Chapter XXXI

39 2 0
                                    

Isang araw pagkatapos ng klase ko biglang may nag-text. Kinabahan ako pagbukas ko sa cellphone ko ay nag-text si Marie. "Hay salamat akala ko si Jasper." Nasabi ko sa aking sarili.

"Kita-kita tayo sa plaza after class, 4:30 pm," text niya.

Ano kayang problema noong dalawa? Ang hirap na kasi ng schedule naming tatlo. Nagkikita-kita lang kami kapag may nag-set ng oras at lugar. Iba talaga kapag second year na tapos transfree ako, kaya magulo ang schedule ko.

Pagdating ko sa plaza roon ako pumuwesto sa lugar kung saan kami madalas nagkukuwentuhan.

Fithteen minutes late na sila. Ang alam ko maagang natatapos ang klase ni Marie kapag ganitong araw, si Fey naman mga 5:00 pm pa. Mayamaya pa iyon. Ano kayang problema?

"Hindi darating si Marie at Fey kaya 'wag mo na silang hintayin." Mariing wika noong lalaki sa aking likuran.

Kumabog nang mabilis ang dibdib ko. Napalunok-lunok ako at parang gusto ko nang tumakbo. Para akong nakagawa ng isang malaking krimen.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

"Naki-text lang ako kay Marie kanina habang nasa klase kami. Hindi niya alam ang tungkol dito." Dagdag pa niya.

Napapikit ako at hindi ko na alam ang gagawin. Kapag humarap ako at nakita siya, siguradong sasabog ang puso ko sa sakit.

Gayunpaman, kailangan kong gawin, kailangan kong maging matapang. Nang makaharap na ko at nakita ang mukha ni Jasper. Nakita kong nagsisimula nang tumulo ang mga luha niya, habang itinataas ang papel na may pirma.

"Paano mo nagawa sa 'kin 'to?!" Tanong niya.

Napatungo ako.

"Sumagot ka!?" Sigaw niya. Nakuha niya ang atensyon ng ilang mga nagde-date sa plaza.

Ang iba ay lumayo upang mabigyan kami ng privacy, ang ilan naman, ay nanunood na parang excited sa isang scene sa telebisyon at pelikula.

"J-Jasper, ginawa ko 'yan para sa 'yo at sa pamilya mo. Mahal na mahal kita, hindi ko kaya na dahil lang sa akin ay malugmok kayo sa kahirapan, at itakwil ka ng iyong ama." Paliwanag ko, habang patuloy na rin sa pagpatak ang aking mga luha.

"Alam mo, noon pa man masyado ka nang pakialamera pagdating sa pamilya ko. Salamat, pero bakit ka nakipagkasundo kay Liza? Pinaniwala mo 'ko sa picture na ikaw at si Liza rin ang may pakana!!"

Kita ko sa mga mata niya ang labis na pagkamuhi.

"Pinagmukha mo 'kong t*nga! Anong pinagkaiba mo sa kaniya?"

Napailing-iling siya habang ako naman ay halos hindi na makatingin sa mga mata niya.

"Alam mo ba kung gaano ko sinisi ang sarili ko noong nalaman ko na may litrato kami na kagaya nito? Hindi ako nakatulog, buong magdamag akong inom nang inom, hindi ako nakapasok kinabukasan. Hindi ko matanggap na nawala ka ng dahil sa kat*angahan ko. Pero iyon pala..."

"Sorry," pagputol ko sa mga panunumbat niya.

"Sorry is meant as a promise, I know. But still it is a word, that can lead us not to let go, but to give another chance." Dugtong ko.

"Chance? Chance is a stupid word!!" Mariing wika niya.

"Fine! I got it! Sige mula ngayon hindi na ako makikipag-usap sa 'yo. Tutal break na naman tayo."
Mga salitang nasabi ko, pagkatapos ay iniwan ko na siya sa plaza.

Umalis ako bitbit ang walang hanggang pait at pighati. Iyon ang sandaling hinding-hindi ko makakalimutan. Ang official break-up namin.

"I'm sorry Anne, hindi ko naman alam na ikaw ang ite-text niya, noong hiniram niya iyong cellphone ko." Nalulungkot na paghingi nang paumanhin ni Marie.

"Okay lang 'yon, kasalanan ko naman ang lahat, nagpauto ako kay Liza. I deserved this consequence," sagot ko.

"Maaayos din 'to, mahal n'yo ang isa't isa. Alam naman nating lahat 'yon," wika ni Fey.

"Girls, mukhang mahirap na issue ang nangyari. Pagdating sa mga ganitong kaseryosong bagay iba ang pananaw ni Jasper." Pagbibigay alam ni Lester na noon ay kasama namin.

Napatango-tango ako.
"Yes, pagdating sa mga pananaw sa buhay ay kakaiba siya. Siguro panahon na lang ang makakapagsabi. I love him, so I need to let him go and set him free," wika ko habang nakatuon lamang sa isang direksyon ang paningin at pugtong-pugto ang mga mata.

Sabi ni Lester hindi pa rin daw sumunod sa Dad nila si Jasper. Tulad nang inaasahan hindi siya pumayag sa kasunduan na iniaalok ng family ni Liza. Gayunpaman, tumupad si Liza sa usapan namin. Pinilit niya ang family niya na tulungang ibangon ang business nila Jasper. Isang way rin 'yon para maging malapit sila sa isa't isa.

Mabilis lumipas ang panahon. Third year college na kami nina Jasper at Lester. Second year naman sina Fey at Marie.

Masyadong mahirap sa ganitong taon. Pahirap nang pahirap ang ipinagagawa sa amin. Masyadong maraming out of school project ang course namin ni Jasper. Hindi man kami pareho ng kurso ay halos konektado naman ito sa isa't isa. Criminology ang course niya at Journalism naman ang sa akin.

May mga oras nga na gusto kong mag-transfer na naman sa ibang school o magpalit ng kurso, pero sabi nga nila, kapag papalit-palit may posibilidad na hindi makatapos. Isa pa kapag magkaiba ng description ng subject ay kailangan mo iyong ulitin. Tulad noong naging classmate ko si Jasper, na-take ko na ang Math 1 pero inulit ko pa rin. Naging daan pa kaya kami nagkakilala.

There's a time, na iisa ang place ng out of school project namin ni Jasper. Inaaral nila ang pag-investigate sa isang crime scene, habang kami naman ay pinag-aaralan kung paano kumuha ng impormasyon sa naturang krimen.

Nahuli ko siya na pasulyap-sulyap habang may lalaki akong kasama sa interview exercise. Nagseselos kaya siya? Pero isang beses din nakita kong may babaeng nagbigay ng mineral water sa kaniya. Sus! investigation naman ang ginagawa nila, anong nakakauhaw at nakakapagpapawis doon? Malandi lang talaga.

Mr. Pa-Asa (COMPLETED)Where stories live. Discover now