Chapter XXX

34 2 0
                                    

Naging busy si Jasper, sa out of school project ng kaniyang kurso. Tapos Weekend na kaya naman hindi kami nagkita ng tatlong araw. Sayang ang mga araw, nabawasan pa...

Pero para sa kaniya lahat ay kaya kong gawin.

Araw ng Lunes, habang hinihintay siya, upang ihatid ako pauwi, hindi ako mapakali. Nakakaramdam ako ng sobrang sakit. Hindi ko alam kung kaya kong gawin pero kailangan.

Mayamaya'y narinig ko na ang mga yabag na ramdam ko ay nagmumula sa mga paa niya. Sa tingin ko ay handa na ko.

"Mahal, kanina ka pa?" Tanong niya habang hinihintay akong humarap sa kaniya.

Napabuntong-hininga ako, kaya ko 'to!

Pagkatapos kong humarap ay lumapit pa ako ng kaunti sa kaniya. Nangilid ang mga luha sa mga mata ko. Pagkatapos ay bigla ko siyang sinampal.

"Pak"

"B-bakit?" Gulong-gulong tanong niya.

"Taksil ka! Akala ko pa naman tapat ka sa akin! Katulad ka rin pala noong ibang rakista na kilala ko." Tuluyan nang umagos ang luha sa mga mata ko.

"Hindi kita maintindihan." Nakakunot-noong wika niya.

Binuksan ko ang cellphone ko at ipinakita sa kaniya ang isang litrato.

May kasama siyang babae habang nakahiga sa kama. Puting tuwalyan lamang ang nakatakip sa katawan noong babae. Habang siya naman ay nakahubad habang natutulog.

"Anong ibig sabihin nito?!" Mariing tanong ko, habang ipinapakita ang litrato sa cellphone ko.

Nanlaki ang mga mata niya.
"H-hindi... Hindi 'yan totoo!" Pagtanggi niya.

Mayamaya'y bigla siyang napaisip. Parang may naalala siya.

"Naalala ko na! Noong Sabado! Nag-inom kami ni Erick sa bahay nila. Ipinatawag kasi ako ni Tito para sa isang importanteng rason," sagot niya.

Kumirot ang puso ko. Kung ganoon pala ay alam na niya ang tungkol sa kasunduan, pero hanggang ngayon ay hindi pa niya sinasabi sa akin.

"Nakatulog ako sa bahay nila dahil sa sobrang kalasingan, pero hindi totoo 'yang litrato na kasama ko si Liza. Walang nangyari sa amin, set-up lamang 'yan para paghiwalayin tayo." Paliwanag niya. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang lubos na pagsusumamo. At sensiridad sa kaniyang mga sinabi.

Napakahirap para sa akin ang gawin ito.

"Sinungaling ka! Maghiwalay na tayo! Alam kong may pagtingin ka pa rin kay Liza! Imposibleng hindi mo alam," Dagdag ko.

Kitang-kita ko kung gaano kasakit ang naramdaman niya noong sinabi ko iyon. Walang patid ang agos ng mga luha niya.
"Ano bang nangyayari sa 'yo? Ikaw ang nagturo sa akin kung paano magtiwala, tapos ngayon..."

"Tama na!" Pagputol ko sa sana'y paliwanag niya.

"Huwag mo akong papaniwalain sa bulok na dahilan. Lasing ka kaya hindi mo alam ang nangyari? Lahat iyan ang dahilan, sa susunod kasi, manood ka ng mga bagong movie at teleserye, maraming bagong linya!" Mga salitang nasabi ko bago ako tuluyang umalis sa kaniyang harapan.

Pagkatapos ng mga pangyayaring iyon...

"Good job!" Papuri ni Liza.

