Chapter XXXVI

36 2 0
                                    

Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari, may second chance pa kaya ang love story namin?

If ever, ang problema naman ay ang parents niya. Kaya sa panahong 'to siguro dapat sumakay na lang ako sa daloy, kung saan kami dalhin ng tadhana.

Isang araw, tumawag ako kay Lester magpapatulong ako, kailangan ko kasi ng cover photo para sa naisulat kong libro. Ayoko namang ipagawa sa iba, ang gusto ko ay sarili kong idea at effort. Kaya lang hirap ako sa mga tools ng Adobe Photoshop.

"Adobe Photoshop? Sige, kaso hindi puwede sa school, puno ang schedule ko. Kung okay lang sa bahay na lang namin malapit lang naman 'di ba?" Sagot ni Lester habang nasa gitna kami ng tawagan sa cellphone.

Naisip ko, nakapunta na naman ako roon, tapos okay na kami ni Jasper. Wala naman sigurong masama, and siguro wala na naman ang parents nila kaya malakas ang loob ni Lester na imbitahin ako.

"S-sige walang problema." Sagot ko.

"Okay, tomorrow 4:30 pm, after class dadaanan kita sa lobby." Pagbibigay niya ng instruction.

"Okay, sige baka naaabala na kita, salamat, ha? Good night." Pagpapaalam ko.

Ang totoo kinakabahan ako, paano kapag nakita ko si Jasper sa bahay nila, makakapag-concentrate kaya ako? Ang hirap naman ng sitwasyon.

At dumating na nga araw na kinatatakutan ko. Sinundo ako ni Lester sa lobby tulad nang napag-usapan.

Pagdating namin sa bahay nila, tulad ng dati wala na namang tao. Ano iyon naka-leave pa rin ang kasambahay nila at may sakit pa rin ang kamag-anak ng yaya nila? Grabe naman ang pagkakataon.

"Upo ka, kukuha lang ako ng miryenda." Wika ni Lester.

Ganito rin ang nangyari before, a! Grabe naman ang pagkakapareha. Kumuha siya ng juices at chips at agad na binuksan ang laptop para masimulan na namin ang pag-e-edit.

Bakit parang nagmamadali siya?

Ipinakita ko sa kaniya ang mga pictures na pagpipilian namin para sa naiisip kong ideya. Mahirap i-edit ang mga pictures. Marami masyadong aayusin, pero ang mga 'yon ang the best at perfect para sa ideya ko.

"Huwag kang mag-alala kayang-kaya natin 'yan." Pagpapalakas ng loob ni Lester.

"Tama!" Pangiti-ngiting sagot ko.

Itinuro niya sa akin kung ano ang tools na dapat kong gamitin. Kaya lang nanginginig ang kamay ko habang ikinikilos ang mouse.

"Bakit ka nanginginig?" Tanong niya.

"Pasmado ako, e." Sagot ko.

Pumuwesto siya sa likod ko, hinawakan ang kamay ko na nakahawak sa mouse. Halos mapayakap na siya sa akin.

Heto na naman ako, may tumitibok sa dibdib ko. Kailangan kong isaksak sa utak ko kaibigan ko lang siya. E, ba't ganoon naninigas yata ako.

Paano ba naman halos magkadikit na ang pisngi namin, kapag lumingod ako siguradong magkakahalikan na kami.

Ang init ng katawan niya. Napapapikit tuloy ako habang inaamoy ang pabango niya. Magkaibang-magkaiba sila ni Jasper bagamat pareho silang nakakahimatay ang awra.

"Ehem!"

Nagulat kami pareho nang marinig ang tinig mula sa aking likuran. Napatigil si Lester at napalingon naman ako sa likuran. Dahilan upang mapadampi ang labi ko sa labi ni Lester.

Pareho kaming nailang sa isa't isa, sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Pero napalitan ito nang kaba na may halong takot, nang makita namin kung kaninong boses ang narinig namin.

Hindi ko alam kung anong tawag sa reaksyon na ibinigay nito, parang galit na nabigla, namumula siya, parang may nanginginid na luha sa mga mata.

"J-Jasper?" Nasambit ni Lester.

Napalunok-lunok si Jasper at nakita kong ang lalim ng kaniyang pagbuntong-hininga.

"Ahmmn... Bro, let me explain." Wika ni Lester, habang lumalapit kay Jasper na may hindi maipaliwanag na reaksyon.

Nang makalapit si Lester sa kaniyang kapatid doon ako lalong kinabahan, baka masaksihan ko kung paano sila magsusuntukan.

Nagulat kami ng biglang...

"Hahaha... hahaha..." Pagtawa ni Jasper na parang nakakaloko.

"Anong ipapaliwanag mo? It's clear and I don't care. I wish you all the best, Bro." Wika niya sabay talikod at naglakad palayo.

"Bro!" Tawag ni Lester sa kaniyang kapatid.

Napataas ang kilay ko, ano pang gustong sabihin nito sa kapatid niya?

"S-saan ka pupunta?" Tanong ni Lester.

"Sa kuwarto." Sagot ni Jasper.

Napangiti-ngiti si Lester, "Bro daan palabas 'yan, doon ang papunta sa kuwarto mo." Pagtatama niya habang itinuturo ang hagdan sa kaniyang kanan.

Napatawa tuloy ako. Hala nalito ang lalaking kesyo hindi raw apektado.

"O-oo nga, may ano... may nakalimutan lang ako sa labas, kukunin ko lang." Sa tingin ko ay palusot ni Jasper.

Bumalik si Lester sa tabi ko. Hiyang-hiya kami pareho sa isa't isa. Lalo na ako, sapagkat ako ang aksidenteng napahalik sa kaniya.

"S-sorry ha?" Paghingi niya ng paumanhin.

"Wala namang may kasalanan, aksidente naman iyon." Sagot ko.

Ako na lang ang tumapos ng ine-edit ko, dinahan-dahan ko na lang ang paggalaw sa mouse, upang maging maayos ang pag-e edit.

Pagdating ko sa bahay, hindi ko makalimutan ang nangyari, ang naramdaman ko habang halos mapayakap na sa akin si Lester, ang reaksyon ko noong maamoy ang pabango niya, ang pakiramdam noong halos magkadikit na ang aming mga pisngi at higit sa lahat ay noong magkalapat ang aming mga labi.

Gumulo naman sa utak ko ang nasaksihan kong reaksyon ni Jasper noong makita niya ang mga pangyayari. Ang way nang pagtawa niya habang ikinakaila na apektado siya. Ang pagbigkas niya noong mga salita nang pagpapaubaya niya sa kung anong akala niya'y mayroon kami ng kuya niya, at ang pagkalito niya sa direksyon papunta sa kaniyang kuwarto.

Ano kayang susunod na mangyayari kapag nakita ko silang muli? Nakakakaba, paano ko sila haharapin? Nakakahiya ang mga nangyari.

Mr. Pa-Asa (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang