XXXXVII

3 1 0
                                    

Nakakaramdam ako ng hindi maganda sa sitwasyon. Hindi ko na alam ang gagawin. Paano ko ba pipigilan ang dalawang 'to? Nag-aagawan ba sila sa akin? Feelingera talaga ako, ang haba ng hair.

Nakita kong tumingin si Jasper sa kaniyang silver watch.
"E, kung simulan na kaya natin ang pagluluto, Kuya? Okay lang naman siguro. Turuan mo na lang kami nang maraming dishes, tig kaunti lang bawat dish, para maubos natin later sa lunch time. Tapos, turuan mo na rin kaming mag-bake."

Totoo ba ang naririnig ko? Si Jasper nagpapaturo sa kuya niya? Nasaan na iyong dati niyang maangas na ugali? Bakit parang may pagpapakumbaba siya ngayon? Si Lester naman, natututo nang magpakakuya. Nakakalito na, kulang na lang ay pagpalitin ko sila ng pangalan.

"O-oo nga naman, Lester. Excited na rin akong matutong magbalat ng patatas." Biro ko na nagbigay nang sabay na ngiti sa kanilang dalawa.

"Okay, mauna na ako sa kusina para maihanda ang mga eksaktong gagamitin." Wika ni Lester.

"Okay, Kuya. Liligpitin lang namin 'to." Sagot ni Jasper habang nagbibigay nang malaking ngiti.

Kung makangiti-ngiti naman 'to, parang gustong-gusto ang sitwasyon at masosolo ako. Hehehe... Asumera lang, kung nandito sina Fey at Marie, tapos naririnig ang mga naiisip ko, malamang kanina pa masakit ang ulo ko sa kakabatok at kakahila nila sa buhok ko.

"O, bakit nakatayo ka lang diyan? Tulungan mo naman ako." Wika ni Jasper habang inilalagay sa ayos ang mic.

Aalisin ko sana ang juices at chips sa mesa, upang ibalik sa tray, ng biglang.
"Aray!"

"O, anong nangyari?" Tanong nang nag-aalalang si Jasper.

Hanggang sa nakita niya ang tuhod na may sugat, nadanggi ko ang mesa noong akmang patayo na ako.

"Tsk! Alam mo naman na marami kang galos, sugat at pasa, bakit hindi ka nag-iingat? Mauubos ang laman ng first-aid kit namin, dahil sa kakagamot sa mga sugat mo." Angal ni Jasper.

Bumabalik ang dating ugali niya, ang Jasper na nakamungot kapag naiinis, iyong kahit sa kaunting dahilan lang ay O.A. ang reaksyon. Kahit magpanggap pa siya nang magpanggap, lalabas at lalabas din ang tunay na siya. Wala naman akong pakealam, kahit anong ugali niya. Minahal ko siya kahit gaano kasama ang ugali niya, hindi niya kailangang magpanggap na nagbago na kung hindi pa naman talaga. Unti-unti ay mangyayari 'yon, balang-araw. Sa tingin ko ay hindi pa ngayon.

"O, bakit ganiyan ang tingin mo?" Naiinis na tanong niya.

Iyan ganiyan nga, mainis ka at mairita.

"Be yourself." Tugon ko, sabay kuha muli sa naibaba kong tray.

"Weired." Bulong niya na narinig ko naman.

"Okay na ba 'yang nililigpit mo? Tara na sa kusina, baka tapos na rin si Lester sa paghahanda." Yaya ko sa kaniya habang hawak ang tray at palabas na ng pinto.

Tumango-tango siya. Dahil may hawak ako, binuksan niya ang pinto para sa akin.

Dumiretso kami sa kusina, at tama ako tapos na nga si Lester sa paghahanda ng mga gagamitin. Kutsilyo talaga ang inihanda niya para sa pagbabalat at paggayat ko sa mga gulay. May mga napapanahon naman silang gamit sa kusina, pero gusto niya na ang gamitin namin ni Jasper ay ang mga dating gamit, upang matututo kami.

"Okay, simulan n'yo muna ang paggagayat. Anne, mag-ingat ka baka pati sa daliri ay magkasugat ka pa. Kumokota ka na." Biro ni Lester na nagpangiti sa akin habang nakatingin sa maningning niyang mga mata.

Nakita ni Jasper ang eksenang 'yon.
"Aw..." Bulong niya

"A-anong... anong nangyari?" Tanong ko.

Bigla niyang itinago sa kaniyang likod ang kaniyang kaliwang kamay.

"Ano nga?!" Pamimilit ko.

"Wala nga!" Pag-iwas niya.

"E, ano 'yang itinatago mo sa likod mo? Patingin na kasi." Pilit kong kinukuha ang kaniyang isang kamay mula sa kaniyang likuran. Para kaming nagpapatintero.

"Patingin sabi, e!" Sigaw ko na ikinagulat noong dalawa.

Ang totoo pati ako ay nagulat, dahil sa pagsigaw ko. E, kasi naman ang arte-arte, nakakairita.

Dahil doon, napilitan si Jasper na ipakita ang itinatago niya sa kaniyang likuran.

"Ahhh... Hindi pala ako marunong magbalat ng patatas, ha?! Samantalang pagbabalat ng sayote ay nasugatan ka pa." Napapangiting wika ko.

"E, kasi..."

"Tama na nga 'yan, marami pa akong ituturo sa inyo, mabuti pa umakyat ka na sa itaas at lagyan ng bandage 'yan, Jasper. Marami ka pang babalatan, baka ma-infect." Utos ni Lester na pumutol sa sana'y idadahilan ni Jasper.

Grabe na si Lester sa pagiging kuya, I'm so proud for him. Ganito lang pala dapat para sumunod si Jasper. May takot din naman pala.

Pag-alis ni Jasper.

"Okay ka na ba? Are you enjoying?" Tanong ni Lester habang nakatitig sa mga mata ko.

"Cooking, is part of our life. Puwede ring ikumpara sa pag-ibig. Kapag nasugatan ka sa simpleng pagbabalat ng mga ingredients, it means hindi ka naka-focus. Pero kapag baguhan ka at natapos mo nang perfect ang simpleng pagbabalat, it means interested ka, you really wants to learn, you really wants to end the dish with all your heart." Dagdag pa niya.

Anong ibig niyang sabihin? Nalilito ako sa mga sinasabi niya, hanggang sa may narinig ako na may kumaluskos sa likod ng dingding ng kusina. May tao kaya roon? Kami lang namang tatlo ang nasa bahay.

"Narinig mo ba 'yon?" Tanong ko kay Lester bilang pagkukumpirma.

Nakita ko siya na tumingin nang diretso sa lugar na iyon. Mukhang may naisip siya.

"Ahmmn... W-wala, wala naman akong narinig. Halika na, ituloy na natin 'to." Yaya niya pagkatapos ay napansin kong tumingin muli siya sa direksyon na 'yon.

Haist... Lord what's happening? Ang sakit na sa ulo. Kung hindi lang ako puno ng gasgas, sugat at pasa, higit sa lahat kung hindi lang ako nakasuot nang panlalaki, kanina pa ako umalis sa bahay na 'to. Baka mamaya makasaksi pa ako nang suntukan dito.

Ang tagal naman ni Jasper. Gaano ba kataas ang hagdan nila? At gaano naman kalayo ang kuwarto niya? Gaano ba kahirap lagyan ng bandage ang napakaliit na hiwa sa daliri niya?

"O, Ba't napapatigil ka sa ginagawa mo? Huwag mong sabihing hinihintay mo siya?" Tanong ni Lester, pagkatapos ay humugot nang hininga sa dibdib.

"Akala ko ba ayaw mo na? E, kanina ko pa nahahalata na enjoy na enjoy ka kapag kasama siya. Anne, sa tingin mo ba deserving pa siya para sa pagmamahal mo? Akala ko ba ipapahinga mo muna ang puso mo? Paano magde-decide ang destiny, kung ang tigas ng ulo mo?"

"Kuya!"
Sigaw ni Jasper mula sa entrance ng kusina.

Bakit siya napasigaw ng ganoon? Narinig kaya niya ang lahat ng sinabi ni Lester?

Mr. Pa-Asa (COMPLETED)Where stories live. Discover now