Chapter XIII

64 2 0
                                    

Nang makarating ako sa bahay, hindi naiwasan ang pagtulo ng aking mga luha. Oo, nadiskubre ko na mula kay Lester kung sino si Liza sa buhay ni Jasper. Ngunit hindi ko inasahan na ganito pala kasakit, kapag nakita ko silang magkasama. Lalo na sa ganoong ka-sweet na eksena.

Nang kasunod na araw, pagkatapos ng klase may nakita akong magarang kotse sa labas ng gate. Mayamaya'y may lumabas na babae. Dumiretso siya sa may fishball stall at bumili. Nang mamukhaan ko, si Liza pala ang babaeng iyon. Sarap na sarap sa pagkain ng fishballs. Labis ang aking pagtataka. Isang pintaserang babae, kumakain ng fishballs sa kalye?

Ilang sandali lang...

"Si Liza."

Nagulat ako, hindi ko naramdaman ang paglapit ni Lester sa akin.

"Lester, kanina ka pa ba d'yan?" tanong ko.

"Hindi, ngayon lang, nagtataka ka sa nakikita mo, ano?" nakangiting tanong niya.

Sinunda pa niya ng...
"Huwag ka nang magtaka. Paborito kasi nila ni Jasper ang fishball, madalas nag-aagawan pa iyong dalawa sa natitirang fishball. Hindi pa rin niya nakakalimutan. Siguro inaantay niya si Jasper," salaysay ni Lester na para bang pinararamdam sa akin na walang pag-asang maging kami ni Jasper.

"Talaga?" Tanging salita na nasabit ko.

"Tara puntahan natin, kawawa naman," yaya pa niya.

"Ha? Huwag na, darating na rin naman si Jasper," pagtanggi ko.

"Sumama ka na sa akin. Gusto ko na rin siyang makausap ulit," pamimilit niya.

Naalala ko, magkababata nga pala sila. Wala na akong nagawa. Sumama na lang ako.

Pagdating namin sa kinaroroonan niya...

"Fishballs?" bungad ni Lester upang mapaharap sa kaniya ang nakatalikod na si Liza.

"Oh! Lester, ikaw na ba 'yan?" tanong niya.

Sa isip-isip ko lang... 'Nakakapagtagalog naman pala.'

"Yah... How are you?" tanong ni Lester.

"I'm good. Happy and successful. I miss eating street foods," sabi niya sabay tingin sa akin, na para bang sinasabing 'ganoon siya dati'.

"Ay, si Anne..."

"Yah."
Hindi na pinatapos ni Liza si Lester. At sinundan pa niya ng...

"I knew her. Nakilala ko siya noong nasa mall kami ni Kuya and sa bar kung saan nagpe-perform ang band nina Kuya Erick and Jasper.

"Band?" nakakunot ang noong tanong ni Lester.

"Yes. Don't tell me, hindi mo alam ang tungkol doon." Nagtatakang sagot ni Liza.

Napalingon sa akin si Lester, at nakita niya ang naging reakyon ko.

"Ha? Siyempre alam ko," sabay ang pagbuntong-hininga, na dulot nang pagkabigla.

Hindi nagtagal nakita na namin si Jasper na papalapit.

"O! Nand'yan na siya..." may matamis na ngiti at excitement sa reaks'yon ni Liza.

Pagkatapos ay sinalubong na niya ito at niyakap nang mahigpit. Nagulat naman si Jasper sa ginawa ni Liza, imbes na gumanti ng yakap...

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Jasper. Sabay ang pagtingin sa kinaroroonan ko. Kitang-kita niya na nasasaktan ako.

Nakita ni Liza ang pagtingin na iyon ni Jasper at malamig na reaks'yon nito habang nakayakap siya.

"Surprise! Hindi ka ba masaya na pinuntahan kita?" tanong ni Liza.

"S'yempre masaya. Nabigla lang ako, hindi ko inaasahan," sagot ni Jasper.

Masyado nang masakit kaya't minabuti ko na lang na magpaaalam.
"Ahmm... guys, I need to go. Kita-kita na lang ulit tomorrow."

"Ihahatid na kita," offer ni Lester na agad ko namang tinanggap.

Nakita ko ang pangamba ni Jasper bago ako umalis. Nakita ko ang lungkot niya.

Kinagabihan bago ako matulog nag-ring ang cellphone ko. Nakita kong tumatamawag si Jasper. Hindi ko ito sinagot, hanggang sa nakatatlong beses na. Dahil sa hindi ko pagsagot ay nag-text na lang siya.

"Sis, usap tayo tomorrow sa plaza."

Hindi ko na lang iyon sinagot. Ewan ko ba. Alam kong dapat ay hindi ko iparamdam sa kaniya na nasasaktan ako sa mga nakikita ko. Pero hindi ko maiwasan, marahil ay dala
ng emos'yon ko.

Kinabukasan, sa Math class. Hindi ko pa rin maiwasan ang hindi siya pansinin, alam kong alam niya ang dahilan kaya't hinayaan na lang muna niya ako. Kahit nasa likod lang siya nang kinauupuan ko. Nag-text siya sa akin...

"Sis, maghihintay ako sa plaza."

Matapos kong basahin ang mensahe ay inilagay ko na muli ang cellphone sa aking bulsa.

Dumating ang oras na itinakda upang magkita kami sa plaza. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nagdadalawang-isip ako, ngunit dahil sa text ni Jasper na nagsasabing 'maghihintay siya' napagdesisyonan kong siputin siya.

Nang makarating ako...

"Sis, akala ko hindi ka darating," nakangiting wika niya.

"Anong gusto mong pag-usapan natin?" may malamig na tono sa tanong ko.

"Tungkol kay Liza," sagot niya.

"What about Liza?" pagpapainosenteng tanong ko.

"Nahahalata ko kasi na umiiwas ka tuwing nakikita mo kaming magkasama," sagot niya.

"Hindi ako umiiwas. Walang dahilan para umiwas ako," mataray na sagot ko.

"Mayroon! Dahil nasasaktan ka! Dahil nagseselos ka!" Sunod-sunod na bintang niya.

"Ang kapal mo! Anong gusto mong palabasin? Anong ibig mong sabihin na gusto kita?" patanong na sigaw ko.

"Hindi!" Sagot niya. Na sinundan ng...

"Hindi mo talaga ako gusto! Kasi... Mahal mo 'ko." Nasabi niya sa mahina at malumanay na tono.

Hindi ako makapaniwala na nasabi niya 'yon.

Natigilan ako at hindi na nakapagsalita.

"Ano? May isasagot ka pa ba? Mali ba ako?" may ningning sa mga matang tanong niya.

"Kung sasagot ba ako ng 'tama ka' magiging tayo ba? Nanliligaw sa akin ang kapatid mo, dumating na ang babaeng napangakuan mo nang pagmamahal. Pareho man tayo o hindi nang nararamdaman. Wala pa ring mangyayari," sagot ko.

Napatungo na lang siya. Ako naman ay patuloy ang pag-agos ng mga luha.

Minabuti ko na lang na umalis. Iniwan ko siya na mag-isa at patuloy na nag-iisip. Bakit nga ba ang lupit ng tadhana? Kung sino ang mahal mo, siya pa ang hindi nakatadhana para sa 'yo. Hindi ko alam ang mangyayari sa samahan namin, pagkatapos ang pag-uusap na iyon. Isa lang ang alam ko. Hindi ko siya puwedeng iwasan. Ayokong itapon ang aming pagkakaibigan ng dahil sa aking nararamdan. Lalo na't hindi ko naman kinumpirma kung mahal niya rin ako.

Mr. Pa-Asa (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora