Chapter XXXXII

46 1 0
                                    

"Umupo ka muna diyan, hintayin mo ko, kukunin ko lang sa taas iyong first aid kit." Wika niya habang nakatingin sa mga mata ko.

Nadadala na naman ako sa mga tingin niya. Hay, naku kailangan kong labanan 'to. Ang sasakit ng mga salitang sinabi niya sa akin, noon. Tama na ang pagpapakat*nga. Ano 'to madadala na naman ako sa mga pagpapa-cute niya tapos masasaktan na naman?

"Sige! Bilisan mo, masakit na ang daliri ko!" Mariing bigkas ko sa mga salita.

"OPO!" Mariing sagot niya.

Habang umaakyat siya sa hagdanan, hindi ko maiwasang mapatingin sa kaniya. Hindi ko mapigil ang sarili kong masundan siya ng tingin. Ewan ko ba, may gamot ba sa pagiging t*nga?

Hindi nagtagal ay bumaba na siya at umupo sa tabi ko. Masyado siyang malapit, nakakailang.

"Akin na." Wika niya.

Napakunoot-noo ako, "Ha?"

"Iyong kamay mo, akin na, paano ko magagamot 'yan kung hindi mo ipapahawak sa 'kin?" Parang naiinis na tanong niya.

Napalunot-lunok ako, at nang mapansin niya 'yon. Marahas na lang niyang kinuha ang kamay ko upang mahawakan ito.

Pareho kaming natigilan nang maglapat ang mga palad namin. Nagpapanggap siyang matapang at naka-move on, pero mahirap itago kapag nasa harapan mo na ang mahal mo. Nagkatinginan kami, ng mata sa mata.

Parang nawala ang sakit ng daliri ko. Ang naririnig ko lang ay malakas na tibok ng puso ko kasabay ng pagtibok ng kaniya.

"Anne..." Tawag ni Marie na nanggaling sa kusina.

Nagulat ito sa kaniyang nakita, kami naman ay napabalik sa totoong mundo. Doon ko naramdaman muli ang hapdi sa daliri ko.

Agad kong kinuha ang kamay ko sa pagkakahawak ni Jasper.

"A... e... s-sorry. May ano... ah! basta s-sige iwan ko muna kayo. Whooo!" wika ni Marie na halatang kinikilig pagkatapos ay mabilis na itong bumalik sa kusina.

"Tsss... hindi pa rin nagbabago." Wika ni Jasper habang iiling-iling.

Napasingkit-mata ako, nakakakilig na ang nangyari kanina, parang wala namang epekto sa kaniya.

Marahas kong kinuha ang hawak niyang alkohol at bulak.

"Kaya ko na kasi!" Mariin at may pagtataray na wika ko.

"Ang yabang? As if... e, takot naman sa dugo." Pang-iinis pa nito.

Kinuha ko ang bulak at nilagyan ng alkohol ng wala sa sarili. Habang inis na inis sa kaniya.

"Tsss... as if." Isang pang-aasar pa niya na nagpausok sa ilong ko, kaya naman imbes na sa bulak ko naibuhos ang alkohol ay naidiretso ko ito sa dumudugo kong kamay.

"Ahhh..." Sigaw.

"Whooo ang hapdi." Parang bata akong nakamungot at iwinawagayway ang aking kamay.

Nakita ko si Jasper na pangiti-ngiti. Parang tuwang-tuwa sa nangyari.

Pinagtaasan ko siya ng kilay habang tuloy-tuloy ang mabilis na pagwagayway sa kamay ko ng pataas-bata.

Habang nagbibigay nang malaki ngunit matamis na ngiti. Marahas niya muling hinablot ang kamay ko. Halos idikit na niya ito sa kaniyang labi. Napanganga tuloy ako, tumingin muna siya sa akin at saka hinipan ang mahapdi kong daliri.

"Bakit kasi hindi nag-iingat. Para kang bata, ang liit-liit na sugat para kang naputulan ng kamay. Kami nga noong tinulian..."

Idinampi ko sa labi niya ang daliri ko, upang mapigilan siya sa kaniyang pagsasalita. Nagulat ako sa ginawa ko kaya binawi ko agad ang kamay ko.

Kasi naman dire-diretso siya, iku-kuwento pa niya talaga iyong time na tinulian siya? Ihahalintulad sa daliri ko?

"Lagyan mo na nga lang ng band-aid." Utos ko.

"Opo!"
Ginawa niya ang sinabi ko, nilagyan niya ng band-aid ang daliri ko para mapigilan ang pagdugo nito.

"Salamat, babalik na 'ko sa kusina, tutulungan ko na sila." Pagpalaalam ko.

Tumayo ako, hindi pa man ako nakakalayo sa aking paglalakad ay nilingon ko siya. "Hoy! Hindi ibig sabihin nito ay okay na tayo!" Paglilinaw ko.

Itinaas niya ang dalawang kamay niya na parang susuko kapag nahuli ng pulis.

"I don't mind, ginawa ko lang naman ang dapat dahil kasalanan ko. Kung galit ka pa rin, go with your feelings. But, I have mine."

Pagkatapos ay tuluyan na akong bumalik sa kusina.

"A-ano? Ano na? Okay na ba kayo? Totoo ba iyong naikuwento ni Marie? A-anong nangyari after noong nakita niya?" Natatarantang wika ni Fey, habang nakita ko naman si Lester na nagbibigay ng parang pilit na ngiti.

"Hay, naku... ikaw talaga Marie, malisyosa ka masyado. Walang nangyari at hindi pa kami okay. Ginamot lang namin iyong sugat ko. Iyon lang." Sagot ko.

"Namin? Pinagtulungan n'yo pang gamutin ang maliit na sugat na 'yan?" Pang-iinis ni Marie.

"E--wan ko sa inyo! Anong maitutulong ko Jasper?" Nadulas ako.

Jasper ang pangalang nabanggit ko, pero si Lester ang tinatanong ko.

Natigilan tuloy ako at napahiya.

"Hmmn... Ganiyan ba ang naka-move on?" Nang-iinis na tanong ni Fey.

"Ano ba kayo, tama na nga 'yan. Hindi talaga siya makaka-move kung laging n'yong aasarin." Paliwanag ni Lester.

Pakiramdam ko ay nasaktan si Lester sa mga nangyari. Lalo na noong tawagin ko siya sa pangalan ng kapatid niya.

Ipinahalo na lang niya sa akin ang mga natitirang ingredients.

Pagkatapos naming mag-bonding at magluto. Inihatid na kami ni Lester sa aming kani-kaniyang bahay.

"Sorry hindi ko tuloy nakita kung paano mo ginagawa iyong dish." Paghingi ko ng paumanhin kay Lester. Pagkatapos kong makababa sa kotse niya.

"Okay lang, e'di tuturuan kita next time. Nang tayo lang dalawa." Sagot niya habang nakatitig sa mga mata ko.

Nailang tuloy ako, "Ahmmn... papasok na 'ko sa loob. Salamat sa paghatid at sa masayang bonding." Nasambit ko.

"Mukhang masaya ka nga talaga." Bulong ni Lester na medyo narinig ko.

"Ano ulit 'yon?" Tanong ko.

"Ha? Sabi ko gabi na nga talaga pumasok ka na." Palusot niya.

"Ahhh... Sige good night." Pagpapaalam ko.

Alam kong may pagtingin pa rin sa akin si Lester. Alam kong masakit para sa kaniya na may pagkakataon na siya, para makuha ang pagmamahal ko pero hindi niya magawa. Tuwing sinusubukan niya ay dumarating si Jasper kaya naman hinidi ko maibigay sa kaniya ang buo kong atensyon. Tuwing gabi imbes na ang mga nangyayari sa amin ang naiisip ko, ay iyong nararamdaman ni Jasper ang sumisingit.

Mr. Pa-Asa (COMPLETED)Where stories live. Discover now