Chapter XXI

38 2 0
                                    

Umuwi ako sa bahay bibit ang kirot sa aking dibdib. Oo, narinig ko na ang mga salita na matagal ko nang pinapangarap na marinig. Pero, bakit sa maling pagkakataon? Bakit ngayon pa? Bakit kung kailan nadurog na ng lalaking mahal ko ang buong pagkatao ko? Isa lang ang naiisip kong sagot. Ito ay ang, "Hindi kami para sa isa't isa."

Balang-araw mawawala rin ang pagkabaliw ko sa kaniya. Tama na ang pagpapakatanga. Nahahati ang puso ko. Ang isa ay nagsisisi, dahil tinanggihan ko siya at ang isa naman ay masaya, dahil nagawa kong palayain ang sarili ko sa walang pakundangang hawla.

Lumipas ang mga araw, lalo kong inilayo ang sarili ko sa kaniya.

Isang araw, nagkaroon ng emergency meeting ang lahat ng mga professors, nagkaroon kami nila Fey ng pagkakataong mag-bonding sa loob ng campus, habang 'di pa bumabalik ang hiwa-hiwalay naming klase.

"Sa basketball court na lang tayo tumambay para maiba naman." Suhesyon ni Marie. Nakita ko rin siyang napasenyas ng ngiti kay Fey.

"Ahhh! Oo nga... great idea." Naka-thumbs up na pagpayag ni Fey.

Sumunod na lang ako sa dalawa, wala rin naman akong suhesiyon, kung saan kami pupunta. Kaya lang ano namang gagawin namin do'n?

Pagbungad ko palang sa entrance ng basketball court ay nakita ko na agad ang isang lalaking nagdi-dribble ng bola, mabilis siyang tumakbo, nilampasan niya ang mga humaharang na lalaki, nang makakita siya ng pagkakataon ay agad niyang na-shoot ang bola sa basketball ring. Ang galing... Nang mapaharap siya sa amin ay nakita kong si Albert ang lalaking iyon. Hindi naman ako nagulat, dahil alam kong magaling siya pero aaminin ko napatulala ako kanina. Mayamaya'y narinig ko ang coach nila na sumenyas ng break. Wow! Ang guwapo niya kahit pawis-pawisan. Nakita ko siyang umiinom ng mineral water.

"Hot ba? Ahhaha" Pang-aasar ni Marie na wari ko'y napansin ang reaksyon ko, habang nakatitig kay Albert.

"Hmmn... Tara do'n tayo maupo. Dito na lang tayo mag-tsikahan. Panoorin na rin natin ang practice nila, mukhang matatagalan ang meeting nila prof." Yaya ni Fey.

"O-Okay." Tanging salitang nasambit ko.

Nang makaupo kami ay hindi pa rin ako nakaligtas kay Marie.

"Ang cute ni Albert, ano? Ang tangkad, macho, maputi, parang ang linis-linis sa katawan at maporma! Kaysa naman do'n sa isang lalaki na akala mo kung sin..."
Dinanggi ni Fey si Marie

"Okay... fine tatahimik na 'ko." Paikot-ikot ang matang dagdag ni Marie.

Napansin nila ang pananahimik ko. Kasi kahit nakakakita ako na may halos perpektong lalaki ay halatang apektadong-apektado pa rin ako sa mga nangyari.

"Ahmmn... Anne, okay ka lang ba?" Tanong ni Fey.

"Bakit n'yo ba ko dinala rito?" Tanong ko.

Nakakatunog na kasi ako, pakiramdam ko ay may pakay sila kaya roon nila ako dinala.

"Gusto ka la'ng naming maglibang, 'nood tayo ng practice ng basketball." Paliwanag ni Marie.

"Maglibang o gusto n'yo akong ireto kay Albert?" Nakataas-kilay na tanong ko.

"Hehehe... Puwede both?" Nakakatawa talaga si Marie.

Na-a-appreciate ko ang tulong na gustong ibigay ng dalawa kong kaibigan. Alam kong ginagawa nila ito para madali kong malimutan ang nararamdaman ko para kay Jasper. Pero, ganoon ba kadali 'yon? Gayunpaman ay may point sila kailangan kong ituon ang atensyon ko sa iba.

Hindi kami napansin ni Albert noong mga oras na 'yon. Nagpatuloy ang practice nila. Napakakisig nga niya, at ang sweet niyang ngumiti.

Pag-uwi ko sa bahay ay nakita ko ang notebook na naglalaman ng mga tula ko para kay Jasper. Tinangka ko itong itapon, ngunit nagdalawang-isip ako. Maaari ko rin naman itong isama sa aking mga koleksyon. Isa pa, challenge na rin ito para sa akin. Kapag nagmahal ako ng iba ay babasahin ko muli ang mga ito, upang i-confirm, kung talagang naka-move on na ako.

Isang araw, naisipan kong dumaan sa court. Ewan ko ba, parang gusto kong sundin ang payo ng mga kaibigan ko, ang turuan ang puso ko na ituon ang atensyon nito sa lalaking kailan ko lang nakilala. Dahil maganda ang panlabas na anyo niya, sigurado akong mabilis mahuhulog ang loob ko sa kaniya. Ang tanong ganoon din kaya siya sa akin?

Pagdating ko sa court, tamang-tama naman na katatapos lang ng practice nila Albert. Agad kong inayos ang sarili ko, hinagod-hagod ang buhok ko, kinagat-kagat ang labi ko para pumula-pula, tumayo ako ng tuwid. Hanggang sa wakas ay mapalingon na siya sa kinaroroonan ko. Agad naman niya akong nilapitan.

"Hey, Ms. Anne, what are you doing here?" Tanong niya.

Anong klaseng tanong ba iyon? Pag-aari ng school ang basketball court.

"Ahhh, wala napadaan lang ako, papunta kasi ako sa Engineering Building, e, nakita kong may nagpa-pratice kaya napasilip ako." Palusot ko.

Okay ba 'yong palusot ko? 'Di yata kapani-paniwala.

"Ganoon ba? Anyway, about last time sa party. Kasi I don't mean to..."

"Ssshhh..." Pagputol ko sa paliwanag niya.

"I know, ako ang dapat mag-sorry. Kasi over protective sa akin iyong friend ko. Nag-over react siya sa nakita niya. Pero, alam ko naman na 'di mo sinasadiya, medyo masikip naman talaga sa gitna nang ball. I'm sorry." Mahabang paliwanag ko.

Napangiti siya. At napatango-tango.

Ang guwapo talaga niyang ngumiti. Ang puti ng ngipin at may dimple pala siya, noon ko lang napansin. 'Di kasi masyadong lubog kaya ang cute. Ang sarap titigan, kung 'di lang nakakahiya. Kaya ngayon palang gusto ko na siya. Gusto... pero hindi mahal. E, roon din naman papunta iyon. Ang tanong magustuhan din kaya niya ako? Bakit kaya ako ang napili niyang isayaw noon? Hmmn... heto na naman ako, feelingera.

"Ahhmn... puwede ko bang makuha ang cellphone number mo?" Nakakagulat na tanong niya.

Ano raw 'yon? Kaka-echo palang sa isip ko ang word na feelingera. Tapos heto na naman.

"Kung puwede lang naman, I just want to get you know better."

Kinikilig na yata ako sa way nang paghingi niya ng number.
"O-Okay... sure... pakilala ka lang agad, ha?"

"Bakit pa? E, ibibigay ko rin naman ang number ko sa 'yo. Iyon ay kung i-se-save mo. Kasi kung hindi, well daraan pa talaga tayo sa stage ng "Hu u."

Doon kami nagkangitian ng sobrang tamis.

Mr. Pa-Asa (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu