XXXXVI

3 1 0
                                    

"Ay! Nandiyan ka na pala." Wika ni Lester.

Napabuntong-hininga si Jasper na parang nahahalata ang kakaibang kilos ng kaniyang kuya. Ano ba kasi ang problema nitong lalaking 'to, kahit ako ay hindi ko ma-gets, pinagseselos ba niya ang kapatid niya o kinukuha niya talaga ang loob ko dahil sabi nga niya, mahal pa niya ako?

"Hindi kararating ko lang din." Sagot ni Jasper na hindi ko maipaliwanag kung ano ang reaksyon ng mukha.

Mayamaya'y biglang nagsalita si Lester, "A... e, nakuwento na sa akin ni Anne iyong buong pangyayari. Maraming salamat sa pagliligtas mo sa kaniya."

Nagulat ako, parang sa tono niya ay nagpapasalamat siya, dahil iniligtas ang girlfriend niya. Parang baliktad yata. Haist, sa ugali ni Jasper, if ever na may nararamdaman pa siya para sa akin. Siguradong mag-iinit ang ulo niya at iba ang iisipin.

"Okay lang 'yon, Kuya. Mabuti na lang at kinutuban ako, kaya sinundan ko siya."
Sagot ni Jasper sa kaniyang kuya na noo'y nakasingkit-mata. Parang naghihintay siya na paringgan siya ng kaniyang kapatid, pero hindi naman nito ginawa. Ano bang nangyayari kay Lester? Bakit parang nag-iiba ang ugali niya?

Napalingon-lingon ako sa kanilang dalawa, saan ko ba itutuon ang paningin ko? Kay Jasper na nasa kanan ko o kay Lester na nakaupo sa kaliwa ko? Tumayo na lang ako.

"Ahmmn... A-anong oras tayo magsisimulang magluto?" Tanong ko habang nagbibigay nang pilit na ngiti.

Ngunit imbis na sagutin ang tanong ko ay biglang nagsalita si Jasper.
"Sa susunod kasi huwag kang masiyadong magpapagabi. Kapag hindi ka maihahatid ni Kuya, sa akin ka na lang sumabay."

Napataas ang kilay ni Lester. Ano ba kasing ibig sabihin nitong si Jasper, iresponsible ang kuya niya? Hay naku, may nagbabadya bang away?

"Huwag kang mag-alala, hinding-hindi na 'yon mauulit. Tatlo silang inihahatid ko, kaya lahat ay gagawin ko para wala nang mapahamak sa kahit sino sa kanilang tatlo." Taas noong sagot ni Lester.

Ang hirap naman nito, palingon-lingon ako sa kung sino ang nagsasalita sa kanilang dalawa.

"Anyway, mag-start tayo sa pagluluto mayamaya, para saktong lunch."

Sa wakas nasagot ang kanina ko pa tinanong. Lumihis ang usapan.

"E, anong gagawin natin dito? Mabo-bore lang ako."
Paimportanteng tanong ko.

Pagkatapos ay humalukipkip ako na parang bata.

"Mag-videoke tayo! Suhestyon ni Jasper."

May recording room sila Jasper, doon ay kumpleto ang mga gamit sa videoke. Hindi man gusto ng kaniyang ama ang kaniyang pagbabanda, proud naman siya sa kaniyang anak, dahil sa talento nito.

"Sige!"
Nagulat ako noong sumang-ayon si Lester.

Alam kong gustong mag-videoke ni Jasper, upang magpasikat pero bakit sumang-ayon si Lester? Alam naman niya na lamang ang kaniyang kapatid pagdating sa pagkanta. Kinabahan rin ako, sintunado kasi ako. Pero, trip-trip lang naman ang hamon ni Jasper. Kaya sumang-ayon na rin ako.

Pagdating namin sa room, nanlaki ang mga mata ko, grabe ang ganda ng recording area ni Jasper. Pero never niyang naisama ang mga kabanda niya sa room na iyon. Sayang talaga. Nakita ko ang isang bund ng mga papers na naglalaman ng kaniyang mga compositions. Lyrics pa lang ay ang ganda na, sigurado akong maganda ang melody ng mga ito. Naalala ko tuloy, iyong mga oras na hirap na hirap siyang magsulat ng kanta.

Noong nakita ni Lester na tinitingnan ko ang mga lyrics ni Jasper. Nakita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata.

"Ahmmn... kukuha lang ako ng drinks, baka mauhaw tayo mamaya." Wika niya.

Pagkalabas ni Lester sa room, nilapitan ako ni Jasper. Noong mga oras na iyon ay saktong nabuklat ko ang isang papel na may nasimulang lyrics, pero hindi pa tapos. Ang daming bura sa chrorus. Doon tumigil ang kaniyang idea.

"Ang hirap sundan ng kantang 'yan." Wika niya. Kitang-kita ko ang mga mata nang pagsusumamo.

"Hindi pa kasi tapos ang kuwento namin ng babaeng pag-aalayan ko niyan."

Tinitigan niya ako sa aking mga mata.

"Naalala mo noon, sinabi mo sa akin na huwag akong titingin sa mga likes ng mga listeners? Right after that day, sinimulan kong gawin ang kanta na iyan, kaya lang na-cut ang story namin. Balak ko noon ay tapusin na iyan, with bad ending.
Hanggang one day, I realized na hindi ko kaya. Kaya ipinangako ko sa sarili ko, na tatapusin ko ang kantang 'yan, with happy ending, at tulad noong pangako ko noon, ire-record ko ang kanta, pero hindi ko ilalagay sa soundcloud. Ibibigay ko lang sa babaeng tinutukoy sa kanta." Paliwanag niya, pagkatapos ay hinawi niya ang mahaba kong buhok.

Ramdam na ramdam ko ang bawat salita niya, pero ayoko na talaga.

"A-ang tagal naman ni Lester, nauuhaw na 'ko." Pag-iwas ko, pero hindi niya pa rin inalis ang mga titig niya sa mukha ko.

Nag-isip ako ng paraan para mas makaiwas sa kaniya. Hanggang sa nakita ko ang TV kung saan nandoon ang remote nito. Akmang palapit na 'ko sa kinaroroonan noon nang bigla niyang hinawaka ang braso ko.

"Anne..." Wika niya habang nagbibigay nang pagsusumamong tingin.

"Gusto ko nang kumanta." Sagot ko.

Biglang bumukas ang pinto at bumulaga kay Lester ang eksena nang pagpigil sa akin ni Jasper, papunta sa videoke area.

"Let her go." Wika ni Lester, habang nagbibigay nang maangas na tingin sa kaniyang kapatid.

Haist... huwag naman sana silang mag-away.

Dumiretso si Lester sa lugar kung nasaan ang mesa na paglalagyan ng juice at chips.

Nagulat ako nang sundin ni Jasper ang kaniyang kuya. Wala siyang ipinakitang panlaban na tingin. Totoo ba ang nakikita ko? Iginagalang na ni Jasper ang kaniyang kuya? At si Lester naman ay marunong nang labanan ang kaniyang pinakamamahal na kapatid.

Mayamaya'y binuksan na ni Lester ang TV at sumenyas sa amin na simulan na ang pagvi-videoke. Para siyang leader ng grupo.

"O, paano ako na ba ang mauuna?" Taas noong tanong ni Jasper.

Tumango-tango kami.

"Clap... clap... clap... Ang galing mo talaga." Papuri ko habang naiilang dahil sa lyrics ng kanta.

"Okay, ako naman!"
Nagulat ako, narinig ni Lester ang magandang boses ng kaniyang kapatid pero handa siyang lumaban.

"Clap... clap... clap..."

Nakita ko si Jasper na parang gulat na gulat. Ang galing din palang kumanta ni Lester. Bakit hindi niya inilalabas ang kaniyang talento?

"Ang galing mo pala. Naku! Nakakahiyang kumanta, please kayo na lang ulit, sintunado talaga ako." Pagsusumamo ko.

"Ano? Ang daya mo nam..."

"Hayaan mo na siya." Pagputol ni Lester sa pamimilit sa akin ni Jasper.

"Kung ayaw niya, huwag na nating pilitin, kaysa naman makaramdam siya nang hiya." Dagdag pa niya.

Itinaas ni Jasper ang kaniyang dalawang kamay at sumenyas na parang suko na siya.

Mr. Pa-Asa (COMPLETED)Where stories live. Discover now