Chapter XXXX

36 2 0
                                    

Mahirap man ang sitwasyon ay kailangan kong harapin. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko siya sa joined class namin, para mapawi kahit papaano, iniisip ko na lang ang mga masasakit na salitang binitawan niya. Kailangan mangibabaw ang inis at galit para tumatag ako. Alam kong balang-araw matatanggap ko rin ang katotohanan. Hindi ko na nilinaw ang tungkol sa amin ng kuya niya, bahala siya sa gusto niyang isipin, basta kikilos kami ni Lester ng normal. Pinagsabihan ko na ang mga kaibigan ko. Hanggang sa dumating ang araw na kahit magtama ang paningin namin ay wala na akong nararamdamang sakit.

Itinuloy namin ang naging set up, kaya naman mas naging malapit kaming magkakaibigan sa isa't isa. Welcome kami sa bahay ng bawa't isa.

"Girls, wala sina Mommy at Daddy, gusto n'yo mag-bonding tayo sa bahay? May recipie akong ituturo sa inyo." Yaya ni Lester.

Pagkatapos marinig ni Fey at Marie ang mga sinabi ni Lester ay napatingin sila sa akin.

"O-okay! No, problem game ako." Pagpayag ko.

Aaminin ko nag-aalinlangan pa rin ako. Naalala ko kasi noong last time na nahuli kami ni Jasper na sweet na sweet, at nasaksihan pa niya ang aksidenteng pagdampi ng labi ko sa labi ng kuya niya. Kung sakaling mahal pa niya ako noong mga oras na iyon, alam kong masakit yon.

Pero masaya ako para kay Lester, mukhang handa na siyang maging Chef. Proud na proud siya sa recipie niya, ibig sabihin ay masarap ang dish na nagawa niya.

"Sige sa Sabado, I'll pick you, girls sa mga bahay n'yo." Masayang wika ni Lester.

"Okay." Sabay-sabay na sagot namin habang nakangiti.

Kitang-kita ko ang ningning sa mga mata niya, noong mapapayag niya kaming lahat.

"Naku Fey, baka ma-late na tayo sa next class natin, we need to go." Natatarantang wika ni Marie.

"Hala, oo nga napasarap ang kuwentuhan natin, iwan na muna namin kayo, kita-kits na lang sa exit, later." Pagpapaalam ni Fey.

Mukhang napasarap nga ang kuwentuhan namin habang kumakain sa canteen. Mabuti na lang at 30-minutes pa before ang class ko. Si Lester naman 20-minutes pa.

"O, paano naiwan na naman tayo." Bagsak-balikat na wika ko.

"Ayaw mo yata akong kasama." Nagtatampong wika ni Lester.

"Tsss... Hindi, a! Pero wala na tayong mapag-usapan, ayaw mo kasing magkuwento, lagi na lang ako, e, alam mo na ang story ng buong buhay ko, baka kapag ipinalabas 'to sa MMK hindi ka manood, dahil saulado mo na ang mga pangyayari." Paliwanag ko.

"Wala naman akong ikukuwento sa 'yo, ayaw mo naman ng about kay Jasper. E, iyon lang naman ang maikukuwento ko." Sagot niya.

Mukhang mahal na mahal niya talaga ang kapatid niya, si Jasper ang buhay niya, kaya ang hirap para sa akin kapag may gap sila. Buti na lang ngayon, kahit magkagalit kami ni Jasper, hindi naapektuhan ang samahan nila. Kahit ang alam ni Jasper ay boyfriend ko ang kuya niya hindi siya nagalit. Tulad ng sinabi niya dati, mas gugustuhin niyang ang kuya niya ang maging boyfriend ko, dahil hindi ako lolokohin nito.

"O, ba't natahimik ka?" Wika ni Lester nang makitang medyo lumipad ang isip ko.

"Nabanggit ko lang ang pangalan nagkaganiyan ka na. Akala ko ba naka-move on ka na? So dapat kahit magkuwento ako at ulit-ulitin ko ang pangalan niya, hindi ka na apektado." Paliwanag ni Lester.

Napatungo ako, "Ganoon ba talaga kadali ang salitang move on?"

Napaisip si Lester at napabuntong-hininga, "Sorry."

Nakita niyang nanginginid na naman ang luha ko. Kaya naman niyaya na niya akong papunta sa next class ko, kahit 15-minutes left pa.

"Ang aga ko naman dito, wala pa ang mga classmates ko." Pagmamaktol ko noong makarating kami sa tapat ng pintuan ng susunod kong klase.

"O, siya hindi muna ako aalis, 10-minutes pa naman bago ang class ko. Dito muna ako sasamahan kita." Wika niya habang nagbibigay nang matamis na ngiti. Napangiti rin ako bilang ganti.

Mayamaya'y may narinig kaming lalaki na sumigaw.

"Uy! Jasper, nandiyan ka lang pala!"

Napatingin kami sa gilid namin. At nakita nga namin na nandoon si Jasper sa 'di kalayuan.

"Hinahanap ka nila Lino iyong notebook na hiniram mo hindi mo pa naisosoli. Halika na!" Yaya sa kaniya noong classmate niya na sumigaw kani-kanina lang.

Nakita na naman kami ni Jasper na sweet na sweet. Ano kayang nararamdaman niya? Kung sabay ba naming aaminin ni Lester na talagang wala kaming relasyon, maniniwala kaya siya? Sa kabila ng madalas niyang nakikita, kapani-paniwala ba?

"Hayaan mo na." Nagulat ako noong sabihin ni Lester ang mga salitang iyon.

"Pero..."

"Nag-aaksaya ka lang ng panahon kakaisip sa kung anong nararamdaman niya. Sarili mo muna ang isipin mo. Hayaan mo siyang mag-mature. Matututo rin siya." Paliwanag ni Lester.

Hindi nagtagal ay kinailangan na niyang umalis para sa kaniyang susunod na klase. Okay lang naman, may mga classmates na akong nagpapasukan sa classroom kaya pumasok na rin ako.

Napakabait ni Lester, humahanga ako sa kaniya, pero hanggang doon lang talaga.

Mr. Pa-Asa (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon