Chapter XVIII

65 2 0
                                    

Pagkatapos ng lahat ng mga nangyari ay napalapit na rin si Jasper sa dalawa kong kaibigan. Tuluyan na ring naging maayos ang samahan nilang magkapatid. Araw-araw ay magkakasama kami. Lalo tuloy akong napalapit sa kaniya. Iyong closeness na 'di na ako kinakabahan kapag magkasama kami, iyong kahit kinikilig ay nakakatingin na ako sa mga mata niya, pakiramdam ko ay nasa stage na kami ng Mutual Understanding. Hanggang sa natapos ang 1st semester.

Sa pangalawang semester ay wala ni isa sa kanila ang naging classmate ko. Gayunpaman, naging classmates sina Marie at Jasper sa isang subject. Ang hirap talaga kapag magkakaiba ng kurso, pero hindi naman naging dahilan iyon para magkawatak-watak kami. Nag-uusap-usap pa rin kami, kapag break time at tuwing maagang natatapos ang mga klase namin. May oras din na inihahatid ako ni Jasper sa aming bahay. Ang sweet talaga niya, ewan ko ba kung bakit ayaw pa niyang umamin, samantalang halatang-halata na naman.

Nauso rin ang communication sa social media, mayroong tinatawag na facebook. Doon maaari kaming mag-chat, mag-post ng pictures, status at iba pa.

~~~~~~~~
"Paano, chat-chat na lang?" Tanong ni Jasper matapos isara ang pinto ng kotse kung saan niya ako inalalayan bago bumaba.

"Sige, salamat sa paghatid, ha?" Sagot ko kasunod ng pagngiti.

"Anong salamat, inililista ko ang bawat sakay mo sa kotse ko, ang dami mo ng utang panggasolina. Kaysa sa jeep, taxi o tricyle ako na lang ang bayaran mo." Biro niya.

"Hahaha... 'di mo agad sinabi sana 'di na lumaki ang utang ko, 'yaan mo babayaran kita, magkano na ba?" Natatawang tanong ko.

"Sigurado ka kaya mo nang bayaran ngayon?" Tanong niya.

Hala napasubo yata ako. Napatigil tuloy ang pagngiti-ngiti ko.

Nang mapansin niya ay bigla niyang hinawakan ang dalawang kamay ko. At sinabing...

"Hindi naman pera ang ibabayad mo, kun'di ang puso mo, puwede na ba akong maningil ngayon?"

Hinigpitan niya pa ang paghawak sa mga palad ko. Itinaas ang mga ito at hinalikan.

Nanginig ang mga ito at ramdam na ramdam ko ang labis na pamumula ng aking pisngi. Kumabog nang mabilis at malakas ang dibdib ko nang makita ko siyang titig na titig sa mga mata ko. Para akong mahihimatay ng bigla kong narinig ang mga katagang...

"Anne, can you be my girlfriend?"
~~~~~~~~

"Anne... Anne... nandito na tayo," mga salitang narinig ko habang nasa gitna ng ulap.

"Huy... gising na!" Doon pa lang ako naalimpungatan dahil sa lakas ng pagyugyog ni Jasper sa isang balikat ko.

"Ang sarap ng tulog mo, a! Ang hirap mong gisingin, ta's pangiti-ngiti ka pa. Napapailing na nga lang ako, kapag napapasulyap ako sa 'yo habang pikit na pikit." Nakangiting pagpapatuloy ni Jasper.

Noon palang bumalik sa ulirat ko ang buong katotohan. Nasa loob nga pala kami ng kotse niya. Dali-dali na siyang umikot sa kabilang pinto ng kotse at inalalayan ako pababa nito.

"Salamat," wika ko.

Ganitong-ganito ang nasa panaginip ko.

"Wala iyon, sige na pumasok ka na at malamang nag-aalala na sa iyo ang parents mo.

Ay... mali! Hindi niya ako siningil sa gasolina, hindi ito ang nasa panaginip ko.

"Wala sila, nasa ibang bansa, si Tita at iyong isang pinsan ko lang ang kasama ko rito." Pagbibigay alam ko.

"Ahhh..." Tanging reaksiyon na naibigay niya. Tapos ay tumalikod na at umalis.

Kailan kaya magbabago ang kaibigan ko? Ang ganda ng panaginip ko, sana isang araw mangyari rin iyon.

Kinabukasan ay maagang natapos ang klase ko. Nakita ko si Marie na nakaupo sa may lobby. Lalapit na sana ako nang bigla kong nakita si Jasper na umupo sa tabi niya, at may bitbit na gitara. May nakahanda namang papel at ballpen si Marie. 'Di ko man rinig ay nakita ko ang pagkalabit ni Jasper sa gitara. Napansin ko na may tinitingnan siya sa papel ni Marie. Gumagawa kaya sila ng kanta? Nakita ko rin ang madalas na pag-iling ni Marie habang pinakikinggan ang tunog ng gitara, gayoon din ang wari ko'y pagbura niya sa ilang nakasulat sa papel. Hmmn... mukhang nahihirapan sila. Nalibang ako sa panonood sa dalawa kong kaibigan. Naisip ko, 'Ang hirap palang bumuo ng kanta.'

"Bakit pinanonood mo? Ba't 'di ka lumapit?" Tanong ng babaeng biglang tumabi sa akin.

"Ikaw pala Fey. Hindi na, parang nagawa sila ng kanta baka makaistorbo ako," sagot ko.

"Hindi, a! Baka nga makatulong ka pa. 'Di ba may mga tula ka? Try mong i-suggest, malay mo magustuhan nila. Ah! nasa akin nga pala iyong isang kopya noong isa mong tula, halika dali ipabasa natin." Excited na suhesyon niya sabay hila sa akin papalapit sa kanila.

"Hi guys," bati ni Fey sa dalawa kong kaibigan.

"Kanta ba 'yang binubuo n'yo?" Tanong pa niya kahit hindi pa natugon sina Jasper at Marie.

Hawak ni Fey ang isang kopya ng tula ko. Naipa-edit ko iyon sa kaniya noong mga oras na baliw na baliw ako kay Jasper.

"Oo, Ang hirap nga, e." Nakamungot na sagot ni Marie. Habang pinagmamasdan ang papel na puno ng bura.

Walang anu-ano'y inilahad ni Fey ang papel na may laman ng tula ko, "Baka makatulong."

~~~~~~~
Alipin ng Pag-Asa

Pumasok siya minsan sa aking buhay,
Naging parte ng mga kaibigan kong tunay.
Nagbigay ng kung ano sa larangan ng pagkakaibigan,
Mga galak -- 'di lang saya sa kaniyang kinabibilangan.

Kahanga-hangang mga salita sa labi niya'y namumutawi,
Mga kuwentong kakaiba'y 'di namin mawari.
Kakaibang personalidad ang sa aki'y bumihag,
Preso ng pagtingin ang sa aki'y maaaninag.

Mga ngiti niyang nakakatunaw ay nakakahimatay,
Tuwing siya'y tumititig bumababa ang aking kilay.
Paano ako makikipagkuwentuhan kung may tumitibok?
Itong puso ko'y 'di masaway sa paghagok.
~~~~
Isang araw naramdaman kong may nais ang puso mo,
May gustong iparating dito sa puso ko.
Halata sa mga kilos mo ang iyong pagbabago,
Nais kong magtanong, ngunit 'di ko alam kung paano.

Nagbago kung paano ka tumitig,
Kung susumahin ay para kang umiibig.
Laging nakangiti ang iyong labi,
Ngunit ang iyong nasa isip ay 'di ko mawari.

Ano ba ang dapat kong maramdaman?
Ang nasa isip mo'y 'di ko alam kung anong laman.
Tumitibok ba ang iyong puso kaya ka nagbago?
Ang tanong, ito ba'y para sa akin o sa ibang kaibigan ko?

'Di ko mapigil ang aking nadarama,
Para akong ewan na sa pag-ibig ay umaasa.
Anuman ang dahilan ay aking tatanggapin,
Ganiyan kita kamahal, kaya kong maging alipin.

~~~~~~~~~

Inabot ni Jasper ang papel na hawak ni Fey. Walang mapagsidlan ang kaba sa dibdib ko. Mayamaya'y nakita ko siya na pangiti-ngiti habang binabasa ang tula. Sumigla ang puso ko sa tuwa. Parang gustong kumawala ng kilig ko, pero nasa public place kami. Nang biglang...

"Hahaha... Hahaha... Whooo! tula mo 'to?"

Ibubuka na sana ni Fey ang bibig niya, upang aminin na sa akin ang tula ng biglang sinundan ni Jasper ang kaniyang pagtawa.

"Hahaha... Ang corny mo, Fey. Makata ka pala? At sino naman 'tong lalaking 'to. Hahaha... mahilig ba siya sa mga ganitong sulatin? Grabe ang baduy!"

Gulat na gulat kaming tatlo sa reaksiyon niya. Kumirot ang puso ko. Walang patid pa ang ginawang panlalait ni Jasper.

"Ang daming wrong grammar, Fey. Akala ko pa naman tama sila na magaling ka sa English, Science at Filipino. Alam mo buti na lang hindi ako ang lalaking 'to, Hahaha..."

Hindi ko na nakayanan at bigla nang pumatak ang mga luha ko. Sobrang sakit na. Dali-dali na lang akong tumalikod papalayo. Agad naman akong sinundan ni Fey at Marie pagkatapos nilang iwanan ng nanlilisik na tingin ang mapanlait na si Jasper.

Mr. Pa-Asa (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora