Chapter XXXIII

41 3 0
                                    

Sa wakas ay nakarating din kami sa lugar na ini-assigned sa amin. Ano ba 'tong iimbistigahan niya, parang bakas ng may pinatay. Napaisip tuloy ako, pulis ba 'to o imbistigador.

Mayamaya'y may kinuha siyang dalawang mineral water sa kaniyang suot na red bag. Iniabot niya sa akin ang isa nito.

"Ang boys scout laging ready. Alam kong posibleng walang dala ang magiging partner ko. Heto, sa 'yo na." Sabi niya sabay abot sa akin ng bote ng tubig.

Napaisip ako, "kung puntos ang batayan ng magiging magkapareha at ibabase sa mga puntos namin noong nakaraan, hindi kaya alam na niya na ako ang magiging kapareha niya?"

Tahimik siya, habang umiinom at nagpupunas ng pawis. Sabay naming ginagawa iyon, bagamat busy ako sa pagtatanggal ng sarili kong dumi sa katawan, hindi ko maiwasan ang mapasulyap sa kaniya. Ang guwapo talaga niya, lalo na habang umiinom. Para siyang isang hunk. Napapanganga tuloy ako, habang nakikitang tumutulo nang unti-unti ang pawis niya. Gusto ko sanang ako ang magpunas. Haist... Kung puwede lang.

"Magpahinga muna tayo sandali sa banda roon. "Wika niya habang itinuturo ang dalawang bato na puwede naming upuan.

Naupo kami sa dalawang magkahiwalay, pero halos magkatabing bato
"Salamat sa tubig at sa pag-alalay." Wika ko habang unti-unting lumilingon sa mukha niya.

Hindi natitinag ang paningin niya sa kawalan, kahit medyo matagal na kaming nagpapahinga.

Mayamaya'y nagsalita na muli siya, "Ano okay ka na? Puwede na ba akong magsimula?"

"Oo."
Kinuha ko ang ballpen at papel ko sa aking bag. Ganoon din ang camera na kakailanganin namin.

"Kukuhanan ko muna ng mga pictures ang place." Wika ko.

Tumango-tango siya bilang sagot. Nag-ikot siya sa mismong lugar, upang suriin ang mga bagay, habang ako naman ay palipat-lipat ng lugar, habang kinukuhanan ng mga pictures ang iba't ibang sulok ng lugar.

Patapos na sana ako, isang litrato na lang. Nang itapat ko ang camera sa lugar ay saktong pagpunta naman niya roon. Natigilan ako at aksidenteng nakuhanan ng litrato ang lugar, habang nandoon siya.

"Tapos ka na?!" Nabigla ako noong magsalita siya.

"Ahhh... O-oo." Sagot ko, habang kabadong-kabado.

"Magsimula na tayo sa mga informations."

Habang nagsasalita siya at inilalarawan ang paligid, hindi ako makapag-concentrate. Ang ganda talaga ng boses niya, bagay na bagay talaga ang pagiging singer.

Mayamaya'y sinabi na niya ang mga bagay na nakita niya sa lugar. Kailangan kong isulat ang lahat nang mahahalagang impormasyon para sa report.

"Teka-teka... Ang bilis mo namang magsalita, hindi ko masyadong naintindihan iyong nasa bandang gitna." Reklamo ko, habang nakamungot na parang bata.

"Tsss! Ganiyan ka ba sa totoong scene, if ever? Sasabihin mo sa pulis na 'wait po hindi ko naisulat puwedeng pakiulit?' Grabe ka."

Napatungo ako.

"Ang hirap kasi sa 'yo pumapasok ka sa isang bagay na hindi mo naman pala kayang panindigan."

Napakunot-noo ako.
"Excuse me, kaya kong panindigan ang mga bagay na pinapasok ko, nagsisimula pa lang naman tayo." Sagot ko.

"Kahit pa, nagsisimula pa lang o matagal na tayo, dapat kapag pinasok mo na iyong bagay, dapat alam mo na kung anong dapat mong gawin." Pagsesermon pa niya.

Aba teka ano bang ibig sabihin ng lalaking 'to. Nalayo na yata kami sa topic. Parang iyong nakaraan na ang ibinabalik niya.

"O-oo na sorry na. Sige na huwag mo nang ulitin." Pagpaparinig ko.

Alam ko naman kasing reverse-psychology lang ang katapat niya.

Natapos ang pagsusuri niya sa lugar at ang pagkuha ko ng mga impormasyon. Akmang pabalik na sana kami ng biglang nagbadya ang pag-ulan.

Umambon ng kaunti, siguro naman ay hindi lalakas kaya minabuti naming simulan ang paglalakad pabalik.

Ngunit ilang hakbang pa
lamang ay biglang lumakas ang patak nito.

Agad niyang hinawakan ang kamay ko.
"Halika na bilis." Wika niya habang inaalalayan ako sa nagiging maputik na daan.

Nakakita siya nang malaking puno.
"Sumilong muna tayo roon."
Suhesyon niya, habang itinuturo ang puno.

Basang-basa kami noong makarating kami roon.
"Kababae mong tao ba't wala kang dalang payong?" Tanong niya habang hinahalungkat muli ang face towel sa kaniyang red bag.

Nang makuha niya iyon ay humarap siya sa akin. Nakita niya na basang-basa ang mukha ko. Dahil siguro sa concern, hindi niya napigilan ang sarili niya na mas lumapit pa, at punasan ang mukha ko mula noo papunta sa pisngi, ilong at nang makarating sa labi ay napatitig siya rito.

Napatigil ang pagpupunas niya, unti-unti ay napataas ang kaniyang paningin mula sa labi, ilong at napatitig siya sa aking mga mata na kanina pa siya pinagmamasdan.

Para akong tuod na hindi makagalaw, tibok lang ng puso ko ang tanging naririnig ko. Para akong nawawala sa sarili, habang kusang nagtititigan ang aming mga mata.

Mula sa pagtitig, napababa muli ang kaniyang mga mata sa aking labi. Hindi niya namayan ay unti-inti na niyang inilalapit ang kaniyang mukha sa akin. Parang may magnet na gustong maglapat. Malapit na sanang maglapat ang aming mga labi...

"Jasper! Anne!" Sigaw ng isang Criminology student.

Sabay kaming napabalik sa aming mga ulirat. Halata ko kay Jasper ang pagkabigla. Sa palagay ko ay hindi talaga niya sinasadya ang muntik ng mangyari kani-kanina.

"Kanina pa namin kayo hinahanap. Tara na tila na ang ulan." Yaya nang nakakainis na estudyante.

Kahit hiyang-hiya inalalayan pa rin niya ako sa maputik na daan. 

Para akong nasa ulap mula noong nangyari iyon. Hanggang sa nakarating ako sa aking kuwarto. Inalis ko ang aking gamit sa bag. Nang maalis ko lahat, tiningnan ko ang mga pictures sa camera. Nagulat ako nang makita ko na nahagip pala si Jasper sa huling litrato. Ang guwapo talaga ng ex ko. Ang astig niya. Parang ayoko nang alisin ang paningin ko sa larawan. Mahal ko pa siya.

Mr. Pa-Asa (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz