isang lugar malapit sa aming kinatatayuan. Pinilit kong umiwas upang hindi sila magkita ni Lester. Batid ko na hindi maganda ang mangyayari, kapag nagkataon. Ngunit bago ko pa lang mayaya si Lester na sa ibang lugar na lang kumain, nakita na agad kami ni Erick. At agad niya kaming nilapitan.

"Hi Anne, Lester long time no see, kumusta ka na?" tanong ni Erick.

Nakita ko ang hindi maipintang mukha ni Lester nang makita ang paglapit ni Erick sa amin. Nabuhay ang takot ko sa nagbabadyang gulo.

"Ayos naman, lalo na ngayon at nagkakasundo na kami ng kapatid ko," pagpaparinig ni Lester.

"Ah! Ganoon ba? Mabuti naman kung ganoon. So, ibig sabihin balance na pala muli ang pagtrato sa inyo nina Tito at Tita," sagot ni Erick.

Minabuti kong sumingit sa usapan, bago pa magsimula ang mga hindi magandang parinigan.

"Ahmmn... Erick, can you excuse us may pupuntahan kasi kami," sabi ko.

"Oh! yah... seems like you're having a date. Kaya ba umiiwas ka sa akin, Anne? Dahil nagpapaligaw ka sa desperadong lalaki na 'yan?" dagdag insulto pa ni Erick.

"Anong sabi mo?" may panginginig na sa kamaong wika ni Lester.

Sobra na ang takot ko. Hindi ko na alam kung paano aawatin ang dalawa.

Mayamaya'y biglang huminahon si Lester matapos bigyan nang mabagsik na titig ang lalaking matagal na niyang kinamumuhian.

"Pasalamat ka, naalala kong, nasa harap nga pala tayo ng babaeng mahal ko. At ayokong sayangin ang pinag-aaralan ko sa isang katulad mo. Halika na Anne," pagtatapos at pagyayaya ni Lester.

Sumibol ang dagdag na paghanga ko kay Lester. Dahil sa kabila ng mga sagad na panlalait sa kaniya, nagawa pa rin niyang huminahon. Ipinag-isang tabi niya muna ang kaniyang galit at pagkamuhi, para hindi magkagulo sa harapan ng maraming tao.

Pagdating namin sa restaurant malapit sa lugar na iyon...

"Maraming salamat, ha," nasabi ko pagkatapos kumuha ng order si Lester.

"Wala iyon, hindi gawain ng isang matinong lalaki ang makipag-ayaw sa harapan ng maraming tao," aniya.

Nakapagbigay ako nang matamis na ngiti ng hindi ko namamalayan.

"Pero, takot na takot talaga ako kanina, lalo na noong nakita ko na nanginginig na ang kamao mo," sagot ko.

"Hindi ko gagawing makipag-away sa harap mo, minus pogi points iyon," biro pa nito.

Hindi ko akalain na ganito pala kahinahon si Lester, ang akala ko, kaya lang niya itong gawin para sa pinakamamahal niyang kapatid.

Nang kinagabihan, tinawagan ako ni Jasper...

"Kumusta ang date n'yo ni Kuya?" tanong niya habang nasa kabilang linya.

Nagulat ako...

"Ha? Paano mo nalaman?" Nagtatakang sagot ko.

"Obvious naman noong umalis si Kuya rito, bihis na bihis. Parang excited na excited," may kakaiba sa tonong pananalita niya.

"Ganoon ba? Okay naman ang date namin, kaso Bro, nagkita sila ni Erick. Nagkabigayan ng hindi magagandang salita, mabuti na lang at hindi na pinatulan ng kuya mo ang kayabangan ng kaibigan mo," pagbibigay impormasyon ko.

"Talaga? Nasaksihan mo 'yon? Okay ka lang ba, hindi ka ba natakot at kinabahan ng husto...?"

Hindi ko na pinatapos ang sunod-sunod na tanong niya. Dahil ramdam ko ang kaniyang pag-aalala.

"Ssshhh... Bro, okay ako. Calm down, oo natakot ako, pero ipinakita ng kuya mo na walang mangyayaring masama, kaya agad iyong napawi," pagpapakalma ko.

"Salamat naman kung gano'n, sige, matulog ka na, alam kong pagod ka, kalimutan mo na 'yong kanina, ha?" pagpapaalam niya, na para bang siya ang muntik nang makipag-away, dahil sa sobrang pag-aalala.

Hindi ko alam kung paano ko na pakikitunguhan ang makulit na si Erick matapos ang lahat nang nasaksihan ko. Ayon sa deskripsyon ni Jasper, hindi raw ako titigilan nito. Hindi ko ma-imagine ang susunod na mga hakbang ng lalaking 'yon

Kinaumagahan pagkagising ko, may nag-deliver ng isang bugkos na napakagandang mga bulaklak. Inasahan kong kay Lester galing ang mga ito. Natawa ako at may dedication pa.

"Maganda ka pa sa umaga, kumusta ang gising mo? Nag-toothbrush ka na ba? Nag-breakfast ka na ba? Naligo ka na ba? Kung hindi pa, baka gusto mong gawin na. Baka ma-late ka pa. Happy 1st Monthsary as friends.

~Jasper"

Gusto kong lumundag sa tuwa. Grabe ang kilig ko. May kakornihan pala talaga itong brother ko. Nakakagigil, nakaka-excite ano kaya ang mangyayari mamaya sa school? Baka may surprise na naman siya.

Dali-dali kong ginawa ang lahat nang nakalagay sa dedication. Nag-ayos ako ng buhok at mukha.

Pagdating sa school, ako na mismo ang tumabi sa kaniya. Gustong-gusto kong buksan ang topic about doon sa bulaklak at ang sinasabi niyang 1st Monthsary as Friends, habang wala pa ang professor namin. Kaya lang nakakahiya. Hinintay ko na lang na siya ang gumawa. Ngunit, tulad ng inaasahan, wala na naman siyang kakibo-kibo. Parang wala siyang ginawa. Naisip ko tuloy, isa na naman ito sa mga pranks niya! Napasimangot tuloy ako, at parang uusok na ang ilong sa inis. Nang biglang...

"Natanggap mo?" nakakabiglang tanong niya.

Napalitan nang kaba ang inis ko, at nang mapansin niya iyon.

"Iyong bulaklak, na-i-deliver ba sa 'yo?" dagdag pa niya.

Wala akong naging reaksyon, kung hindi ang pagtango-tango.

"Fishball tayo mamaya, ha? Same bench, same stall, same number of fishballs," pagyayaya nito.

"Ano?" sa wakas nakapagsalita rin ako nang marinig ko ang 'same number of fishballs'.

"Oo, 20 pesos na fishballs, kayang-kaya naman nating ubusin iyon, para mahabang oras kitang makasama," sabi nito habang nagbibigay nang matamis na ngiti.

Ano ba iyan, ginugulo niya ang puso ko. Gusto niyang manligaw sa akin ang kuya niya habang parang pumo-porma rin siya. Ano ba talaga, Mr. Paasa?

Mr. Pa-Asa (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu