Chapter VII

76 3 0
                                    

After ng History class hindi ko alam kung sasabihin ko ba kay Lester ang totoo, na may banda ang kapatid niya at doon napunta sa bar, kapag ginagabi ng uwi. Gusto kong sabihin, upang hindi na siya masyadong mag-alala. Ngunit wala akong karapatan, isa pa pinagkakatiwalaan ako ni Jasper sa lihim na iyon.

"Kumusta kayo ng kapatid ko," tanong ni Lester.

"Okay naman, unti-unti nakikilala ko ang ugali niya. Madalas nasabay siya sa akin kapag recess, nagkukwento siya about his past. Kaso never about his family. Ang totoo, umiiwas siyang pag-usapan iyon," sagot ko na may lungkot sa mga mata.

Napansin ko ang panghihinayang ni Lester, batid kong inaasahan niya na makakakuha siya ng impormasyon, tungkol sa kung ano ang nararamdaman para sa kaniya ng kaniyang kapatid.

"Ahmmn... Lester, sorry kung hindi kita matulungan. Gusto ko sana, kaya lang ayokong manghimasok sa buhay ninyo. Lalo na ngayon," pagpapaliwanag ko.

"Ano ka ba okay lang, pasasaan ba't maaayos din namin ito," tugon niya.

Mayamaya'y biglang tumunog ang cellphone ko...

"Excuse me Lester, natawag si Jasper."

Tumayo ako at lumayo ng kaunti upang sagutin ang tawag.

"Hello Bro, napatawag ka," wika ko matapos pindutin ang botton ng yes sa call.

"Nasaan ka? Nakita ko sina Fey at Marie, tinanong ko kung nasaan ka, pero hindi rin daw nila alam. Asan ka nga ba ngayon?" tanong nang nag-aalala kong brother.

Natakot akong sabihin ang totoo kung saan ako naroon, ngunit wala akong choice. "Kasama ko si Lester, katatapos lang ng klase namin, sa kaniya ako sumabay."

"Ah ganoon ba? Oh sige, mag-iingat ka pag-uwi ha. I-te-text na lang kita mamaya," sagot niya.

Nagtaka ako, bakit parang okay lang sa kaniya na si Lester ang kasama ko. Nakakapanibago ang mga kinikilos niya, mula pa noong araw na nagkakilala kami ni Erick.

"O! Bakit daw?" tanong ni Lester matapos niyang makita na naibaba ko na ang cellphone.

"Wala, nag-alala lang noong makitang hindi ko kasama sina Fey at Marie," sagot ko.

Hindi ko naiwasan ang pagkatulala, dahil sa pagtataka sa ipinakikitang ugali ni Jasper.

"Okay ka lang?" tanong ni Lester.

Natauhan ako.

"Ha? O-Oo," pautal-utal na sagot ko.

Dahil sa sobrang pagkalito, hindi ko namalayan ang kung ano na ang kasunod na naitanong ko
"Kilala mo ba si Erick?"

"Si Erick, iyong kaibigan ni Jasper? Paano mo siya nakilala?" nagtatakang tanong ni Lester.

Nakalimutan ko na lihim nga pala ang banda na kinabibilangan ni Jasper.

"Ahmmn... ano kasi..."

Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko...

"Siya ang dahilan nang tuluyang paglayo ng loob sa akin ng kapatid ko. Kababata namin siya. Matalik na kaibigan. Pero noong nalaman namin ang tungkol sa pagiging ampon ko. Siya ang nagsulsol kay Jasper ng tungkol sa hindi matimbang na pagtingin sa amin nina Mommy at Daddy," may galit sa tonong sagot niya.

Hindi ko na alam ang iisipin ko, napakakomplikado na pala ng sitwasyon.

Kinagabigahan, may unknown number na tumawag sa akin.

"Hello, sino po ito?" tanong ko.

"Hi Anne, kumusta ka na?" tanong ng lalaking nasa kabilang linya.

"Nakalimutan mo na ba agad ang maganda kong tinig?" dagdag pa ng lalaki.

"Pasensya na ha, pero masyado na pong gabi, para makipagbiruan. Sino po ba ito at ano po ba ang kailangan n'yo?" naiinis na tanong ko.

"Ang taray mo pala. Ako ito, si Erick. Sorry sa istorbo. Kinuha ko kay Jasper ang number mo. Ang totoo noong isang araw pa, kaya lang masyado akong busy," pagpapakilala niya.

"Ah ikaw pala yan. Masyado ng gabi, siguro sa ibang araw ka na lang tumawag," tono nang pagpapaalam ko.

"Okay. Sige, pero next time magkukwentuhan na tayo. Good night." Sabay patay ng cellphone.

Nawala ang paghanga ko sa kaniya ng dahil sa nalaman ko mula kay Lester. Napalitan nang inis. Ganoon din kay Jasper, dahil ibinigay niya ang number ko ng walang pahintulot.

Kinabukasan...

"Sorry, akala ko okay lang sa iyo na nakuha ni Erick ang number mo. Kasi last time nagpaalam ka pa sa akin kung payag ako na magpaligaw ka sa kaniya. Akala ko type mo siya," pagpapaliwanag ni Jasper na animo'y tuwang-tuwa dahil nagalit ako.

"Hmmp... maraming namamatay sa maling akala," nakangiting sagot ko.

"So, ibig mong sabihin hindi ka magpapaligaw sa kaniya?" nakatitig na pagkumpirma niya.

Tumango-tango ako at sinabing, "Ayoko sa lalaking masyadong mayabang."

"E'di... hindi rin pala ako puwedeng manligaw sa iyo?" biglang nawala ang ngiti sa mga mata niya.

Natigilan ako, at nasabi sa sariling, "Naku, Oo nga ano? Patay."

Mamamaya'y bigla siyang humagalpak ng tawa.
"Hahaha... hoy! Joke lang. Ikaw talaga..."

Grabe talaga siya, hindi ko siya ma-gets. Naiinis ako, pero ewan ko ba kung bakit ang gaan nang pakiramdam ko. I love his words and moves kahit confusing.

"Tara hatid na kita. Dumidilim na naman. Text-text na lang," yaya ni Jasper.

Hay naku, bitin na naman ako. Sana mas mahabang oras pa ang naibigay sa amin nang pagkakataon. Pero okay na rin.

Mr. Pa-Asa (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon