Chapter X

55 2 0
                                    

"OMG! Hindi nga? Ang guwapong lalaking 'yon at si Lester, gustong manligaw sa 'yo? Ang haba ng hair mo." Nanlalaki ang mata ni Marie habang sinasabi iyon.

Natawa na lang ako sa naging reaksyon niya at ni Fey na halos mabulunan na sa kaniyang kinakain, habang nagkukuwento ako.

"Ay, grabe ka! E, itong si Brother, kuno, kumusta ang status n'yo?" may pagtaas ng kilay na pagtatanong ni Fey.

"Wala, ang gusto niya, payagan kong manligaw ang kuya niya. Better daw kaysa mahulog ang loob ko kay Erick," may lungkot sa mga matang sagot ko.

"Ganoon? E, bakit sa mga kilos niya parang in love rin siya sa 'yo?" nagtatakang tanong ni Fey.

"I don't know. Nami-misinterpret lang siguro natin ang mga kilos niya," sagot ko.

Habang nagkukuwentuhan natanaw namin si Lester sa hindi kalayuan.

"Uy, si Lester," sabi ni Marie habang itinuturo ang daliri sa lugar kung saan ito naroroon.

"Ahmmn... Tara! Alis na tayo rito," natatarantang nasambit ko.

"Baliw ka ba? Huwag mong iwasan. As if naman na magagawa mo, e, magkasama kayo sa isang subject. Harapin mo na at i-confirm mo ang mga sinabi niya sa 'yo," panghihikayat ni Fey.

"Pero..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko, dahil nakita namin si Lester na nakatingin na sa amin.

"Wala ka nang kawala. Nakita na tayo na nakatingin sa kaniya. Harapin mo na," sabay tulak sa akin ni Marie.

Ilang sandali pa, nakita naming papalapit na nga siya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Napabuntong-hininga na lang ako.

"Anne, can we talk?" tanong ni Lester nang makarating sa kinaroroonan namin.

"Sige, Anne, Lester maiwan muna namin kayo," pagpapaalam ni Fey. Hinila niya si Marie, upang mabigyan kami ng privacy.

"About last time sa phone..." Ramdam ko ang kaba niya habang sinasabi iyon.

"I want you to know na seryoso ako sa sinabi ko, that I'm in love with you," pagpapatuloy niya, habang tahimik akong nakikinig at halos hindi makatingin sa mga mata niya.

"Ang totoo matagal ko nang nararamdaman ito. Mula pa noong una kitang makita sa History class. Ang saya-saya ko nga that time, dahil naka-partner kita sa reporting. Na-confirm ko itong feelings ko, dahil tuwing nakikita ko kayo ng kapatid ko na nagtititigan, nasasaktan ako. Noong nakita ko siya na hawak ang kamay mo, natakot ako. Masaya ako na naging close kayo, kaya lang habang tumatagal nabubuhay ang takot ko na baka mahulog ang loob n'yo sa isa't isa. Kaya naman, nagdesisyon na akong sabihin sa 'yo ang totoo," sincere na pag-amin niya.

Nanatili akong tahimik.

"Anne, are you listening?" tanong niya

"Yah! Sorry. Naguguluhan lang ako. Kasi it will be complicated, because we 're friends. And, it will be risky," paliwanag ko.

"Iyon nga ba ang dahilan? What I'm asking is a chance to court you, not directly saying yes to be my girl," mahinahong tanong at paliwanag niya.

Feeling ko, hindi ako makakalusot.

"I know naman that you like my brother. Ramdam ko 'yon noon pa man. Kaya lang, Anne, kaya kong magparaya sa lahat ng bagay. Pero pagdating sa pagmamahal mo, parang hindi ko yata kaya," pagsusumamo niya na tanggapin ko ang alok niyang panliligaw.

Naalala ko ang sinabi ni Jasper--- na bigyan nang pagkakataon ang kuya niya. Ewan ko ba! Lahat nang sabihin niya, para sa 'kin ay tama at makabubuti.

"Okay! I will let you court me. Pero, sana hindi sa school," nakangiting pagpayag ko.

Nakita ko ang biglang pagliwanag ng mukha ni Lester at halos mapatalon na sa tuwa. "Talaga? Pumapayag ka na ligawan kita?"

"Oo nga!" nakangiting sabi ko.

"Yes!" Sigaw niya.

Napatingin sa kaniya ang ilang mga estudyante na nasa tabi ng upuan namin.

"Uy, hindi pa kita sinasagot. Ang OA mo," sabi ko habang hiyang-hiya sa mga estudyanteng nasa paligid.

Pagkatapos ay hinatid niya ako pauwi, gamit ang kotse niya. Naging daan iyon upang malaman niya kung saan ako nakatira. Napagkasunduan namin na tuwing weekend lang siya maaaring manligaw. Sa school, classmates ang turingan namin at hindi siya puwedeng gumawa ng espesyal na gawain para sa akin. Sinabi ko kay Jasper ang tungkol dito sa pamamagitan ng text. Nireplayan naman niya ako at wari ko ay naging masaya siya sa naging desisyon ko.

After ng Math class, kinabukasan...

"Thank you at hindi ka galit na pinayagan ko ang kuya mo," pambungad na sabi ko kay Jasper nang makasabay ko siya papalabas sa classroom.

Ngumiti siya at sinabing, "Ano naman ang karapatan ko? Brother ang papel ko, hindi tatay mo," sabay ang paghagalpak ng tawa.

Nakakainis! Parang ang gusto kong mangyari ay ang tulad ng dati. Iyong magtatampo siya at tuwing magsasalita ay may lungkot sa mga mata. Subalit, ngayon, may patawa-tawa pa siya.

"Hindi ka ba nagsasawa na asarin ako?" tanong ko.

"Hindi... kasi kapag hindi kita inaasar, hindi kumpleto ang araw ko," sabay tingin sa mga mata ko.

"Ang corny mo," sagot ko na para bang sanay na sa mga ganoong style at wa-effect na ang kilig.

"Kanino ka sasabay mamaya, sa akin o kay Kuya?" seryosong tanong niya.

Hmmn... puwede bang sa 'yo? Bawal manligaw sa school ang kuya mo. Kasunduan namin iyon," sagot ko.

"Ang hirap mo palang ligawan. May tinatawag ka pang kasunduan," pang-aasar muli niya.

Masaya ako sa naging set-up. Iyon nga lang, naisip ko, "Paano ko mabubuksan ang puso ko para kay Lester, kung araw-araw ang kasama ko ay si Jasper? Unfair para kay Lester ang ganitong sitwasyon. Pero, anong magagawa ko? Malapit kami ni Jasper sa isa't isa. I'm afraid. Paano kapag sinagot ko si Lester? Kailangan bang layuan ko si Jasper?"

Mr. Pa-Asa (COMPLETED)Where stories live. Discover now