XXXIV

36 2 0
                                    

"Bakit walang wifi rito? Ang weird!" Reklamo niya.

Kailangan na kasi naming gawin ang report. Sa school na lang namin napagpasyahang ayusin ang mga impormasyon, pero nawalan ng wifi.

"Ano ba 'yan kung kailan kailangang-kailangan. Wala ka bang pocket wifi?" Naiinis na tanong niya.

"Wala, e." Sagot ko.

Kailangan na naming maiayos ang pinaghirapan namin, malaking puntos ang mawawala sa amin, kapag pumalpak kami.

"Sa computer shop na lang tayo gumawa." Suhesyon ko.

"Hindi tayo magiging komportable roon. Ang mabuti pa sa bahay na lang namin, malakas ang wifi roon." Wika niya habang nakita kong, parang pinipigil niya ang pagngiti, at pinalitan na lamang nang paghugot ng hangin sa dibdib.

Ano raw sa bahay nila? Patay baka nandoon ang parents niya. Nakakahiya tututol sana ako, pero bigla niyang niligpit ang mga nakalatag nang gamit na sana'y gagamitin namin sa pag-aayos ng report.

"Tara." Yaya niya.

Wala akong nagawa kun'di sumunod na lang sa kaniya. Sumakay kami sa kotse. Isang tahimik na Jasper na naman ang nakasama ko. Buti na lang at malapit lang ang bahay nila sa school.

Ang laki ng bahay nila, naging boyfriend ko siya, pero noon lang ako nakarating sa lugar na 'yon. Naisip ko tuloy, "Ikinahiya niya kaya ako noon kaya hindi niya ako ipinakilala sa parents niya? Bukod sa thought na gusto nila ay si Liza?"

Ang gara ng mga kasangkapan nila, parang mansion.

"Upo ka muna diyan, kukuha lang ako ng chips at juice."

May pa-chips at juice pa, ha! Ano kami manonood ng movie? Natatawa ako sa mga naiisip ko, ewan ko ba nagiging feelingera na naman ako.

"Ahmmn... Jasper, nandito ba ang parents mo?" Aksidenteng nasambit ko.

Natigilan siya at napatungo.
"Wala sila, may inaasikaso sa ibang lugar, mga ilang araw silang mamamalagi roon. Day-off noong isang katulong namin. Ang yaya naman namin ni Kuya ay nag-leave may sakit ang tatay niya."

Oh my God kaming dalawa lang sa bahay? Naupo na lang ako habang hinihintay siyang kumuha ng mga kakainin namin.

Ilang minuto lang ang lumipas ay bumalik na siya. Siya ang nag set-up ng lahat ng kailangan namin.

Binuksan ko ang isang file kung saan naka-save ang ginawa kong report. Pinabasa ko iyon sa kaniya.

"Okay, tama naman lahat nang nakasulat na mga informations." Wika niya, habang tatango-tango na parang siya ang magbibigay ng puntos.

"Sandali nasaan ang mga pictures?" Tanong niya.

Hinanap ko sa laptop ang mga pictures na nai-saved ko. Pero hindi ko makita.

"Nasaan ba 'yon? Ang alam ko na-saved ko 'yon." wika ko, habang nakakunot ang noo.

Nag-scroll-down ako sa Documents. Mayamaya'y aksidente kong na-click ang music area.

Bumungad sa paningin namin ang mga music na ipinadala niya sa akin noong unang araw ng pagiging magkasintahan namin. Tumibok na naman tuloy ang puso ko. Natigilan siya at parang may kung anong iniisip.

"Ahhh... e, wala... wala talaga!" Pautal-utal na nasambit ko.

Buti na lang at sumagi sa isip ko, "I-saved na lang ulit natin, dala ko naman iyong camera."

Binigay ko sa kaniya ang camera. Agad niya itong kinuha at binuksan. Habang tinitingnan niya ang mga pictures. Naalala ko ang litrato kung saan ko nahagip ang kaniyang mukha.

Pipindutin na sana niya ang button.

"Ayyy!" Sigaw ko nang bigla kong inilapat ang mga palad ko sa kaniya, upang pigilan ang pagtingin niya sa huling larawan.

Natigilan kami pareho nang maramdaman namin ang palad ng isa't isa. Ang init ng palad niya. Ang kinis ng balat niya.

Unti-unti siyang lumingon sa 'kin. Kitang-kita ko ang malagkit na tingin ng kaniyang mga mata. Tulad ng dati sobrang bilis ng tibok ng dibdib ko.

Mga ilang segundo kaming nagkatinginan ng biglang, "A-anong problema mo!?" Mariing wika niya noong sa palagay ko ay napabalik siya sa kaniyang ulirat.

"S-sorry, a-ano kasi... akin na nga muna 'yan." Namumulang wika ko, pagkatapos hablutin ang camera.

Agad kong pinindot ang screen at binura ang picture.

"Ano ba iyon?! Ba't mo binura? Ba't hindi mo ipinakita sa akin?" Naiinis na tanong niya.

"Pri--vate" Taas noong sagot ko. Pagkatapos ay bumuntong-hininga.

Haist muntik na ko roon.

"Game na, i-save na natin 'tong mga pi-picture na 'to." Dagdag ko.

Sinuri namin ang mga litrato. Maayos ang pagkakakuha ko sa mga pictures, at natulungan pa niya ako para maglagay ng dagdag na impormasyon sa naisulat ko nang report.

Kailangan naming ilagay ito sa MS Power Point. Siya na ang gumawa noon.

"Okay na!" Nakangiting wika niya pagkatapos pindutin ang save button.

"Sana mataas ang makuha nating puntos dito, ano?" wika ko habang nakatingin sa iisang direksyon. Nawala sa isip ko kung sinong nasa tabi ko. Para akong nasa ulap.

Dahil doon napatingin sa akin si Jasper at pabulong na sinabing, "Oo naman ikaw ang the best sa pagsusulat."

Nag-echo sa tainga ko ang mga sinabi niya. Totoo ba ang mga narinig ko? Pinuri niya ako sa ganoong paraan?

"Ahmmn... gabi na, mabuti pa ihahatid na kita sa inyo." Nasambit niya.

Napatigil tuloy ang pag-echo ng mga salita sa tainga ko. Ano ba 'yan? Tinataboy ba niya 'ko?

Nagbigay na lang ako nang pilit na ngiti. Pero naalala ko noon, may time na nasa gitna pa kami nang masayang pag-uusap sa plaza, pero gusto niyang pauwiin na ako, dahil gabi na. Concern ang tawag doon.

Sa loob ng kotse, hindi pa rin siya nagbabago, laging tahimik. Kailan kaya darating ang araw na magkukuwentuhan kami habang nagda-drive siya? Parang ang mga naaalala ko, kapag nakasakay ako sa kotse niya ay puro sermon ang inaabot ko.

"Sige, salamat sa paghatid." Wika ko habang itinataas ang aking palad, senyales nang pagpapaalam.

Papasok na sana ako sa gate ng biglang...

"Anne!" Sigaw niya, dahilan upang unti-unti akong mapaharap sa kaniya.

"A-ano 'yon?" Tanong ko habang kabadong-kabado.

Unti-unti siyang ngumiti nang matamis. Nagbigay siya nang nakakatunaw na tingin at sinabing, "Good night..."

Hindi ko maitago ang aking kilig. Kaya naman, "Good night din, ingat ka. S-sige pasok na 'ko."

Mabilis na sagot ko. Tinuloy ko ang pagbubukas sa gate at mabilis na isinara ito. Nang makapasok ako roon ko nailabas ang kilig na kilig na ngiti ko.

Mr. Pa-Asa (COMPLETED)Where stories live. Discover now