Chapter CII

1 0 0
                                    

Sabi ng mga classmates ko may join lecture na naman daw ang Criminology at Journalism. Kaya pala parehong overtime ang lecture namin last time. Ano na naman kaya iyon?

Pero pagdating ko sa room, walang tao. Pero may speaker sa taas nang gilid noong wall. Ang weired, mali yata ang room na napasukan ko. At niloloko yata ako ng mga classmates ko. Wala naman yatang join class ang Criminology at Journalism.

Pero na-curious ako. Dahan-dahan akong humakbang hanggang sa makarating ako sa gitna ng classroom. Tiningnan ko ang bawat sulok ng classroom. Wala namang kakaiba bukod sa speaker. Baka music ang susunod na subject dito.

Pahakbang na sana ako nang biglang tumunog ang speaker. Nagsimula na ang intro nang pamilyar na kanta.

~~~~~~~~~~~~
When I Met You
by: APO
~~~~~~~~~~~~

Pagkatapos ng intro ay nagsimula na ang pagkanta ng isang lalaki na wari ko'y galing ang tinig sa kabilang classroom. Ramdam ko ang unti-unti niyang paglapit. Nang makarating siya sa pintuan ng room kung saan ako naroon ay nagsimula na ang Chrorus ng kanta. Nakumpirma kong si Jasper ang lalaking iyon. Pero bago siya tuluyang pumasok ay kumindat muna siya. Kinilig ako, ang guwapo niya talaga, lalo na noong nagsimula siyang umiling-iling, habang kumakanta. Damang-damang ko ang bawat lyrics, dahil sa emosyon na ibinibigay niya. Nakakabingi na naman ang pintig ng puso ko. Gayunpaman, rinig na rinig ko pa rin ang bawat lyrics.

~~~~~~~~~~~~~
When I Met You
by: APO

There I was, an empty piece of a shell
A smile in my whole world
But before I knew
There I was, I'm so inlove with you
You give me a reason from my being
And the love, what I'm feeling
You give me a meaning to my life
And it go beyond existing
And it all began
When I met you

~~~~~~~~~~~

Habang papalapit nang papalapit sa akin ay napakunot-noo ako, naisip ko. May banda ba sa kabilang room? Bakit may naririnig akong drum? Wala naman siyang mic. pero ang lakas ng boses niya galing sa speaker. Nang malapit na siya sa akin ay hinawakan niya ang kamay ko. Nagbigay siya ng matamis na ngiti habang kumakanta, pagkuwa'y dahan-dahan siyang lumuhod.

Ilang linya na lang, nang biglang.

"Tut... Ring... ring..."

Nagulat ako, "Tut... ring... ring... ang sinasabi sa speaker, pero iba ang galaw ng labi niya. Ano 'to Asianobela?

Nang makita niyang natatawa ako dahil sa mga nangyayari, parang bigla siyang nanggigil. Ewan ko kung sa akin o sa pangyayari.

Tumayo siya, pagkuwa'y may lalaking sumulpot sa may pintuan. May hawak na cellphone na patuloy na nagri-ring.

Agad siyang lumapit sa lalaki, habang bumubuntong-hininga kasabay nang pag-iling iling.

Tiningnan niya kung sino ang tumatawag. Nang makita niya kung sino ay bigla niyang pinatay ang cellphone.

Lumapit siya sa akin, habang 'di ko mapigilan ang pagbibigay nang nakakainis at nakakairitang ngiti.
"Nakakatawa 'yon?" Mukhang inis na inis siya.

"Sorry... ikaw kasi... Hihihi" Hindi ko magawang magseryoso kahit gusto ko.

"Sige tawa lang. E, wala akong maisip na moves, kaya nagpalagay na lang ako ng speaker diyan sa taas. Tapos pina-connect ko na lang sa cellphone. Tapos pinatugtog ko iyong song."

Napatigil ako sa pagtawa.

"Tapos naisip kong mag-lipsync, para kiligin ka. Badtrip!"

Gusto ko sanang itanong kung sinong tumawag, pero nagdalawang-isip ako.

"M-maganda naman iyong ginawa mo. Kinilig ako, promise." Sabay taas ng kamay.

"Ang totoo nga, mas naging maganda dahil sa nangyari. Hindi perfect, nakakatawa, nakakakilig, nandoon pa iyong nagkaroon ako ng bala, para asarin ka." Seryosong sagot ko.

Hinawi niya ang buhok ko.
"Kaya mahal na mahal kita. Dahil na-a-appreciate mo ang lahat nang negativities ko." Pagkatapos ay dahan-dahan siyang nagbigay nang napakatamis na ngiti. Napakasarap titigan nang mapula niyang labi.

Nabasa ko sa mga mata niya na gusto niya talaga akong pasayahin. Naramdaman ko kung gaano niya ako kamahal. Lalo na noong kumakanta siya. Gusto niya akong pakiligin dahil may pakindat-kindat pa siya. At pailing-iling habang kumakanta. Ay mali! Lipsync pala.

Hindi nagtagal ay bumalik iyong lalaki sa may pinto. Nang mapansin na ito ni Jasper. Bigla silang nag-thumbs up sa isa't isa.

Nakakapagtaka, palpak na nga may thumbs up? Tapos ayaw pa niyang magyaya palabas ng room.

Ilang minuto lang pagkatapos kaming iwanan muli noong lalaki ay biglang may tumunog muli sa speaker.

Nang marinig niya ang intro. Tumayo siya at inilahad ang kaniyang kamay na parang hinihingi ang sa akin. Ibinigay ko naman ito. Dahan-dahan niya akong inalalayan patayo. Dinala niya ako sa gitna ng room kung saan walang maraming upuan. Tiningnan niya ako sa mata. Inilagay niya ang kanang kamay ko sa kanang balikat niya, pagtapos ay ang kaliwang kamay ko sa kaliwang balikan niya. Ang lakas nang pintig ng puso ko, habang naririnig ang tugtog kasabay nang paghawak ng dalawang magkabilang kamay niya sa magkabilang baywang ko.

Pagkatapos noon ay narinig ko na ang tinig niya.

Sa pagkakataong iyon rinig na rinig ko na siya ang umaawit kasabay ng tugtog sa speaker, habang isinasayaw ako. Napangiti ako dahil sa naisip ko. "Marunong pa lang sumayaw ang mokong na 'to."

Habang pangiti-ngiti ay nakatitig ako sa napakaguwapo niyang mukha. Pakuwa'y dumating na sa Chorus ng kanta.

Isa-isang nagpasukan ang mga classmates namin. Nakakahiya, may klase yata. Sesenyasan ko na sana siya, dahil parang wala siyang nakikita sa paligid kun'di ako lang. Tuloy-tuloy siya sa kaniyang pagkanta. Gusto ko nang tumigil siya.

Pipigilan ko na sana siya nang biglang lumapit sa may likuran ko ang isa kong classmate. May idinikit siya sa likod ko. Ganoon din ang ginawa noong isang Criminology student kay Jasper. Nasundan pa iyon ng ilan pang mga classmates namin. Para kaming ikakasal na dinidikitan ng kung anu-ano sa likod. Nakakakilig, ano bang ibig sabihin nito? Di nagtagal ay may isang Criminology at isang Journalism student ang nagtaas ng isang cartolina na may nakasulat na. "I Love #AnPer" May dalawang Criminology students pa na nagtaas ng cartolina na may nakasulat na. "Go Jasper."

Halos hindi ko na maririnig ang lyrics na binibigkas ni Jasper. Nagugulat ako sa mga nangyayari. Nasa isa ba akong teleserye o pelikula? Parang may fans club.

Hindi ko namalayan tapos na pala ang music. Hindi ko naramdaman na inalis na pala ni Jasper ang kamay niya sa baywang ko. Para akong nasa ulap na nakalapat pa rin ang magkabilang kamay sa magkabilang balikat niya. Nakangiti habang paulit-ulit na nililingon ang mga nasa paligid naming fans.

"Love it?" Wika ni Jasper.
Nang maibalik ko ang aking tingin sa kaniya.

Inalis ko ang dalawang kamay ko sa mga balikat niya.
"Planado 'to, 'no? Sinadya mo iyong kapalpakan kanina. Gusto mo talagang ma-disappoint ako, dahil lipsync lang. Kinuntsaba mo pa talaga ang mga classmates natin." Pagkukumpirma ko.

"Effective ba?" Bulong niya.

Tumingin ako sa mga classmates namin. May nakita akong mga babae, na kilig na kilig. May nakita rin akong Criminology student na ngumiti sa Journalism student, mukhang mag-bf ang dalawa.

Tiningnan ko si Jasper sa mata. Tinitigan ko siya. Pagkatapos ay bigla ko siyang pinikot nang kauti.

"Aray!" Sigaw niya.

Nagtawanan ang mga classmates namin.
"Hahahaha"

"Whoooo... Ayos, pre!" Sigaw noong isang classmate niya.

Mr. Pa-Asa (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora