Chapter CI

2 0 0
                                    

Pagkatapos ng last class ko noong hapon. Antok na antok ako. Over time kami. Naghihikab ako habang papalabas ng pinto.

"Ay, Palaka!" Nagulat ako noong bigla siyang sumulpot.

"Sinong palaka?"

"Ikaw..."

"Ano?"

"A! Ang ibig kong sabihin, ikaw kasi pasulpot-sulpot ka. Nakakagulat." Paliwanag ko kay Lester.

"Sorry, mukhang inaantok ka. Ano, kasi... kanina pa nandoon sina Fey at Marie sa lobby kaya naisipan ko na sunduin ka na." Hindi malinaw na paliwanag niya.

Tsss... feeling ko talagang gusto niya akong sunduin sa last class ko. Mukhang hindi magpapalamang si Lester.

Napangiti na lang ako. I'm so thankful kasi iyong mga manliligaw ko, sinisiguradong safe ako. Para akong may bodyguard.

Habang sabay kaming naglalakad ni Lester, natanaw ko si Jasper na papalabas ng pintuan ng kaniyang last class. Mukhang katatapos lang din ng klase niya. Aba! Over time rin ang Criminology. Ano na naman kayang mayroon?

Napansin ni Lester ang pagtingin ko sa direksyon na 'yon, batid niyang classroom 'yon ng kaniyang kapatid.

"Anne..." Nasambit niya.

Agad akong napalingon at napatungo.
"A... ano 'yon?"

Tumigil siya sa paglalakad. Kinabahan ako, alam kong nasasaktan siya. Ang hirap nga namang manligaw, kung alam mong nagmamahalan ang nililigawan mo at ang taong karibal mo.

"Puwede bang bigyan mo ko ng chance na maiparamdam sa 'yo, that I'm better than him? Let me show you different things, that he can't never show. I love my brother, but he's too childish. You deserves--"

"Someone whose better like You?!" Nakakabiglang wika ng lalaki na nakikinig pala sa amin.

"Childish? Sinong childish sa ating dalawa, Kuya? Ako na lumalaban ng patas o ikaw na walang ginawa kun'di ang ilaglag ako? Pagiging mature ba ang tawag mo roon?" Naiinis na tanong ni Jasper.

Lumakas ang kaba sa dibdib ko. Gusto ko silang awatin, pero naisip ko, better na marinig ko ang bawat pagtatanggol nila sa kanilang mga sarili.

"Nandiyan ka pala, spying. Ayaw mo talagang magpalamang, 'no? Criminology student ka nga. Mahilig tumutok sa ginagawa ng iba." Sagot ni Lester sa naiinis na kapatid.

Wala akong ginawa kun'di ang magdasal na sana ay palitan lamang ng mga linya ang masaksihan ko. Sana ay walang pisikal na mangyari.

Napailing-iling si Jasper. Halata sa mga mata niya ang pagka-disappoint sa kaniyang kapatid.
"Hindi na kita kilala."

"Oo! Dahil nagising na 'ko!" Pagkukumpirma ni Lester.

Tiningnan ko ang mga mata nila. Nakita ko ang sensiridad sa mga sinabi nila. Pareho silang parang mangiyak-ngiyak na. Hudyat na nasasaktan sila sa batuhan nila ng bawat linya. Mahal nila ang isa't isa, nakakainis, dahil dumating pa ako sa buhay nila. Sana ay hindi na lang.

"Tama na." Pag-awat ko. Hindi ko kayang makita silang lumuluha, dahil sa akin. Tama nang naramdaman kong sincere sila pareho sa nararamdaman nila para sa akin. Kaya nilang isakripisyo ang pagmamahalan nila bilang magkapatid. Nakakalungkot, dahil bumalik na naman ang gap sa pagitan nila.

"Halika na Anne, ihahatid na kita." Yaya ni Lester, habang nakatingin sa akin. Pagkuwa'y lumingon siya sa kapatid niya.
"Please, huwag ka nang sumunod."

Iniwan namin si Jasper na nakatayo pa rin sa lugar na 'yon. Ilang habang lang ang nagagawa namin ay napalingon ako sa kaniya. Kitang-kita ko ang pagsisimula nang pagpatak ng luha niya sa kaniya pisngi. Awang-awa ako sa kaniya. Gusto ko siyang balikan, pero hindi puwede.

Parang kontrolado nila ang igagalaw ko.

Nang maihatid ako ni Lester sa labas ng bahay namin.

"Sorry sa nasaksihan mo kanina. Hindi ko sinasadya na labanan ang kapatid ko. Nadala lang ako. Mali kasi na sinusundan niya tay--"

"I know." Pagputol ko sa sana'y paliwanag niya.

Kasi may sarili akong isip, alam ko kung anong tama sa mga ginagawa nila at mga mali. Wala silang karapatang idigta sa akin ang dapat kong gawin.

"Sige na, salamat sa paghahatid." Pagpapaalam ko, na sinundan ko nang ngiti.

Pabalik na sana si Lester sa kotse ng hindi ko napigilang, sabihin ang noon ko pa gustong hilingin.

"Lester..."

Napalingon siya. Lumapit ako sa kaniya nang kaunti.

Napatungo ako sandali, pagtunghay ko ay kinabahan ako. Sana hindi niya masamain ang hihilingin ko.

"Ano kasi... O-okay lang ba kung putulin na natin iyong set-up na ihahatid mo kami sa bahay tuwing hapon?" Hiling ko, pagkatapos ay napabuntong-hininga.

Tumango-tango siya.
"But, I how can I--"

"Kaya mo 'yon. Hindi naman importante kung gaano ko kayo kadalas kasama. Nandoon iyon sa kung anong mararamdaman ko sa tuwing kasama ko kayo. Isa pa, ayoko pa talagang magpaligaw 'di ba? Makulit lang kayo. Kaya fine! Bahala kayo, magparamdam kayo kung talagang gusto n'yo. Pero don't expect na may sasagutin ako agad. Maaaring sa time na kaya ko na. Kaya lang kapag may nakilala ako na isang lalaking mas makakapagparamdam nang higit na pagmamahal. I must say Sorry for the two of you." Paliwanag ko.

Nagulat ako sa matamis na ngiting ibinigay niya. Pakiramdam ko ay masaya siya sa desisyon ko.

"Kaya kita mahal. Nag-iisa ka, kaya nakakatakot. Imposibleng walang magkagusto sa 'yo. Kaya hindi ako titigil kahit hindi ka na magpapahatid sa akin. Lalo na't hindi ko kilala ang mga lalaki sa buong mundo. Gusto kong makasiguro, na tamang lalaki ang mamahalin mo."

Napangiti ako nang pilit. Naging selfish na siya, dahil sa pagmamahal.
"Sige na papasok na ako."

"Good night." Huling mga salitang nabigkas niya bago siya tuluyang sumakay sa kotse.

"Alam mo, Anne. Disappointed na talaga ako kay Lester." Wika ni Fey habang pailing-iling.

Lumapit sa akin si Marie at hinawakan ako sa balikat.
"Pero seryoso ka ba sa sinabi mo sa kanila na kesyo time out ka muna?"

Tumango-tango ako.
"Hanggang kaya ko." Bulong ko.

Hinila ng kaunti ni Marie ang mahaba kong buhok nang marinig ang pagbulong ko.
"Tsss... Kita mo na!"

Kasi sa buhay ng tao hindi natin alam kung anong susunod na kabanata. Kaya kailangan lang nating sumabay sa agos. Hanggang kaya ko, poprotektahan ko ang puso ko. Luluha kung masasaktan. Maging masaya kung laging pinatatawa. Iirit kung pinakikilig. Maiinis kung pinipikon. Magagalit kapag inaaway. Pero, bahala na kapag ang puso ay bibigay na.

Mr. Pa-Asa (COMPLETED)Where stories live. Discover now