"Ginawa ko na ang sinabi mo, ngayon, ikaw naman ang tumupad sa napagkasunduan natin." Nanlilisik ang mga matang wika ko habang wasak na wasak ang puso ko.

~~~~~~
Revelation:

Gulat na gulat ako noong makita ko siya.
"A-Anong ginagawa mo rito?"

"Ano ba namang klaseng pagsalubong 'yan? Hindi ba puwedeng 'Welcome back? Nice to see you again?"

"Hindi ako plastic," sagot ko habang nakasingkit ang mga mata at medyo kinakabahan.

"Ouch! Well, it doesn't matter. Since tingin ko gusto mo ng direct answer. Your wish is my command."

Iniabot niya sa akin ang isang papel. Nakasulat doon ang isang kasunduan. Kailangan kong makipaghiwalay kay Jasper kapalit nang pagtulong ng pamilya niya sa business nila Jasper, kahit hindi ito pumuyag na magpakasal sa kaniya.

"Nababaliw ka na Liza, kaya akong ipaglaban ni Jasper!" Pagtanggi ko.

"Yeah! That's what we called true love. Pero kung mahal mo siya hahayaan mo bang itakwil si Jasper ni Tito, kapalit ng isang katulad mo? And worst! Sa tingin mo papayag ang family ko na tulungan sila?" Paliwanag ni Liza

Napaisip ako.

"You know what, masyadong maraming pera ang family ko para magdamot sa isang friend, na halos magiging pulubi kapag nagkataon. Imagine magiging masaya kayo while his family ay titira sa isang bahay kubo." Dagdag pa niya.

Muli niyang iniabot ang papel sa akin. Sign this paper and I'll make sure, na hindi maghihirap sila Jasper. And if ever na makasal kami, aalagaan ko siya nang mabuti, magiging masagana pa ang buhay ng magiging siblings namin.

Habang ipinapa-realize niya lahat ay naglalaro naman sa isip ko ang lahat. At hindi ko kayang mangyari ang mga iyon.

Hawak ko ang isang papel nang biglang, nag-ring ang cellphone niya.
"Excuse me."
Lumayo siya at sinagot ang tawag sa kaniyang cellphone.

Gayunpaman wala akong tiwala kay Liza.

May nakita akong isang bata.

"B-Bata, puwede ba akong humingi ng pabor sa 'yo?" Nagmamadaling tanong ko.

"Sige po. Ano po iyon." Sagot noong bata.

"Nakikita mo ba 'tong papel na 'to? Marunong ka na bang pumirma?" Tanong ko sa bata, upang makasigurado.

"Opo, tuwing may quiz po kami ay sumusulat kami ng "corrected by tapos napirma kami." Sagot noong bata.

Pinapirma ko ang bata, habang abala si Liza sa mukhang importanteng tawag.

"Maraming salamat," wika ko sa bata. Pagkatapos kong ngumiti.

Pagbalik niya galing sa pagsagot sa cellphone.
"Heto."
Sabi ko sabay abot ng papel sa kaniya.

"Mabilis ka naman pa lang kausap. Sige, I think I really need to go. Bye." Pagpapaalam niya bago magbigay nang nakakairitang ngiti.

Nagmadali siyang sumakay sa kotse at pinatakbo ito nang mabilis.

End

~~~~~~

"What!?" Sabay na tanong ni Marie at Fey.

"A-Anong... P-Paano... waaah... Bakit hindi ka nag-isip? Baliw ka na ba talaga?" Natatarantang wika ni Marie.

Tulala lang ako habang ikinukuwento sa kanila ang mga pangyayari.

"Alam na ba 'to ni Lester?" Tanong ni Fey.

Umiling-iling ako.
"Pero hindi ko naman pirma iyon. Saka tingin ko makakatulong ang ginawa ko. Kaya lang hindi ko alam kung paano."

"Mukhang mas makakagulo, pirma mo man iyon o hindi. Wala namang abogado, it means walang kinalaman 'to sa korte. Gagamitin niya lang iyon para magalit si Jasper sa 'yo." Wika ni Fey.

Naisip ko tama si Fey. Pero mali ba ang naging desisyon ko? Ang isuko ang pagmamahalan namin kapalit ng kasaganahan ng pamilya niya?

But I believe in Destiny, kung talagang kami ang para sa isa't isa. Darating ang tamang panahon para maging kami muli. Sa panahon na wala nang hadlang. Marami na kaming nalagpasan na mga pagsubok noon. Mas mahirap ngayon pero alam kong kaya namin.

Mr. Pa-Asa (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon